Ading 3🌺

1.9K 92 6
                                    

Naekie's POV

"Impernes Ati very perfect ng pagkakaluto mo sa kanin." Pagpuri nito sa akin.
Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon.

"Ano ka ba? I'm professional kasambahay kaya no since our parents passed away." Sagot ko naman dito.

Totoo naman kasi. Kasambay na ang peg ko sa kanya simula nang naulila kami. But happy naman ako dahil ako ang Ate. Ang pasayahin, alagaan at ibigay ang kanyang pangangailangan. Iyan ang aking mga obligasyon. Kaya masaya na din ako, magrereklamo, pero di titigil. Sa buhay, katanggap tanggap naman magreklamo sa isang banda, nagrereklamo ka kasi hindi pa malinaw sa'yo ang isang bagay o kaya marahil naman ay nahihirapan ka na o hindi mo tanggap yung sitwasyon na mayroon ka. Okay lang 'yon, hangga't hindi ka sumusuko. Wala kang tinatapakan na tao. At ginagawa mo lamang ito para luminaw sayo ang mga bagay bagay at maging mas mabuting mamamayan ng lipunan.

"Taray! Super English ka ngayon Ati ko, hindi ko kinaya! Ganda ka?" Ani nya at saglit itong natahimk... "Hmm...kamusta na kaya sila Nane doon?" May pagka-ulilang tanong nito.

Hays... oo nga, kamusta na kaya sila Nanae? Sa tingin ko naman ay masaya na sila kung nasaan man sila ngayon dahil nakikita nila na masaya kaming dalawang magkapatid. Alam ko naman na noong nabubuhay pa  silang dalawa ni Tatae e, maganda at mabuti ang naging pakikitungo nila sa mga taong nakapaligid sa kanila.

"Masaya na sila Bunso kung saan man sila ngayon, dahil nakikita nila na masaya tayong dalawa. Na nakakaraos tayo sa pang araw-araw nating buhay na magkasama at higit sa lahat mahal natin ang isa't isa. Kahit na minsan ay nag-aaway tayo dahil sa hindi pagkaka-unawaan." Sagot ko sa aking kapatid na ngayon ay may luha nang tumutulo sa kanyang mga mata.

Siguro ay naaalala nya yung araw na kung saan pumanaw ang aming mga magulang...



BIRTHDAY NILA NANAE AT TATAE NGAYON!
Whoooo super saya dapat ang ganap! Why? Kasi sabay sila ng birthday. Kaya double celebration. Oh Ang saya diba? HEHE.

Salamat father God for this wonderful day.

Maka'punta na nga sa kwarto nila Nanae para mabati na namin sila ng happy birthday at ma'isurprise na rin namin sila ni Bunso, si Ading. Naglalagay ngayon si Ading ng happy birthday sa dingding ng bahay namin na medyo babagsak na. Grade two na si Ading ngayon. Bumili rin kami ng cake na galing sa naipon naming baon ni Ading para na rin pasasalamat sa aming butihing mga magulang.

Mabilis kong hinawi ang kurtinang nagsisilbing harang sa aming tahanan nang sa ganoon ay magkaroon manlang ito ng dibisyon. Sa sobrang pagka'galak, dali'dali kong ginising ang aming mga magulang ngunit tila ayaw nilang magpagising. Hindi maganda ang kutob ko.

"Bunsooo!" Malakas kong sigaw kay Ading sa labas. "Sila nanae!" Dagdag ko pa habang nagsisimula ng lumuha ang aking mga mata dahil sa kakaibang takot na bumabalot ngayon sa aking buong pagkatao. Takot na kung saan ito ay  ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko na ako'y naririto sa mundong ibabaw.

"Ati anong nangyari!?" Nag'aalala at gulat na tanong nito sa akin nang marating nya ang aming kinalalagyan.

Anong nangyari sa kanila!? Help us father God. Bakit ayaw nilang gumising? Kanina pa ako alog ng alog dito sa kanila e. Bakit ganon? Puyat lang ba sila? Hindi na ito ordinaryo ah. Nakakatakot sobra. Nakakaiyak. Nakakapanglata. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil sa iba't ibang emosyon na bumabalot sa akin. Please, huwag naman sana.

"Sila Nanae Ading ayaw gumising e. Kanina ko pa sila tinatapik at inaalog." Buong pangangambang turan ko at hindi ko na malayan na mas bumulis pa ang landas ng mga butil ng luha sa aking mga mata paibaba.

Tanging gulat at takot na lamang ang naging reaksyon nito at.. "Nae(nay)!? Tae(tay)!?" Dali daling n'yang ginalaw sila Nanae upang gisingin ang mga ito ngunit kagaya ko, ay nabigo din siya.

Darnae: Ang Baklang DarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon