Chapter 4

66 3 0
                                    

  NAPANGUSO ako sa binabasa ni jay.

Kasalukuyan nila akong tinuturuan ng mga simpleng bagay para daw di na ako tawaging freak.

May nakapansin daw kasi sa mga kamang mangan ko.

Hawak hawak ko ang isang libro na encyclopedia kung tawagin.

Nakakatuwang marami akong natututunan sa kanilang pagtuturo at pagbabasa.

"ngayon, bakit ka naman itatago ni hera kung kanino?" nagkibit balikat ako bilang sagot sa tanung ni mock

  "wala ngang maalala eh" bugnot na angal ni jay "anlabo"

Natawa naman si lunar "may punto si jay, mock. Masyado ka"

Ngumiti lamang ako

Napailing nalang si mock bago uminom ng alak.

Oo, alak.

Isang dyosa na alak ang kanyang ina na taga asgard.

Si lunar naman ay anak ng dyosa ng buwan sa asgard.

Kung tutuusin, sa aming apat ako lang ang malayong kadugo ang deity ko.

*tok tok tok*

Agad tumayo si jay para buksan ang pinto para makita ang nasa labas.

"pinapanta ang lahat ng omega sa stadium ng alpha" wika ng lalaki mula sa labas.

Tumango lamang si jay bago kami hinarap at inayang lumabas.

S T A D I U M

"nandito na ang lahat, beta, alpha, mystique at ang omega." saka itinuro ng lalaki ang mga estudyanteng nasa labas.

Pumila kami sa pinaka dulo bago naglakad ang lalaki patungo sa pinaka harap.

"sya ang commander in charge ng omega" bulong ni jay "apo sya ni odin"

Tumango nalang ako.

Nanatiling nakayuko ako habang naglalakad kami, nasa harap ko sila mock at lunar nasa likod ko naman si jay, patuloy lang ang paglakad namin hanggang sa makapasok kami.

Di gaya kahapon ay may malaki nang ring sa gitna ng stadium.

"don't tell me, maglalaro lang ang mga alpha kailangan pa tayo dito?" dismayadong wika ni mock

"may humamon daw na taga beta sa mga alpha"

Nagtaasan ang mga kilay namin

Beta?

Alpha?

Not match!

"at kapag natalo ng beta ang alpha na ito, magpapalit sila ng pwesto" pagbibigay alam nung nasa harapan namin

"seryoso?" takang tanung ni lunar

Tumango ang nasa harapan "ang kapal nga ng mukha eh, newbie kasi"

"may bago pala sa omega" bulong ng isa ng pumasok ang isang may salaming binatilyo sa stadium "gwapo sana kaso mukhang nerd"

Nagtagpo ang mga mata namin at nakita ko ang panlalaki ng mga mata nya.

"ALEX!!!" malakas nyang sigaw kaya napukaw nya ang pansin ng lahat "ANDITO KA RIN PALA?!" may lumapit sa kanyang half horse half man "mi-mister diossys?"

"panu mo ako nakilala?" tanung ng centaur

"A-AKO PO ITO SI CODY!!!!" saka muling napatingin sa akin "sandali lang po ah? Lalapitan ko lang ang pinsan ko!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi.

Lumingon sakin ang centaur "magkapatid ba ang inyong mga magulang?"

Tumango ang binata "opo, sa pagkakaalam ko magkapatid si aphrodite at artemis eh- ay si hephaestus pa"

Kumunot ang noo ng centaur ng muli akong tignan "anung-"

Bago pa man nya matapos ang tanung ay nasa harapan ko na ang pinsan ko.

"ALEX!" saka yumakap "what happen, after the war? Pasensya na di kita natulungang lumaban, nasaan ang iba?" luminga linga "nasaan sila talia?"

Kumunot ang noo kong napatingin pa sa centaur na lumapit din sa amin  upang makinig.

Umiling ako "patawad... Pero di kita maalala.. Sino ka? Sinong talia?"

Naramdaman ko ang marahang pagbitiw nya sa aking mga balikat at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

"impossible..." wika nya

"sino ang deity mo?" tanung ng centaur

"Si hera po, lola ko po sya.."

Nakita ko ang pagtitinginan nila nung cody.

"IMPOSIBLE!" sigaw nito saka umiling iling "HINDI SI HERA ANG DEITY MO!" saka lumapit sa akin "ikaw ang anak ni aphrodite at hephaestus"

"ikaw si aestusdite..." dagdag nya dahilan nya upang mapatingin sa kanya ang ilang malapita amin.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya at kaba "ahm..sorry pero nagkakamali ka lang "

"Pero-"

"Pakiusap.."  ani ko dahilan upang matigilan ito at makita ang mga taong nakatingin nadin sa amin.

"Okay. I get it." Ani nya bago naupo sa tabi ko "now, will you explain to me why there are a lot of people here? Anung meron?" Ngumiti ako saka nagkibit balikat lang bago tumingin sa ring na nasa aming harapan, kung saan paakyat ang dalawang tao.

"Dark.." ani ng katabi ko.

"Dark?" Ani ko

Tumango sya saka tinuro yung lalaking naka kulay itim na tshirt at itim na slacks- talaga bang hindi uso sa alpha ang mag uniform? "Si Dark"

"Kilala mo pala sya?" Tanung ni Jay sa katabi ko

"Oo naman-"

"Nagtanung ka pa, Jay." Sabat ni Mock na animo'y parang mangmang si Jay "si Dark kaya yan, anak ni Hades at Persephone. Puro Dyos. Malakas makapangyarihan. 'tsaka tatlong nilalang lang naman ang nagtataglay ng purong dugo ng dyos na namuhay sa mundo. Si Dark, si Aestusdite, at si Annea. At ngayong wala na si Aestusdite ay si Annea na ang nagrereyna-reynahan dito."

"At si Dark ang Hari." sabat ni Luna habang nasa harap ang tingin. Napapailing lang ang katabi ko sa narinig.

"So it means, we both died." Ani nya. Saka napapailing na napayuko "how bad..."

Monsters in the City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon