Chapter 4: Ang Taglay na Lakas - Zoning at Jutsu

49 1 0
                                    

Lumipas ang isang Linggo puro snap fingers lang ang ginagawa ko kaya naman nawawalan na ako ng pag-asa dahil sa tuwing nagssnap ako ng finger ay may itim na usok lang na lumalabas sa aking daliri imbis na mapunta ako sa D-Zone. Di rin nagpapakita si Charles at Chai pero nararamdaman ko sila na sinusubaybayan nila ako. Sila Chi at Frey ay di ko din masyadong nakokontak dahil nga sa nagfofocus ako sa pagpapractis ko ng Zoning. Lagi akong nageensayo sa loob ng kwarto ko, o di kaya sa sala sa taas, kaya naman nagdesisyon na ako na lumabas at magpahangin. Pinaandar ko ang sasakyan ko at naghanap hanap ako ng tamang lugar para gawin ang Zoning, sa di kalayuang lugar nakita ko na may maliit na park at walang tao dito. Parang abandunadong park ito pero ang linis at ang ayos pa ng mga bagay doon. Lumingon muna ako sa paligid, nagmasid ako kung may ibang tao ba akong kasama doon. Huminga ako ng malalim, ang sarap ng hangin doon at ang presko sa pakiramdam. Nang magkaroon na ng tamang tsempo nagsimula na ako magsnap ng finger. Sa unang snap ko, hindi na itim na usok ang nakita ko sa daliri ko, kundi isang maliit na warp na ang lumitaw sa harap ko.
Pinagmasdan ko ang warp at nilapitan ko ito. "Oooops! Hinto Juts!" sigaw ni Charles at ako ay nagulat at napatili dahil sa biglang sigaw niya. "Hayup ka Charles wag mo ako gulatin ng ganyan!" sigaw ko din kay Charles at umurong papalayo sa black warp. "Bakit mo ako pinahinto?" tanong ko kay Charles at napansin ko na hindi niya kasama si Chai. "Hindi sayo yan, may kasama ka dito" sabi ni Charles at naglabas siya ng shuriken sabay nagmasid sa paligid na nakapormang depensa. "Anong ibig mong sabihin na hindi sa akin? Eh ako lang naman ang nandito simula kanina pa" sabi ko kay Charles at biglang may nagtapon ng shuriken sa harapan ko at si Charles ay sa isang iglap ay nasa harapan ko agad. "Umurong ka muna Juts, tumingin ka sa itaas ng puno" sabi ni Charles at ako ay napaurong sabay tingin sa puno. Totoo nga na may kasama ako doon at ito ay nasa itaas ng puno. Hindi halimaw o kung ano man ito, korteng tao siya at nakasuot ng maluwag na pang itaas at maluwang na pang-ibaba. Nagtatago siya sa anino ng mga dahoon ng puno kaya di ko masyadong maaninag ang kasama namin sa park. "Lumabas ka at magpakita ka" sabi ni Charles at unti-unting nagpapakita na ang nilalang. Laking gulat ko dahil ang taong nagtatago pala sa ilalim ng mga dahoon ng puno ay isang Samurai. May dala itong katana, may mahabang buhok na nakatali at maluwag ang suot nito gaya sa mga napapanuod kong Anime at Movies. "Kung hindi ako nagkakamali isa siyang Samurai, tama ba Charles?" tanong ko kay Charles at siya ay humugot na ng kunai sa kanyang belt bag. "Oo Juts, isang malakas na Samurai, kung makikita mo ang tali sa kanyang bewang ay kulay pula, ibig sabihin isa itong malakas na Samurai. Mataas ang rango ng isang to pero nakakapagtaka lang na bakit siya andito? Alam na niya kaya na ikaw ang anak ni Master Puts?" bulong ni Charles sa akin. Bumaba ng puno ang Samurai at sa isang iglap napunta ito sa harapan ni Charles at inilagay ang espada sa leeg niya na parang papatayin na.

