Paunang Ading🌺

4.1K 130 8
                                    

The Bida's POV

Bagong umaga, bagong pag-asa. Ngunit kasabay nito ang panibagong pagsubok na kailangan naming harapin upang maitaguyod ang aming pang araw-araw na buhay.

Hindi mo kasalanan kung ipinanganak kang mahirap ngunit kasalanan mo kung mamamatay kang mahirap. Ito ang kasabihan na palaging nasa aking isipan at nagsisilbing aking gabay upang ako ay magpatuloy pang lumaban sa hamon na dala ng buhay.

Ang tanging kailangan mo ay dedikasyon at kasipagan, maliit na sangkap lamang ang katalinuhan upang ikaw ay magtagumpay. Marami na ang nagtagumpay gamit lamang ang kasipagan ngunit huwag parin nating kakalimutan na ang katalinuhan ay kailangan.

"Nakaka'loka at masayang umaga sa lahat!" Aking pagbati sa mga sako at kawayan na nakapaligid sa aming barong-barong na tahanan. Dalawa na lamang kami ng aking kapatid ngayon sa buhay dahil maagang ginetsung or kinuha ni Father God sila Nanae.

Mahirap lamang kami at kailanman ay hindi ko ikahihiya iyon. Tanging pangangalakal ng mga basura na maaari pang maibenta ang aming ikinabubuhay.

Ako nga pala si Naekie Tagahvondok labim pitong taong gulang. Sa ngayon tumigil muna ako sa pag-aaral dahil inu'una ko munang pag-aralin ang aking nakababatang kapatid, na si Ading, 'yan ang name nya. Sa ngayon siya ay na sa ika-anim na baitang sa Elementarya at hindi naman nya ako binibigo dahil sa tuwing matatapos ang school year ay palagi siyang nag-uuwi ng medalya na naa'ayon sa kanyang kakayahan.

Bonggae si kapatid mana kay Ati.
Hehehe!

O siya nga pala! Note lang haaa!? Kami nga po palang magkapatid ay hindi tunay na babae at hindi rin tunay na lalaki. Or Should I say, mga Beki po kami. Ngunit kahit ganito po kami masaya kaming namumuhay ng magkasama at maligaya.

Oh diba?
Maligaya na Masaya pa! San kayo dyan?
Hahahaha! Nakakatawa!

Haynako! Tama na nga ang iyan. Gora na sa pangangalakal. Need talaga namin gawin ang paghahanap buhay dahil wala ng iba pang bubuhay sa aming dalawa kung hindi kami lang din. Kailangan naming maging matured and idependent enough para mabuhay.

"Kapatid!?...Kapatid!? Gising na, gogora na tayo sa opisina." Panggi'gising ko sa aking nag'iisa, maganda at nakababatang kapatid, na si Ading.

"Ati ko. Wait lang, antok pa ng todo si Princess e! Nagmamadali ka naman! Eh ang aga-aga pa. Anong oras pa lang oh." Pag'angal nito sa akin.

Ati ko ang tawag nya sa akin. kahit hindi ako tunay na babae. Nakakataba lang ng puso at nakakagalak. Diba ang bongga?
Ahahahah!

"Hoy Ading! Gumising ka na! Male'late na tayo sa opisina." Sagot ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay nakahilata parin siya sa aming munti, simple pero nakapapawi ng pagod na higaan.

Ang dami namang angal ng batang ito. Akala ata nya e, rich kids kami. Ang sa totoo lang nyan e mas mahirap pa kami sa daga.  Sabit ko ito sa punong saging eh ng matauhan kahit kaunti. Charrrrat! Ahahahah!

"Ati ko, nakakahiya sa mga readers *hexhex* bakit mo sinabi ang totoong namesung ko? Imberna ka ha! At syaka, hindi tayo nag-o'office no, nangangalakal lang tayo! Ati ha! Ikaw pala ang dapat gumising. Hehe!" Sagot nya sa akin at sabay tayo sa higaan na maypa-arte emote epek pa. Ganon! Ahahaha!

"Oh siya ligpitin mo na iyang kama at sumunod ka na sa akin sa kitchen because our breakfast is ready at kanina pa siya naghihintay doon." Nangangarap kong turan.

HAHAHAHA!
Sana naman sumakay ang gagae!

"Ati ko, gumising ka nga wala tayong kitchen and we don't have kama too!" Pagbasag nya sa aking pangangarap ng gising. Ano ba 'yan, minsan na nga lang mangarap ng mulat pa sa tarsier e mababasag at hindi pa sasabayan. Juskong buhay 'to! HAHAHAHA!

Pero ang din taray ni kapatid minsan eh no? Englisera ang gaga. Akala mo naman ginaganda nya 'yon. Pukpukin ko 'to ng limang libong karayom na maykasamang makina eh.  Ahahahahah!

"Oo na no! Chakae mo! Basag trip kang bakla ka, di ka naman maganda. Kumain ka na nga lang. Isinangag ko yung natira nating kanin kagabi. Sayang naman. ligpitin  mo pala muna iyang banig bago ka kumain. Malinaw? Tugon ko.

Ang totoo nyan is, banig lang pala yung kama! Goshhh, kalokae ng super slight. Hexhex!

"Okay sige, Ati kong mas corny pa sweetcorn kung mangarap ng gising. HAHA!" Sagot nya at inumpisahan na nga ang pagliligpit sa aming hinigan.

"Pagkatapos mo nga palang kumain e, kuhanin mo yung sako kay Ate Waling naiwanan ko kasi kagabi at maliligo lang ako. Bilisan mo ha? Ingat din." Bilin ko sa kanya at inayos ang aking mga kagamitan bago tumungo sa aming paliguan.

******
Just a Prologue, guys! Hope you would be interested and enjoyed this one.

By the way, if you have suggestions, corrections and recommendations just comment. Thank you!

Just Support.
Spread Happiness and Love!

Darnae: Ang Baklang DarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon