"Late na ako?" sabat ng lalaking hinding hindi ko makakalimutan.
"Hindi pa Drake, nag aayos pa lang kami. Buti at nakahabol ka." tanong ni tita sa kanya.
"Siyempre naman po. Birthday ng pinakamagandang tita namin, di pwedeng wala ako." sagot naman niya.
"Itong batang to talaga napakabait at sobrang gwapo. Buti wala pang nagkakamaling babae sayo anak." sabi ni tita sabay tawa.
"May hinihintay ako tita at sa tingin ko bumalik na siya." nanginginig akong tumingin sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin.
"Oh my gosh !!" nagulat kami sa sigaw ni Camille na nakatingin sa akin.
"Nami nasugatan ka?!" sigaw niya sa akin kaya naman napatingin silang lahat sa akin.
Tinignan ko ang daliri ko at sobrang gulat ko dahil di ko man lang naramdaman na nasugatan ko na ang sarili ko. Shit! Anong katangahan nanaman ba to Nami? Nakakahiya, halatang kabado ako.
"Nami ano namang nangyari sayo iha?" tanong ni tita na halatang natataranta na.
"Tita, I'm ok. Hindi naman po malalim yung sugat. Malayo po to sa bituka." sagot ko na lang habang hinuhugasan ang sugat ko sa lababo.
Tatanungin ko sana si tita if na saan ang first aid kit nila ng biglang may humila sa kamay kong may sugat.
"Ako nang gagamot baka hindi mo pa malinis ng maayos mamatay ka pa." seryosong sabi niya.
"Patay agad Drake?Hello napakaliit na sugat ang daling gamutin. Akin na!" bigla kong inagaw sa kanya yung panggamot. Kaya ko naman talagang gamotin papansin lang talaga siya.
"Bakit ba ang kulit mo. Nami ako na para may silbi naman akong soon to be nurse." pagmamalaki niya.
"Edi ikaw nang nurse. Push mo yan. Pakibilisan lang." inis na inabot ko sakanya ang daliri kong may sugat para matapos na.
"Nami ...." nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko. Promise hindi talaga ako nkagalaw.
Sa mga oras na to alam kong gusto niyang iopen yung nakaraan. Kinakabahan ako kasi hindi ko to napaghandaan. Hindi pa ko ready pag usapan kasi natatakot ako na malaman niya yung totoong nararamdaman ko sa kanya.
Anong gagawin ko? Takpan ko na lang tenga ko, eh mukhang tanga lang. Takbo na lang ako palabas o di kya takpan ko nalang yung bunganga niya.. tama.. Good idea Nami.
"Ahm lovebirds excuse lang ha? Pero kasi pinapatawag na kayo nila mommy sa dinning area." nagkakamot sa batok na sabi ni Paul. "Bakit kasi ako pa pinagtawag eh." rinig ko pang bulong niya.
"Ah oo sige. Halika na Paul sabay na tayong pumunta doon." binilisan kong pumunta sa pwesto ni Paul at saka siya hinila papuntang dinning.
"Thanks" bulong ko sa kanya.
"Eh?" maguguluhang sagot niya. Oo nga naman bakit kasi ako nagpasalamat eh wala namang alam yung tao.Tanga mo talaga Nami.
At dahil andami kong iniisip eh nauna na pala silang naupo at kapag siniswerte ka nga naman ay malas pala eh dalawang chair na lang ang vacant at magkatabi pa. So ibig sabihin magkatabi kami ni Drake.
OMG this is torture.
--------------------/-//
salamat po sa mga nagbabasa pa rin ng story na eto.. now lang po ulit nka update kasi nawalan ako ng idea sa mangyayari sa story ni Drake at Nami pero i will do my best para mapaganda etow...
BINABASA MO ANG
FALL FOR LOVE
RomanceUnang pagkikita pa lamang ay nagkagusto na si Nami kay Drake. Kaya naman nang malaman niyang sa school na pinag aaralan din niya eto mag-aaral ay gumawa na siya nang paraan para maging close sila. Marami ang nagsasabi sakanya na babaero daw eto pero...