Tumingin sa akin ang Samurai na para bang gustong-gusto niya akong patayin "Anong ginagawa niyo sa teretoryo ko?" tanong nito at ako ay kinakabahan at pinagpapawisan sa kaba. Umurong si Charles at nawala agad sa harap ng Samurai. Pagtingin ko sa kaliwa ko ay andun na si Charles, nakadamit na ito pangNinja at may hawak hawak na Shuriken at Kunai."Juts, kailangan ko ang tulong mo sa pagkakataong ito" bulong ni Charles. "Pero wala pa akong Jutsu na nagagawa Charles. Kahit simpleng Zoning di ko magawa" sabi ko at nagkatinginan kami ni Charles. Inabot sa akin ni Charles ang Shuriken niya at may ginawa siyang multiple hand sign at biglang lumaki ang shuriken na hawak ko. "Depensahan moa ng sarili mo" sabi niya at kitang kita ko sa mga mata ni Charles ang lakas niya at nakikita ko may aura na lumalabas sa kanya. Pumorma ako na parang Ninja at tumingin ng matapang sa kalaban. Tumakbo na ang Samurai papalapit sa amin at dala dala ang katana niya sa kanang kamay niya at ang isang kamay niya ay nakapormang hand sign. Si Charles naman ay mabilis na sumugod din papunta sa kalaban pero habang tumatakbo ito sinabayan niya ng hagis ng kunai at shuriken sabay madaming hand sign na ginawa. Sinalag ng Samurai ang mga hinagis ni Charles, biglang umangat ang lupa papunta sa Samurai pero tumalon lang bigla ang Samurai papalayo sa lupang tinatakbuhan niya. Pinaangat pala ni Charles ang lupa, dahil doon nakita ko na malakas pala talaga ang Earth Element. "Malakas ka bata, pero mukhang di mo matutumbasan ang lakas ko" sabi ng samurai at humiwa siya sa kamay niya at pinatulo ang dugo sa kanyang katana. Nagliyab ang espada nito at tila parang may espirito sa kanyang espada. "Hindi.. maaari... siya ang..." takot na sinabi ni Charles at ako ay nagtago sa likod ng malaking shuriken. "Mukhang alam mo kung ano ito bata" sabi ng samurai. "Ako si Nikbur ang holder ng 7th Fang Pet ni Lord Ten" sabi ng Samurai at winagayway niya ang espadang nagliliyab ng asul na apoy.
Nagblink bigla sa tabi ko si Charles "Siya ang holder ng 7th Fang Pet ni Lord Ten... hindi maganda ito..." at gumawa na naman siya ng mga hand signs. Lumabas sa espada niya ang isang malaking Tigre. Hindi pangkaraniwan ang katana niya dahil mas nagmukhang malakas pa ito nang lumabas ang spirit animal. "Summoning Jutsu, Gitsuga!" sigaw ni Charles at lumabas ang isang malaking Oso. Ako ay nagulat sa mga nakikita ko, hindi mga pangkaraniwang hayop ang inilabas nila. Parehas na Malaki ang dalawang hayop pero ang kay Nikbur ay may kasamang aura at ang kay Charles ay wala. Merun lang akong napansin sa mga higanteng nilalang, napansin ko ang kanilang ari, ang 7th Fang ay mayroong pitong maliliit na ari at ang Oso naman ay isang ari lang, kaya nga lang ang ari na ito ay hindi pang-Oso kundi pangtao. "Yaaaaaaaaaahhhh!" sigaw ni Nikbur at umatake na siya kasama ang higanteng tigre. "Tanggapin mo tooooooooo!!!" sigaw naman ni Charles at nagkatamaan ang dalawang higanteng nilalang kasama si Charles at Nikbur. Matindi ang laban ng dalawa dahil wala pa sa kanila ang tumutumba. "Dark Arts Dark Flame Jutsu!" sigaw ni Nikbur at tila nagbuga ang tigre ng itim na pintura at si Nikbur naman ay apoy. Nagsama ang binuga nila at tila isang malaking apoy ang tumama sa Oso ni Charles. "Earth Style: Earthshakers Tome!" sigaw ni Charles na may kasamang hand signs at biglang lumaki ang ari ng Oso niya at hinampas sa lupa. Nabiyak ang lupa papunta sa Tigre pero nakailag ito agad dahil sa bilis ng Tigre. Ngumiti si Charles at napatingin agad ako sa Tigre, "Wala ka ng takas" sabi ni Charles. "Papaanong..?" bitin na sinabi ni Nikbur at tiningnan niya ang paa ng tigre, tila di na ito makagalaw dahil lumulubog na ito sa isang kumunoy na ginawa ni Charles.
Malakas pala talaga si Charles at lalo na ang Earth Element, at mas lalo pang lumakas ng pinagsama ang combination nito. "Di mo napansin na siningit ko sa hand sign ko ang kumunoy na ginawa ko" sabi ni Charles at naghand sign na ulit ito ng sobrang bilis. "Sealing Jutsu: Earth Style Silence Technique" sigaw ni Charles at tila nanigas na ang Higanteng Tigre at unti-unti itong bumabalik sa katawan ni Nikbur sabay sa paghina niya ng katawan. Tila hindi rin makagalaw si Nikbur sa ginawang technique ni Charles. Para siyang may tali sa leeg at inaalila ni Charles. "HI JUTS!" nagulat ako sa sigaw ni Chai at napatili nang biglang sumulpot ito sa tabi ko. "Pakyu ka naman Chai isa ka pang nanggugulat eh!" sumbat ko sa kanya at napansin ko ang ganda ng suot niya, grabe nakalitaw ang pisngi ng boobs niya at tila matalbog ang mga ito at sobrang puti pa. "Aha nakahuli tong si Charles, iba talaga ang Earth Element at aba... 7th Fang?? What???" gulat na sinabi ni Charles at ako ay sinasabunutan niya habang naeexcite sa nakikita niya. Nahimatay si Nikbur kaya naman hinawakan ako ni Chai at nagteleport kami sa tabi nila Charles. "Huwag niyo muna siyang lalapitan at hahawakan" sabi ni Charles sabay gumagawa na naman siya ng hand signs at may namumuong parang kulungan gawa sa bato at kahoy. "Totoo ba na 7th Fang ito Charles??" tanong ni Chai at kitang kita sa mga mata niya na sobrang sabik ito na malaman ang tungkol sa Samurai na nahuli ni Charles. "Oo Chai, sinundan ko lang tong si Juts at napansin ko bigla na parang may kakaibang aura dito sa lugar na ito kaya di na ako nagdalawang isip" paliwanag niya. Ako ay sobrang nasasabik na din sa aking kapangyarihan dahil sa aking mga nakita. "Paano kaya kung Makita pa natin ang 9th Eye Pet ni Lord Ten?" tanong ni Chai. "Hindi nga natin alam kung nasaan ang 9th at kahit ang libro ng samurai at ninja hindi na alam kung nasaan ang 9th Eye Pet of Ten" sabi ni Charles. "Ha? Panong di alam? Hindi ba dapat nasa holder ang 9th Pet?" tanong ko sa dalawa. "Itinago kasi ni Lord Ten ang 9th Pet dahil sunod ito sa pinakamalakas na pet niya na si 10th Power Pet" sabi ni Charles. "Teka bakit parang ang dali mong nahuli yang isa na yan?" tanong ko kay Charles. "Dahil ramdam ko na mahina na siya at pagod siguro dahil na din sa tagal ng pagtatago niya at hindi na nasasabak sa mga laban at kulang na ang talino tungkol sa Samura at Ninja World" paliwanag ni Charles. "Dahil din sa Earth Element ang isa sa pinakamalakas na element sa wheel plus malakas ang gumagamit nito kaya naman kaya niyang hulihin ang Pet of Ten. Pero syempre minsan hindi 100% success ang huli niya dahil malakas ang mga Pets. Isa pa kapag sumablay lang ng kahit 0.01% ang holder ay negative na makukuha ito" paliwanag naman ni Chai sabay taas ng kamay sa tuwa niya at ako ay nahumaling na naman sa pisngi na kanyang pinya. "Kaya dapat mataas ang accuracy sa paggawa ng mga Jutsu at focus lang dapat Juts" dagdag ni Charles habang ako ay nakatingin pa din sa pisngi ng suso ni Chai. "Pri-Zone!" sigaw ni Charles at biglang kinain ng warp si Nikbur. "Anong ginawa mo Charles? Nasan si Nikbur?" tanong ko. "Ahh, nasa Prison Zone na si Nikbur, kaming mga guardian ang may kayang gumawa nun. Pero dahil malakas si Nikbur nasa special Zone siya na kung saan hindi siya makakagamit ng kahit na anong technique. Nakaseal ang prison zone na pinaglagyan ko kay Nikbur. Habang nabubuhay ako ay di siya makakaalis doon unless pakawalan ko siya" paliwanag ni Charles.
