Minsan ka nang umabot sa puntong
nabalot ng katahimikan ang paligid mo
mga mata mong nabahiran ng luha
dulot ng sakit,
para bang nawawalan na ng sigla
Ramdam ko ang puso mong nagdurusa at
nangungulila
Kita kong naguguluhan ka,
bulag sa kasagutan, bulag sa katotohanan
Alam kong lunod ka parin sa pakiramdam
sakit, hinagpis, at pagsusumamo
Alam kong nangungulila ka sa mg a yakap niya't halik
Gusto mong masilayan ang mga tawa niya't ngiti
Pero kaibigan, tama na
Oras na para umahon ka, oras na para maging masaya
Hindi tama ang ipaglaban ang taong
nangbalewala na
Hindi tama ang magpakatanga sa isang taong
nagpapakatanga na sa iba
Kaibigan, isa kang bituwin sa langit
na nagbibigay liwanag sa madilim na gabi
Ikaw ang bahaghari pagkatapos ng ulan
Ikaw ang pinakamagandang dyamante
sa mga batong nakalatag
Kung hindi niya iyon makita,
hayaan mong makita ng iba ang tunay mong halaga
Wag mong gawing mundo yung taong
itinuturing ka lang na parte ng mundo niya
Dahil, kaibigan, darating ang araw,
na makikilala mo ang isang taong mas hihigit pa sakanya.