Ading 2🌺

2.1K 111 0
                                    

Naekie's POV

"Ati, paano 'yan? Wala na tayong kakainin this true the night?" Baghagyang pag'aalalang tanong sa akin ni Ading habang tinatahak namin ang kahabaan kayle patungo sa aming tahanan.

Imberna naman kasi 'yang Dave na 'yan eh. Hindi pa binili itong mga kalakal namin. Naimberna tuloy ako ng slight. Buti nalang at pogi siya plus yummy pa. Naku, kung hindi baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya. HAHAHA! Kalokae. Oo, yummy talaga kasi si Dave hindi sa may kalandian akong part sa utak ko, pero 'yon ang totoo.

Nakakaawa tuloy si kapatid pati siya namomroblema ng kakainin namin ngayong gabi. Hay nako, payt lang!

"Mayroon pa namang isang saing na bigas doon sa plastik. Ulam nalang ang wala. Kasya na siguro 'yon. Tiis-tiis muna ng kaunti." Sagot ko naman dito.

Nagugutom na talaga siya. Hindi nya lang sinasabi o ipinahahalata sa akin. Medyo nahihiya din siguro.

"Alam ko na, tuyo nalang ulamin natin Ati. May six pa akong natira sa baon ko nung Friday. Keri keri na 'yon, sa totoo lang mas masarap pa nga iyon kaysa sa baboy. HAHAH!" Mungkahi n'ya.

Buti nalang at may kapatid akong katulad ni Ading. Maalalahanin at matipid. Talagang pinaglalaanan ang bukas. Sa maliit na halaga nyang baon ay may sumobra pa roon. Hindi man kami mayaman pero masasabi kong sobrang saya naman naming dalawa. Kahit minsan e maypagka malandi at maarte itong kapatid ko. Maaasahan mo naman ito lalo na't sa ganitong sitwasyon.

"Totoo!? Sampu lang itong baon mo ha? May naitabi ka pa? Ang galing naman! Clap clap ka dyan!"

"Oo Ati. HAHAH! Over acting ka lang!? Tara na at nagugutom na ako. Kanina pa kasi tayo daldal ng daldal at lakad ng lakad."

Tanging matamis na ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya at gumora na nga kami sa tindahan mayari naming makuha ang naitabing pera ni kapatid sa amin.

"Pagbilan! Ate, pagbilan po?" Pagkuha ko ng atensyon ng Tindera na halos wala ng oras para magbenta dahil busy'ng busy sa pagpapahid ng kung ano-ano sa kanyang mukha.

Yung totoo clown ka gurl? May birthday party mamaya? Ang galing. HAHAHA!

"Ano 'yon?" Tanong nito sa akin habang naglalagay ng produktong ginagamit upang pumula ang kanyang labi.

"Ah Ate, 2Pcs chicken Joy po. Plus Fries, Burger, Rice, and yung drinks paki'upgrade nalang po into Ice cream. I don't like spaghetti hindi ko siya bet 'cause I have an allergy there, just gimme Palabok. Okay?" Sagot ko sa kanya with shoshalen na tono ng pananalita. Oh jusko. Nahanginan na ata ang utak ko at kung ano ano na ang lumalabas sa bibig ko.

"Bakla ka! Ano ba? Bilisan mo at may lakad pa ako. Bibili ka ba talaga o hindi?" Medyo irita nyang pagmamadali sa akin.

Ay supmariosep! Medyo nasa war mode na ang Lola nyo! Behave na.

"Ay wala po? Aws, sayang naman. Sige two slices of ube cake na lang poesxzz." Pilosopong tugon naman ni kapatid kay ate ngunit maypag'galang. HAHAHA!

"Ano ba talaga?" Medyo nadagdagan ng katiting ang asar na mayroon si Ateng tindera ngayon.

HAHAHA! Wait, ito na nga bi'behave na talaga kami baka sumobra na ang asar nito at sa amin pa pumutok.

"Hehe. Ito na Ate, tuyo lang po talaga tatlo yung tig'dodos po."

Pakiramdam ko, warla na talaga ang lola nyo dahil nagambala natin ang pagpapaganda n'ya! HAHAHA! Tuyo lang pala ang bibilhin andami pang satsat. Paki nyo ba. Cherot!

"Ano ba iyan. Daming daldal tuyo lang pala ang bibilhin. Kalokang mga bakla 'to ng taon, oo. Ka'ubos oras." Kuda nya sabay kuha ng tatlong tuyo sa lalagyanan ng ice cream. Chaerot. Hahaha sa lalagyanan ng tuyo syempre! Ano ba kayo.

Darnae: Ang Baklang DarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon