Una at Huli; Ikaw

5 0 0
                                    


Una sa lahat, gusto kong malaman mo na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Mula sa kung paano mo nabigyan ng saysay ang walang kabuluhan kong mundo
Hanggang sa napunan mo ng magandang parte ang uhaw kong puso.

Uhaw sa atensyon,
Uhaw sa pagsuyo,
Uhaw sa pagmamahal

Hindi man perpekto ang pisikal mong anyo,
Pango man ang iyong ilong, o malapad man ang iyong noo,
Ituturing kitang parang isang kayamanang isang beses ko lang matatagpuan.

Walang akong oras na sasayangin,
Walang pagkakataon ang palalampasin,
Makita ko lang ang matamis mong ngiti, kahit kitang-kita sa iyong tenga ang isang hikaw na itim
At kapansin-pansin ang masamang bahid sa manipis mong mga labi,
Kaakit-akit ka parin sa aking paningin

Malayo ka man kumpara kay Jeydon Lopez at Loki Mendez
O kay Raoul Vesarius Riego at Elijah Montefalco
Walang wala naman sila sa katotohanang akin ka, at hanggang pantasya lamang sila

Sakupin man ang aking kabuuan ng sistemang dulot ng mga libro,
Mananatiling ang pag-ibig ko sayo'y totoo
Maghihintay na matupad, isang imaheng panaginip kung maihahalintulad
Na sa simbahan, ako ay lalakad
Patungo sa isang taong naging karapat-dapat. . . Ikaw. .

Dahil una sa lahat, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko,
At hanggang sa huli, ikaw . . . at ikaw parin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN WORDS 😀Where stories live. Discover now