"Aaah !!!! mama ano bang problema mo?? wala akong pasok ngayon jusko pakiusap naman kahit ngayon lang, masakit ang ulo ko, katawan ko pati na rin ang aking puso..."
Poink!!
"ma!!" binatukan ba naman ako.
"Anong puso ang pinagsasabi mo jan!! Yan ang napapala mo kakapanood ng mga korea novela na yan ang mabuti pa bumangon ka na jan ngayon na may pupuntahan tayo. Dali!!" sabi ni mama habang hinihila ako sa kama.
"Palengke nanaman, hay buhay."
"Hoy! ikaw babae ka, malamang sa palengke ee andun yung pwesto natin" ang lakas talaga ng pandinig ni mama. "Bilisan mo na magbihis o baka gusto mo ako pa magbihis sayo? Dali bangon!!
"Ok mother!"
Araw araw na lang ganito kung hindi sa eskwela sa palengke naman, nakakasawa na ha. Naiinggit ako sa mga classmate ko na puro mall o kaya salon ang pinupuntahan. Kung bakit ba naman kasi ako pinanganak na mahirap. Ang hirap kaya maging mahirap. OMG ha!!
Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ko dumiretso na ako sa kusina, kain muna bago sa palengke noh.
"Nami!! wag ka na kumain dyan nahuli na tayo. Doon ka na kumain sa palengke dali!" sigaw ni mama habang naglalagay ng mga gamit sa jeep ng aking tiyo.
Wala na po akong tatay, namatay daw po sia noong bata pa ako kaya kami na lang ni mama at ng bunso kong sister.
"Mama naman ee... sige na nga." sagot ko na lang at kumuha ng isang pandesal.
Nang makarating kami sa palengke, nagbuhat ako ng ibang gamit tapos bigla akong nabunggo ng isang gwapong nilalang, push talaga gwapo ee.
"Ahh miss pasensya ka na ha, hindi kita napansin. Tulungan na lang kita, sorry talaga." sabi niya habang namumulot.
" Ok lang kung ikaw lang aman ang bubunggo sakin, why not choconut." bulong ko.
"Miss?? ano yun??" tanong niya na medyo naguguluhan. Ang cute tlga niya.
" Ahh o-oo .. pasensya rin ha, ako din kasi di kita napansin." saka niya inabot saakin yong box na nahulog ko.
"Salamat ." sagot ko na lang.
"Nga pala pwede magtanong kung saan pwede bumili ng sariwang isda dito?" tanong niya.
"Ahh sariwang isda ba??" tanong ko habang tulala sa kgwapuhan niya.
"Oo ee ngayon lang kasi ako nagpunta dito kaya di ko alam.. hehe" sagot niya habang nkahawak sa batok niya. Ang gwapo talaga niya, mukhang anghel na bumaba sa lupa..
"Ahm miss?? Ok ka lang bah??" tanong niya kaya natauhan ako, nakakahiya mukha akong tangang ewan.
"Oo naman.., hehe samahan na kita nakakahiya aman sa kagwapuhan mo." bulong ko sa dulo haha
"Ha?? ano yun miss??" tanong niya.
"Wala kuya, sabi ko samin ka na bumili nagbebenta kasi kami ng sariwang isda gusto mo kasing sariwa mo pa ee." ay shunga nasabi ko, ang daldal ko talaga.
Bigla akong may narinig na tumatawa at alam ko kung sino yun. Nakakahiya na talaga.
"Hahahaha nakakatuwa ka naman miss, kung sabagay gwapo talaga ako." ay uber may pagkamahangin din pala eto, pero ok lang gwapo naman tlga siya.
.............
"Salamat miss ha." sabi niya nang makabili na siya ng isda.
"Wala yun kuya, kapag gusto mo ulit mag ulam ng isda dito ka na bumili samin ha?" sabi ko syempre para may poging suki na kami hahaha
"Oo naman, nga pala Drake ang name ko dont call me kuya na ha? Nagmumukha akong matanda eh mukhang magkaedad lang naman tayo. " oo nga mukhang magka edad nga kami.
"Sabi ko nga, sige Drake salamat sa pagbili pasensya na rin kanina."
"Wala yun, sige ha." paalam niya.
Sayang naman di ko na siya matititigan. Sana bumalik pa siya dito next time.
Habang nag aayos biglang nakikita ko na naman yung kagwapuhan niya. Ano ba yan sobra naman hindi maka get over sakanya, di ko na lang pinansin. OA na ko ee.
"Miss may nkalimutan pala ako" tanong ng imahinasyon ko kaya naman napatulala ako.
OMG! siya nga akala ko imagination ko lang talaga.
"Ano yun Dra....."
"Yung pangalan mo..."
Sabay na sambit namin. Jusko tama ba yung dinig ko?? Grabe his asking my name.. kilig much naman ako.
Sasagot na sana ako ng biglang sumigaw si mama.
"Nami! marami pang bubuhatin sa jeep ano bang ginagawa mong babae ka? dalian mo jan!" oh di ba napaka talaga ni mama.. makasigaw megaphone lang ang peg, kakahiya tuloy kay Drake.
"Pasensya ka na ha marami pa kasi akong gagawin.. till next time na lang ulit. Bye Drake" sabay takbo kay mama paniguradong war mode na siya e.
"Bye Nami!" sigaw naman niya kaya bigla akong napatigil at sobrang lapad ng ngiti. Crush ko na talaga siya. Sana magkita pa ulit kami.
......................................................:-)
PUSH KO NA TO MGA FRIENDS LADIES AND GENTLEMEN... SANA NAGUSTUHAN NIYO PO ANG FIRST CHAPTER NANG FIRST WATTPAD STORY KOH...
LAB YU GUYS!!!!!
-----blackbutterflyruth <3
BINABASA MO ANG
FALL FOR LOVE
RomanceUnang pagkikita pa lamang ay nagkagusto na si Nami kay Drake. Kaya naman nang malaman niyang sa school na pinag aaralan din niya eto mag-aaral ay gumawa na siya nang paraan para maging close sila. Marami ang nagsasabi sakanya na babaero daw eto pero...