Maraming naikwento sa akin si Drake about sa buhay niya. Ewan ha pero parang ang gaan ng pakiramdam ko sakanya at ganon din naman siya dahil nasasabi niya sa akin ang mga personal na bagay. Her mother died when he was 10 years old in a car accident. His father naman ay nag-asawa ulit after her mother died kaya hindi niya na masyadong close ang papa niya dahil doon. Hindi daw niya matanggap na pinagpalit agad ng kanyang papa ang mama niya.
Kaya naman daw siya napadpad ng amerika ay dahil na rin sa pagrerebelde niya. His father cannot control him so he decided to take him to US with his stepmother na sobra naman daw mabait kaya nakasundo niya eto at siyang nakapagpabago sa kanya.
"Alam mo ang sabi ng banda, isa lang daw ang hindi nagbago sa akin.. alam mo kung ano?" tanong niya sa akin na nagpakunot ng noo ko. Ano namang alam ko dun ee ngayon ko nga lang siya nakilala. Pero siyempre dapat mabait ako sa kanya ngayon, next time ko na lang babarahin nasa emo mode eh.
"Ano naman?" tanong ko na lang.
"Ang gwapo kong mukha." sagot niya sabay tawa. Hala ang hangin ah hehe pero totoo naman , gwapo talaga siya.
Mukhang iba na talaga etoh. Si crush nagkwekwento ng mga bagay na tulad sa parents niya. Ang saya sa pakiramdam.
......
Inip na inip ba ako. Gusto ko na kasing matapos agad ang klase ko dahil naghihintay na sa akin sa greenhouse si Drake. Niyaya niya ako ng lunch. Sanay na akong nakakasalo siya sa pagkain dahil na rin sa barkada at dahil doon mas naging close pa kami.
"Yes natapos din ang kalbaryo!" malakas na sigaw ko nang idissmiss kami ng instructor namin.
"Anong sabi mo miss Santiago?"
Hala narinig pala ng teacher namin yung sinabi ,lagot.
"Ah miss ang sabi ko po have a good day.. hehehe" nag aalangang sagot ko.
"Mag ingat ka sa mga sinasabi mo miss Santiago, alam mong scholar ka." masungit na sagot ni ma'am at tsaka umalis.
Nakakahiya naman yun, bunganga ko kasi ang daldal. Tinignan ko ng masama ang mga classmate ko ng tawanan nila ako.Mga bully talaga mga tao dito kainis.
Nakipag unahan ako sa paglabas ng classroom at dahil doon may nakabangga akong gwapo ay este maganda pala .. ay ewan.
"Ano ba?" angal nito habang inaayos ang gamit nito na nahulog. Hindi niya siguro ako nakilala.
"Hoy anak nagmamadali ako, wag haharang harang sa daan." sagot ko ng nkangisi.
Oo anak ang tawag ko sa kanya dahil sabi niya magkasing ganda daw kami kaya ako na lang daw ang 'mamang' niya. At dahil mahal ko yan pumayag na din ako. His not totally gay po ha pero parang ganon na rin but his not wearing girls dresses and what so ever , just a handsome guy na inlove din sa guy. Opo, lalaki na inlove sa kapwa lalaki and Dan Christian ang name niya.
Bigla siyang lumingon at yumakap sakin. Namiss ako ng anak ko.
"Mamang ikaw pala .. kamusta ang bakasyon?" Dan
"Ayun masaya pero next time ko na chika nak naghihintay na ang papang mo sa akin.. hahaha bye nak." sigaw ko na lang sa kanya dahil naglalakad na ako palayo kasi nga baka my prince charming is waiting for me na.
"Ay mamang lumalovelife ka na ha! Push mo yan mamang. Boom landi!" sigaw ng bruha, malandi daw eh mas malandi pa siya sa akin.. haha
Nang malapit na ako sa pupuntahan ko, biglang may humarang sa akin. Muntik ko na namang nabangga. It was Reylyn, my one and only beautifiul sister syempre kanino pa ba magmamana yan kundi sa akin.. haha walang kokontra. Ano naman kayang kailangan nito.
BINABASA MO ANG
FALL FOR LOVE
RomanceUnang pagkikita pa lamang ay nagkagusto na si Nami kay Drake. Kaya naman nang malaman niyang sa school na pinag aaralan din niya eto mag-aaral ay gumawa na siya nang paraan para maging close sila. Marami ang nagsasabi sakanya na babaero daw eto pero...