FOUR!!

22 1 0
                                    

Maganda ang gising ko kinabukasan. Bumangon na ako at tumayo sa harap ng salamin at tinignan ang necklace na bigay niya. It was a silver necklace with a butterfly pendant. Ang ganda talaga ng feeling at dahil maaga akong nagising ako na ang nagluto ng almusal namin.

Saktong tatawagin ko na ang aking kapatid ng bumukas ang pinto ng kwarto niya. Nagulat ako dahil umiiyak siya ar mukhang nabigla siya ng makita niya ako kaya agad niyang pinunasan ang luha niya.

"Bakit ka umiiyak?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

"Wala ate, tara kain na tayo." hila niya sa akin papuntang kusina.

"Reylyn!? isa!" mariing sabi ko sa kanya.

Ayoko kasing naglilihim sa akin ang kapatid ko hanggat maari gusto ko malaman ang problema niya.

Bigla na niya akong niyakap at saka umiyak.

"Ate si Paul po kasi..huhuhu" sabi niya habang humahagugul.

"Anong ginawa ng Andrew na yan sayo ?? Bangasan ko yun e."

"Ate break na kami, nakipagbreak na siya sa akin."

Alam kong may boyfriend ang kapatid ko pero hindi ko maintindihan kung bakit ang babaerong yon pa ang boyfriend niya. Malalagot talaga sa akin yong Andrew na yan.

"Sige iiyak mo lang yan at pagkatapos mo diyan mawawala din yan. Walang kwenta yang ugok na yan. Hayaan mo at isumbong natin sa ate Camille niya, alam kong ikaw kakampihan nun. Hala sige ikain mo na lang yan." sabi ko sa kanya para kahit papano gumaan ang pakiramdam niya.

"Salamat ate." Reylyn

"Sis maganda ka, maganda tayo kaya wag papa-agrabyado. Sila ang dapat umiiyak dahil satin hindi yung tayo ang umiiyak dahil sa kanila." wow makapag advice ako ha..

"Uy ai ate may pinanghuhugutan???" natatawa na niyang tanong.

"Haha bruha ka talaga.. atleast napatawa na kita." sagot ko.

"Ate talaga." sagot na lang niya.

Actually papatulong ako kay Camz na imake over ang sis ko. Maganda naman siya kaya lang nga po di niya naasikaso ang sarili niya because of her studies at isa pa mahiyain din kasi siya, ayaw niyang napapansin. Ay naku ipapamukha ko talaga sa Andrew na yan na siya ang nawalan hindi ang sisteret ko.

.................

Kinausap ko si Camille about sa plano ko sa mga kapatid namin at tulad ng inaasahan ko, agree siya. This saturday lalabas daw kami para imake over ang sis ko at siyempre girl bonding na rin.

Busy kaming kumakain ng favorite naming fries ni camz ng biglang dumating si Jideah with busangot face.

"What's with that ugly face Jed?" tanong ni Camille kay Jed.

"Yang pinsan mo sumusobra na ha, palalagpasin ko pang kalimutan niya akong sunduin perp friends ibang usapan na kapag anniversary na ang kakalimutan. I hate him, grabe wag siya magpapakita sakin kung hindi makakalbo ko siya promise." galit na galit na sabi niya sa amin.

Nagtinginan kami ni Camille kasi nga may alam kami... at secret yun.

"Pati ba naman ikaw lovelife din ang problem." sagot ko na lang.

"Pinagsasabi mo diyan?" tanong niya.

"Paano yong mga kapatid namin break na." sabat naman nitong si Camille.

"Kaya pala iba nanaman kasamang babae ng brother mo fren." Jideah

"What? Makakalbo ko din yang kapatid mo best. Talagang sinasagad niya ako ha." galit kong sabi.

"Go lang best, I don't care kahit pa-salvage mo pa." sagot naman ni Camille habang tinitignan ang kanyang precious nails.

"Pagsabihan mo yang mga kalahi mo best ha, masyado silang masakit sa bangs." sabat naman ni Jideah

"Wala akong kinalaman diyan at isa pa wala kang bangs." sagot naman ni Camille.

"Ee kung ikaw na lang kaya kalbuhin namin best?" sagot ni Jideah.

"Sali ako diyan." dumating ang isa pa naming friend na si Dan.

"Sige lika na fren." ako.

"No!! I love my precious hair." maarteng sabi ni Camille.

Ayan nagkagulo na naman kami. At para matigil na ee nanlibre na lang si Camille ng foods.

"Mamang I think nakita ko si Drake sa gym may inabutan ng bulaklak at sa tingin ko kilala ko ang bulaklak na hawak niya. It's your beautiful white rose sa greenhouse." biglang sabat ni Dan sa usapan.

Napatayo ako sa sinabi niya. Hindi ako nagulat sa bulaklak kundi sa sinasabi niyang may binigyan siya ng bulaklak na ibang babae. Hinawakan ko ang kwentas na bigay niya. Parang ayaw ko munang maniwala, parang biglang sumisikip anf dibdib ko.

Tumakbo ako papuntang gym. Ang sabi ng isip ko sana hindi totoo, sana namalikmata lang si Dan, na sana hindi si Drake yun. Pero masakit pa lang makita anf katotohanan. I saw him laughing with a girl who is holding a white rose.

"Totoo pala." mahinang sabi ko.

Hinawakan ako sa balikat ni Dan na hindi ko namalayang sumunod pala.

"Relax mamang, wag gagawa ng eksena." Dan

Hindi ko siya pinansin.

"Drake." yun lang nasabi ko kasi lahat nang tao sa gym ay nakatingin na sa akin.

"Nami? It's not what you think." Drake habang papalapit sa akin.

"Hindi na ako maniniwala sa lahat ng sasabihin mo. I hate you Drake." sagot ko sa kanya, konti na lang babagsak na ang luha ko.

Nagulat ito sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin at hahawakan sana ang kamay ko pero bigla kong iniwas. "You don't understand Nami, I was just trying to make her feel better. You don't have to be jealous."

Oo nagseselos ako, sinong hindi di ba? Nagbigay pa siya ng kwintas kaya akala ko talaga hus into me. Pero mali pala, lahat ng babae binibigyan niya ng kung ano ano, umasa naman ako.

"Jealous? I'm not jealous Mr. Salvador, ang gusto ko lang ay tigil tigilan mo ang pagpitas sa mga bulaklak na sobrang inalagaan ko." sagot ko na lang para kahit papano ay maisabla ko man lang ang pride ko.

"Gianawa ko lang naman yun para magpasaya ng tao. Nami Im really sorry." Malambing na sambit niya sakin.

"Wala akong pakialam, kung magpapasaya ka ng babae mo wag na wag mong gagalawin ang mga bulaklak ko."

"Please Nami don't get mad." pakiusap niya sa akin pero fi ko siya pinansin.

"I'm not mad, ang akin lang Drake wag mo akong isasali sa mga kalokohan mo at simula ngayon hindi na kita kilala." matapang kong sabi sabay hablot ng kwintas na bigay niya at tinapon ko sa kanya. Tumakbo na ako palabas ng gym bago pa tumulo ang luha ko.

------;;;;-------------,,,,,

late update ulit... hahaha

ayan marami ata ako maisusulat naun na draft beacause of the two bruha's here... mention ko daw... Camille Joy Manipon Seun Yo poh na magiging bida rin sa story na "Yes I'm Inlove.... Wait...What?" at Jideah Mae Parungao po ng story na " Illusion Called Us" ..... kasama ko po sila nau. eh.. ang kulit...

Sana basahin niyo rin po ung mga story nila...

--------------balckbutterflyruth

FALL FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon