FIVE!!

9 1 0
                                    

I stop running nang maramdaman kong masakit na ang paa ko. Hindi ko namalayang dito pala ako sa greenhouse nakarating. Napaupo na lang ako sa damuhan, my tears keeps on flowing. Naalala ko lahat ng mga memories naming dalawa mula noong una kaming nagkita sa palengke. Sana hanggang crush na lang, sana hindi ko na lang siya kinausap noon edi sana hindi kami naging close at sana hindi ako umasa at hindi sana ako umiiyak ngayon.

--------------------

AFTER TWO YEARS....

Two years na rin ako dito sa new school ko, Falcon Academy. Pagkatapos ko ng high school as Valedictorian sa dati kong school, I decided to accept the scholarship na offer sakin ng school na ito. Alam siyempre ng dalawa kong bestfriend na dito ako nag-aaral kasi po pangarap ko talaga dito mag college.

Andito ako ngayon sa tapat ng bahay ni best Camille. Inimbitahan kasi niya ako dahil birthday ni tita. Actually alam kong sinasadya niyang si tita ang mag invite sa akin para hindi talaga ako maka hindi. Medyo iwas din kasi ako sa kanila for two years.

"Best bakit ganun si Kevin? Sabi niya oo mahal na niya ako pero bakit di ko pa rin maramdaman. Ako pa rin ang nag-eefort sa lahat."

Ayan ha kapapasok ko lang ng bahay nila niyan, nagsusumbong na ang bruha.

" Aba malay ko best, ikaw naman kasi best bakit siya pa din? Isa pa marami namang iba diyan naghihintay sayo. May nababalitaan nga ako ee."

Nakakaloka na kasi si best, Kevin pa rin e mukhang niloloko lang naman siya nung tao. Gandang batukan talaga.

"Ouch best hindi naman ganun, paano mo nga naman kasi malalaman e iniwan mo ko sa school. Nakakatampo pa din best" Camille

"Loka alam mo namang doon ko talaga gusto mag aral di ba?" sagot ko na lang.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sakin sa likod.

"Best huhuhu sobrang miss na kita di ka man lang nagparamdam sakin for two years."

Best Jideah yan with totoong luha. Namiss talaga nila ako. Ako din naman namiss ko sila. Sobrang busy kasi sa school kya hindi na ako nakakasama sa bonding namin siyempre scholar ako kya dapat talaga concentrate muna sa studies.

"Sorry best, alam niyo namang scholar ang lola niyo. Talagang sobrang busy ang kagandahan ko." yun na lang nasabi ko.

"Sorry ka diyan. Basta madaya ka pa rin." sagot naman niya.

"Best ano ka ba walang dramahan ngayon nakakahiya kay tita. Birthday na birthday niya nagdadramahan tayo dito." sabi ko para maiba na usapan.

"Tama si Nami mga dalagita, ang mabuti pa tulungan niyo na lang ako sa kusina at nang mapabilis ang gawain at darating na ang mga boys." sabi ni tita.

Ready na ba talaga akong makita sila? Ang makita siya? Ay bahala na nga si batman.

Tinulungan namin si tita sa kusina. Ayaw kasi niya na mga katulong ang magluto kapag may okasyon. Mas espesyal daw kapag siya mismo ang magluto.

Hindi pa kami natatapos sa kusina nang dumating ang "stitch". Naghihiwa ako ng fruits para sa juice ng pumasok sila. Gumaan ang pakiramdam ko ng hindi ko siya makita sa mga pumasok. Sana hindi na siya dumating bulong ko sa sarili.

Unang pumasok si Kuya Aldrin at naguluhan ako dahil di man lang niya pinansin si Jideah. Tumingin ako kay Camille at mukhang may alam siya. I will talk to these girls later, mukhang super huli na talaga ako sa balita.

"Nami long time no see ha.." sabi ni kuya Aldrin ng makita niya ako. "Tagal mong di nagpakita saamin ah." tuloy pa niya.

"Busy lang sa school kuya." nahihiyang sagot ko.

"Busy sa school o busy sa pag-iwas sa kanya?" tanong niya na medyo ikinairita ko.

"Kuya Aldrin! Stop it! It's not the right time to talk about it." sabat ni Camille. Buti na lang.

Pinagpatuloy ko na lang ang paghiwa ng prutas. I was about to slice another apple ng biglang may narinig akong isang pamilyar na boses.

.......................

Sorry po super duper late mag update tapos sabaw pa.. medyo busy lng po..... pasensya na po .............

FALL FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon