Chapter 6: Pagsasanay

24 1 0
                                    

Pasikat palang ang araw nakapack up na ako, bumyahe agad papunta sa park. Habang bumabyahe naisip ko na bakit pa ba ako nagkokotse eh may kakayahan naman akong magteleport. Pero naisip ko din na hindi ko pa masyadong namamaster ito. Kaya naman nung malapit na ako sa tapat ng bahay nila Frey, tinabi ko ang sasakyan sa harap ng bahay nila. Pinatay ko ang makina, tumingin ako sa paligid at tsaka nagconcentrate. Pumikit na ako at inisip ko ang park kung saan ko gustong magteleport.

Naramdaman ko na basa ang aking pantalon, kaya kinapa ko ito. Pagdilat ko nakaupo na ako sa tubig at sakto ang lugar na pinateleportan ko. Ang mali lang ay ang lugar na pinagteleportan ko ay basa pala. Buti nalang at may baon akong shorts at pantalon pati na din pang-itaas. Naghubad na ako ng suot kong pants. Kukunin ko palang ang isusuot kong pants ay biglang dumating ang mga mentor ko.

"Hoy Juts anong ginagawa mo? Ang aga aga naman!" batid ni Chai at natawa silang tatlo. "Masyado kayong judgemental naman, nagpapalit lang ako ng damit para sa pagsasanay natin" paliwanag ko sa kanila. "Okay sige manyak bilisan mo jan at tara na" sabi ni Master Genki sabay tawa. "Bwisit!" sagot ko sa kanya at agad ng sinuot ang pang-ibaba.

Nagmeditate na ako para makapag ipon ng madaming chakra. Si Chai at Charles ay nag-eensayo na ng mga Jutsu nila. Si Master Genki naman ay naghihintay sa akin habang pinaglalaruan ang kanyang hawak na baston. Natapos ang pag-iipon ko ng chakra, agad akong lumapit kay Tanda. "Handa na ako Tanda, ano una nating gagawin?" tanong ko sa kanya sabay nag-inat ng katawan.

"Okay sige" sabi niya sabay hand sign at naghagis siya ng napakaraming bato sa ere. "Una mong pagsasanay ay makuha mo lahat ng bato na yan bago bumagsak sa lupa" sabi niya biglaan at ako ay nataranta. "Ang daya mo Tanda!" sigaw ko sa kanya sabay Eye of Rai. Napakadaming bato, halos malalayo pa ito sa isa't-isa at napahirap kuhanin ng bato dahil nilagyan niya ito ng pampadulas. Napansin ko na habang naka-Eye of Rai ako ay sinusundan ni Tanda ang galaw ko gamit ang mata niya. Nakakapagtaka lang dahil ang bilis ng mata niya at nasusundan niya ang mga galaw ko.

Balik sa ensayo, ang daming bato na sasaluhin ko. Kaya mas binilisan ko pa ang galaw ko. Ang tanong ko lang sa sarili ko ay kung saan ko ilalagay ang mga bato na masasalo ko. Halos 10ft nalang ay malalaglag na ang mga bato. Ang dami ko ng nasasalo at halos di na ito magkasya sa braso ko, pati sa bulsa ko nilagay ko na ang mga bato. Hinubad ko na ang pang-itaas ko at doon ko na nilagay ang mga bato na  nasasalo ko. Sa sobrang dami nito pati ang pang-itaas ko ay puno na. Siguro mga 100 pa ag bato na kailangan kong saluhin pero dalawang dangkal nalang ay malalaglag na ito sa lupa.

Isang dangkal at ako ay sobrang pagod na. Hanggang sa malaglag na ang iba at natapos na ang Eye of Rai ko. "Ang daya mo tanda, binigla mo ako sa ginawa mo!" sigaw ko sa kanya at siya ay tumatawa. "Bakit? Kapag ba inatake ka ng kalaban sasabihin ba niya na aatakihin ka niya? At pano kung ambush pa. At kung pano bigla kang sunggaban at gilitan nalang sa leeg?" tanong niya sa akin. Tama naman ang mga sinabi niya, ako lang talaga ang nag-isip ng masyado. "Hmmmm. Sobrang dami mong bato na ginawa, halos di na kasya sa damit ko at bulsa ko. Akala mo yata truck ako ng mga bato!" reklamo ko sa kanya at natawa siya.

"Juts, hindi puro kapangyarihan ang dapat mong pairalin" sabi niya at nakangiti siya sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. "Dapat nag-isip ka muna. Sabi ko diba, dapat makuha mo lahat ng bato na yan bago bumagsak sa lupa." sabi niya at ako ay naiinis. "Oh eh ano bang ginawa ko? Sinubukan ko naman kuhanin ang mga bato ah?" sagot ko sa kanya at siya at natawa. "Kung papansinin mo at uungkatin mo ng mabuti ang sinabi ko Juts ay hindi sana babagsak sa lupa ang mga bato." paliwanag niya. "Ano bang ibig sabihin mo kasi Tanda?" tanong ko sa kanya. "Bakit di ka man lang gumamit ng Jutsu? ng Elemental Technique?" sabi niya at napakamot ako ng ulo at narealize na tama siya. "Kailangan mong mag-isip muna bago ka gumawa ng galaw, Juts." paliwanag niya at ako ay mas namotivate dahil sa sinabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AngkanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon