Ading 1🌺

3.1K 117 0
                                    

Naekie's POV

"Atiiiiiii!... Eto na pala yung sakong pinakuha mo sa akin." Pag'abot ni Ading sa akin.

kinuha ko ito at masiglang sinabi... "Gora na! Tayo'y magbanat na ng buto para sa pag-aaral mo." Ayon nga at nag'umpisa na kaming naglakad sa kahabaan ng kalye para sa daily work naming magkapatid.

Onesung!

Twosung!

Threesung!

Foursung!
Ayannnn ha, ang dami! Ang suwerte naman namin ngayon. Ang daming kalakal. Thanks God for the blessings!

"Ati nakaka-apat na ako. Ikaw wala pa. Ligsi-ligsihan mo naman ang pagkilos atiii." Pang-aasar na turan nito sa akin.

"Ang chakae naman kasi ng mga kinukuha mo no! Puro bulok. Sigurado ako na walang bibili nyan. Hahaha, chaerot!"

Truly naman kasi talaga mga Sesae. Ang chachakae! Kapes nyo nga ih. Chaerot.

"Queen of kemerut ka Ati! Maarti lang ganon?" Sagot nya. Ayon at irap na lamang ang itinugon ko sa kanya. HAHAHAH!

Patuloy lang kami sa aming pangangalakal. Araw-araw ganito ang aming buhay. Wala namang bago kaya sanay na kami sa ganitong sitwasyon.

"Ay ang plentae ng mga plastik at lata  doon, Ading!" Napasigaw ako sa gulat dahil sa aking mga nakita. Dali dali kaming tumakbo ni Ading patungo sa direksyon na iyon. Ang dami kasing mga kalakal impernes sa lugar na 'to ha. Masagana pagdating sa mga ganitong bagay. HAHAHA!

"Ati ang talas talaga ng paningin mo no! Grabe ka! Very good 'yan!" Perfect 10 ka ngayon. HAHA!" Pangbibiro nito sa akin.

Naunahan ko kasi siya ngayon. Kadalasan kasi e mas nauuna siyang makakita ng mga ganitong blessings. HAHA! Pero di naman mahalaga 'yon dahil para naman ito sa amin at lalo na sa kinabukasan nya.

"Hahaha trueee! Pulot ng pulot anoo? Just get whatever you see. At alam mo na, baka maunahan pa tayo ng mga tulok na sila Barok. Alam mo naman ang mga ganap ng mga iyon. Later na ang kuda." Paalala ko.

"Ay oo nga ati, impernes. Imberna yung mga chakae na 'yon! Buti Ati at pinaalalahanan mo ako. Thank you!"

So, sino nga ba sila Barok? Sila Barok yung mga mangangalakal din na ansasama ng mga ugali. Akala mo naman kung sino. Imberna sila ang sarap hampasin ng tsinelas na may pako sa ulo ng matauhan sa mundo na kanilang kinabibilangan. Ano dawwww???? Hahahaha just continue reading mga sesae.

Ayaw kasi nilang magsipag sa pangangalakal. Eh pare-parehas lang naman kaming ng pinagkakabuhayan. Gusto din naman nila ng pera. Ayaw nalang mag'trabaho ng tama. Juicequh! Mga batang 'to! Hinahaggard ako. Kahit wala akong beauty. Chaerot! HAHAH!

"Oo, kaya go lang ng go habang wala pa sila. Nakakairita mga mukha non." Ani ko sabay pasok ng mga plastikses at latases sa sakong hawak ko.

"May nag'inuman ulit siguro dito kagabi kaya marami na namang mga bote ng Gin." Sabi ni Ading habang patuloy lang sa paglalagay ng mga bote sa sako naman nya.

"Ano bang bago?" Tanong ko sa kanya kasi palagi naman may nag-iinuman dito eh. Wala namang bago. Pero in all fairness super thankful ako sa kanila dahil piso dalawa din kaya itong bote ng Gin kapag binenta. Nag'enjoy na sila nakatulong pa." Ganon sana mga peeps. Divaaa? Tumulong!

"Anong bago? Sure ka? Tinatanong mo ako?  'YAN,  YANG TUMPOK NG MUTA MO SA KALIWANG MATA!" Malakas na sagot nito sa akin sabay turo sa aking kaliwang mata kung saan naroroon ang nasabing dumi. "Kadiri kaya! Si ati Jusko dugyot, ka'y Baklang tao eh!" Dagdag pa nya.

Grabeeeeeeeee! Ang hard naman po. Kapatid ko ba talaga 'to? Isako ko na rin kaya siya? Imberna e. Hindi big NO 'yon. Kasi bad. HAHAHA!

"Nasaan? Parang wala naman e. Okray ka ngayon nes?" Painosente kong sagot nang matagumpay kong matanggal yung muta ko sa ilong sige! Eme! Sa Mata syempre.

Darnae: Ang Baklang DarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon