Prologue

52 2 0
                                    

Ako nga pala si Juts, Nineteen years old, half American half Filipino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ako nga pala si Juts, Nineteen years old, half American half Filipino. Nanay ko is Pinay and Tatay ko ay isang Amerikano. Dito ako lumaki sa pinas syempre kaya niyo nababasa to kasi nga nasanay sa lenggwahe ng pinoy. Ako ang bunso sa magkakapatid at ako nalang ang tanging di pa grumagraduate sa amin. I'm taking Business Administration in one of the famous university dito sa Pinas. Ang dalawa kong Kuya ay nagwowork na sa kanya kanya nilang company na pinapatakbo, bale CEO sila. Ang nanay ko ay isang Business woman and we own many companies here in the Philippines. At dahil doon ako ay namomotivate sap ag-aaral at makagraduate dahil gusto ko silang tularan. About naman sa Dad ko, di ko siya nasilayan noong bata palang ako basta ang sabi lang sa akin ng nanay ko ay bumalik ito ng America at di na nagparamdam pero minsan ang nasasabi nito ay bumalik na sa America at doon ay pumanaw na. Mejo magulo ang pamilya ko pero masaya naman kami pagka't nag eenjoy naman kami kahit wala siya. Pero iba pa din diba kapag buo ang pamilya pero okay lang yan kasi nasa modernong panahon na tayo.

Ayun na nga, nakatira kami sa isang Hacienda at tawag dito ay "Hacienda VweVwe". Dahil doon madami ang natatawa dahil "VweVwe" at madaming nagtatanong kung bakit ganun ang pangalan ng Hacienda, well di nila alam kasi na nakapangalan pa ito sa ilalim ng pangalan ng dad ko. Kahit ako nahihiya ako sa apelyido ko dahil sa tuwing nagpapakilala ako sa classes namin lagi kong sinasabi na "My name is Prince Juts C. VweVwe" at ang aking guro naman ay napapatingin sa akin at parang naguguluhan ba kung nabulol lang ba ako or di lang nila narinig kaya doble ang kahihiyan ko kapag pinapaulit ito ng aking mga guro. Pero kahit ganun ineenjoy ko lang ang buhay ko, araw-araw akong kumakain naman ng masarap at humihinga. Konti lang ang troops ko sa school dahil na din kasi di ako masyadong masocial sa tao. Ang tanging kaharap ko lang ay Laptop sa bahay at phone naman kapag sa labas. Mahilig din ako maglaro ng computer games gaya ng uso ngayon na Dota2 and yung sa phone na Mobile Legends. Di rin ako masyadong magastos kahit mayaman ang pamilya namin, kapag lumalabas ako at nagpupuntang mall wala akong ginagawa kundi tumingin lang sa mga gamit dahil tinitingnan ko ang mga presyo nito dahil minsan napapaisip ako bakit sobrang mahal nito pero ang pangit naman minsan ng pagkakagawa. Mejo maarte din ako sa pagkain dahil di ako kumakain ng street foods, tanging pagkain na kinakain ko is kundi sa restaurants ay luto lang ng mama ko or chef namin.

Kahit di ako masocial sa tao meron naman akong mga barkada kahit papaano pero among them merun akong dalawang closest which na nakakasama ko kahit gabing gabi na or kahit umagahin na. Kasama ko sila magdota at kumain sa labas, si Frey isa sa closest friend ko, babae siya sobrang puti at kinis ng balat at maganda, may long legs at long hair and mahilig maglaro ng mga online games kagaya ko at sikreto kong malupet ay type ko siya. Si Chi namn lalaki ko namang best friend na wala ng ginawa kundi kumain ng napakadaming karne pero ang macho pa din ng katawan niya dahil mahilig siya mag-Gym at mahilig magonline games din. Every weekends ang laro namin ng online games at gala na din kapag kakain at magmamall.

AngkanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon