Mula Sa Malayo

5 0 0
                                    

Mga ilaw.
Mga ilaw na nagsisilbing palatandaan,
Na kailanman ay hindi ka ganun kadaling makamtan.
Mga kamerang nakatutok sayo palagi,
Mga kamerang hindi matigil sa kakahuli ng bawa't galaw mo't ngiti
Mga taong hindi magkamayaw sa tuwa sa tuwing ika'y nakikita,
At ang tanging pangarap nila ay ang mahawakan ka.

Sa bawat pag-akyat mo ng entablado,
Sa paghawak mo ng iyong mikropono, sa pagbigkas mo ng liriko, sumasabay ka sa tono.
Sa boses mong kay sarap pakinggan,
Hindi na maipagkakailang ako'y nahulog sayo ng tuluyan.
Nahulog, nang nahulog, paulit-ulit.
Hanggang sa ako'y napadpad na sa kailaliman . .
Hindi na 'ko makaahon, ni hindi ko na magawang i-angat ang aking sarili.

Pero sa kabila ng aking nararamdaman, alam kong isa lang akong taga-hanga mo. .
Isa lang akong babaeng naghahangad ng atensyon mo.
Ngunit wala akong karapatan kasi hindi ko hawak ang oras mo.
Hindi ka ordinaryo katulad ko.

Sa ngayon, hindi ako sigurado.
Hindi ako sigurado kung hanggang saan itong nararamdaman ko.
Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako aasa,
Hindi ako sigurado kung hanggang kailan mo ako hindi makikita.
Habang buhay na ba?
Pero . . basta, ang alam ko, isang bagay lang ang sigurado ako . .
Sigurado ako sa nararamdaman ko.

Gusto kita . .

Gusto kita pero malabo na malaman mo.

Alam kong milya-milya ang distansya natin mula sa isa't-isa at magkasalungat tayong dalawa.
Langit ka, lupa ako . .
Nasa taas ka, ako nasa baba . .
Anghel ka, tao lang ako.
At oo nga pala, eto ako nagsulat ng tula para sayo
Kahit pa walang kasiguraduhan na alam mo . .
Na nabubuhay pala sa mundong 'to ang isang tulad ko.

Hindi ako baliw.
Baliw sa paraang hahabulin ka kahit saan man para lang makuha ang pag-ibig mo . .
Ngunit sa nararamdaman,
Hayaan mo 'kong sundan ka sa social media,
Hayaan mo 'kong hangaan ka sa harap ng telebisyon, o sa harap ng antipara.
Hayaan mo 'kong mahalin ka sa paraang alam ko.
Kahit pa ang mahalin ka ng palihim, at ang pagmasdan ka mula sa malayo . .

SPOKEN WORDS 😀Where stories live. Discover now