Makalipas ang ilang minutong diskusyon kami ay umalis na sa parke. Napagdesisyunan ko na dalhin si Charles at Chai sa isang malapit na restaurant para kumain muna. "Nga pala, ako lang ba ang nakakakita sa inyo?" tanong ko sa dalawa. "Hindi, nakikita kami ng kapwa Ninja at pati na din ang Samurai" sabi ni Charles. "Pero pwede rin kami magpakita sa normal na tao kung gugustuhin namin" dagdag ni Chai. "Ah ganun ba, magpakita kayo at ayusin niyo ang suot niyo kagaya ng sa akin para naman di ako magmukang tanga sa kakainan natin" sabi ko at nagpalit na ng suot si Chai at Charles sa isang iglap gamit ang powers nila. Pagpasok namin sa restaurant sinalubong agad kami ng isang staff doon "Sir, table for how many?" tanong ng waiter. "Table for 3 please" sagot ko at kami ay dinala na sa aming pwesto sabay abot sa amin ng menu. "Order lang kayo ng gusto niyo, ako bahala sa inyo" sabi ko sa dalawa. "Okay sige, mabuti at magandang pamilya ang napuntahan mo, Juts" sagot ni Chai sabay taas ng kamay at nabighani na naman ako sa kanyang pininyahan na sobrang kinis at sarap. Umorder na kaming tatlo, habang nag-iintay ng order napansin ko si Charles ay di mapakali. "Charles okay ka lang?" tanong ko. "Kailangan natin mag-ingat, may mga Samurai ditto sa loob at may ilang Ninja" bulong niya. "Teka, kung merun dito, bakit hindi sila nagsusuguran?" tanong ko. "Dahil sa tinatago nila ang kanilang lakas, at ang ilan ay hindi na interesado sa pakikipaglaban" sagot ni Chai. "Pero kahit ganun kailangan pa din natin mag ingat dahil ang iba ay intel na magbabalita sa kung ano ang mga nakikita nila" dagdag ni Charles. "Okay maliwanag, pwede niyo ba akong turuan sa mga technique at elements?" tanong ko at nagkatinginan si Chai at Charles. "Okay lang sa amin pero sa isang kundisyon.." sagot ni Charles. "Anong kundisyon?" tanong ko naman sa kanya. "Ikaw sa sarili mo ang dapat makatuklas muna sa D&L Zone. Sa ganoong paraan mas makukuha mo agad ang ibang mga Jutsu and Elemental Powers" paliwanag ni Charles. "Paano ba kasi mapapadali ang pagkatuto ko sa D&L Zone na yan?" tanong ko na may halong pagka-inis. "Tiyaga at konsentrasyon lang ang sagot pero merun pa din paraan para mapabilis, ako ang magtuturo sa iyo Juts" sagot bigla ni Chai at dahil doon parang mas lalo akong naexcite sa ensayo na magaganap. Dumating na ang aming inorder at banat agad dahil sa sobrang gutom, lalo na si Charles dahil galing siya sa literal na digmaan. Trenta minute kaming kumain at napagdesisyon ng umalis ng resto.
Inaya ko naman sila magdessert, kaya naman pumunta kami sa DQ para kumain ng Ice cream. Kanya-kanya ulit kami ng order at ako ulit ang sumagot ng gastusin. "Mmmmmmm! Sarap!" sabi ni Chai at kitang kita ko kung paano siya dumila sa ice cream kaya naman bigla akong napagalaw sa kinauupuan dahil pumiglas ang aking manoy. "Okay ka lang Juts"? tanong ni Chai sabay hawak sa balikat ko kaya naman mas lalo akong nahirapan kaya naman gumalaw ulit ako para umayos ng panibagong pwest dahil baka mapansin ng iba na umuulbok na ang aking manoy. "Ah oo okay lang ako, napapagalaw lang ako sa sobrang sarap ng ice cream. Ang sharap!" palusot ko at mejo siniko ko ang aking manoy paraa mapalubog ito ng kaunti. "Bukas siguro maaari na nating simulant ang pagsasanay para kay Juts" sabi ni Charles at si Chai naman ay patuloy lang sa pagdila sa ice cream napapansin ko na natutuluan na ang damit niya sa parteng dibdib niya. "Chai natutuluan ka na, gushto mo ako na magpunash?" biro ko sa kanya. "Leche ka pati ako pag iinteresan mo, pabebe ka pa ng boses ah!" sagot ni Chai. "Ako na nga nagmalasakit, ako pa ung masama. Ayaw mo talaga tulungan kita?" biro ko ulit at ako ay binatukan niya ng napakalakas at napasubsob sa ice cream na kinakain ko. "Uy Juts may ice cream ka sa mukha, gushto mo tulungan kita?" pabebe niyang sinabi at ang mga tao sa paligid ay napatingin at natawa sa aking itsura. "Tara na at gabi na, let's call it a day" sabi ni Charles, kaya naman nagpunas na ako ng mukha at dumaretso na kami sa sasakyan upang umuwi na. "So pano Juts, di mo naman kami mahahatid sa tirahan namin dahil ginagamitan lang namin ng Jutsu para pumunta dun" sabi ni Charles. "Oo nga pala, sige, anong oras nga pala tayo bukas?" tanong ko sa kanila at pagtingin ko sa kanila nakapagpalit na sila ng pangNinja ulit. "Bukas ng umaga simulan natin ang pagsasanay mo para sa D&L Zone pero kapag natutunan mo yun maaaring maturuan ka na din namin ng iba pang technique at elements" sabi ni Charles at sila ay sabay nawala na parang usok na naman. Nag isip na naman ako ng malalim tungkol sa aking kapangyarihan at kung anong elemento ba ang mayroon ako.
Nagmaneho na ako pauwi at saktong nakatambay si Frey sa gate nila at sobrang sexy ng suot niya, kita ko ang cleavage niya at ang ikli ng shorts niya kaya naman tinapat ko sa harap ng gate ang sasakyan at binuksan ang bintana. "Oy Frey! Walang homework?" tanong ko sa kanya. "Wala nga eh, wala din magawa. Tinatamad naman akong gumala" sagot niya at siya ay busy sa paglalaro sa phone niya. Bigla kong naisip ang D&L Zone, triny ko magsnap ng finger at biglang dumilim ang paligid at nakakagulat pa nakasama si Frey. Pero di niya napansin ito dahil sobrang busy siya kakalaro niya sa phone. Ngunit ilang Segundo lang balik agad kami sa real world, at ako ay mejo nahilo. Sa sobrang hilo ko napindot ko ang busina ng sasakyan kaya naman nagulat si Frey at nabagsak ang phone niya. "Ano ba yan Juts! Langya ka matatalo ko na kalaban nanggulat ka pa!" sigaw niya sa akin. "Pasensya na aalis na din kasi ako, ganun kasi diba kapag aalis na?" palusot ko at nagpaalam na ako sa kanya. Binilisan ko ang pagpapatakbo ko pauwi dahil naexcite ako sa ginawa ko. Direcho agad ako sa kwarto at nagtry na magsnap ng finger para masubukan ulit ang ginawa ko. Nag-isip ako ng nag-isip kung paano ko nagawa kanina ang D-Zone. Buti nalang talaga at D-Zone ang napuntahan namin dahil kung L-Zone un baka matakot sa akin si Frey. Laging itim na usok nalang ang lumalabas sa daliri ko that time. Sa sobrang kakasubok ko nararamadaman ko na nanghihina na ako at inaantok na. Siguro epekto ito ng kakagamit ko ng powers na hindi successful. Kaya naman napagdesisyunan ko na magpahinga na. Nagbihis na ako ng pantulog at nagsepilyo. Nahiga na at napatingin sa bintana kung saan tanaw ko ang bilog na buwan. Pagpikit ko feeling ko nasa Dark Zone ulit ako, iniisip ko kung paano ko nagawa un. Sa sobrang kakaisip ko ay unti-unti na akong nakatulog..

*** Nahuli ni Charles si Nikbur at itinago sa isang zone na kung saan walang technique ang pwedeng gamitin, pero ang tanong ko makakawala kaya si Nikbur kapag Elements ang ginamit niya? At papaano ko naman nagawa ang D-zone bigla? Ano kayang element ang merun ako? At ano kaya ang mga matututunan ko kela Charles at Chai? ***

AngkanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon