Chapter 3: Ang Simula

49 1 0
                                    

Natapos ang isang linggo na pagpasok sa eskwela, walang nangyari kundi normal lang na mga araw, gising, kain, pasok, uwi at walang hanggang pagtulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natapos ang isang linggo na pagpasok sa eskwela, walang nangyari kundi normal lang na mga araw, gising, kain, pasok, uwi at walang hanggang pagtulog. Di ko din nakikita ang nakaitim at nakaputing nilalang. Si Chi at Frey ay di ko masyadong nakikita dahil exam week na sa mga panahon na iyon kaya naman masyadong busy kami sa pagrereview at pagreresearch para sa mga examinations. Ako ay mejo relax lang sa mga panahon na iyon dahil mejo nasaulo ko ang mga tinuturo sa akin ng mga prof ko dahil mejo kabisote din kasi ako. Sobrang hassle ng week na iyon dahil puro exams, walang time para gumala, kahit kumain sa labas or Makita man lang ang dalawa kong kaibigan. Sa bahay naman minsan nagbabasa lang ako ng comics, nanunuod ng movies, naglalaro sa cellphone or PS4 at minsan kakain lang ng chocolates para di masyadong mag init ang ulo ko sa mga ginagawa ko lalo na sa pagrereview. Pero awa naman ng Diyos nakaraos ang lahat at feeling ko lahat kami ay nakapasa, kaya naman ang ganda din ng week na iyon dahil nagbunga ang pagrereview namin at pagfocus sa pag-aaral.

Sabado ng umaga, pagkagising na pagkagising ko ang dilim ng paligid ko, pinikit ko ang mga mata ko ulit at nagbilang ng tatlo tsaka ulit dumilat, pero ang dilim pa din, sumigaw ako ng tulong pero walang sumasagot at inaakalang nananaginip lang para may gumising sa pagsigaw ko, pero wala din. Ilang minuto ang lumipas at lumabas ang puti at itim na nilalang, malapit sila sa akin at tila di na naman ako makagalaw dahil siguro sa natrap na naman ako sa dimension na iyon. Naglakas loob ako magsalita, "Anong pangalan niyo? At sino ba talaga kayo?" tanong ko sa dalawa, "Kami ang iyong bantay iho" sagot ng nakaitim, "Kami ang iyong gabay" sabi naman ng nakaputi. "Ha? Bantay? Gabay?, di ko kayo kailangan para sa mga bagay nayan dahil kayang gawin yun ng nanay ko sa akin" sumbat ko. Lumapit ang dalawa sa akin, "Alam namin yan iho, pero ibang gabay at bantay ito, hindi normal at hindi pangkaraniwan" sabi ng nakaitim, "Kami ang magtutuwid at magtatama ng mali at hindi tama na daan para sa tagumpay" sabi naman ng nakaputi. Hinawakan bigla ng dalawa ang ulo ko, ako ay napapikit bigla, ang utak ko ay parang nasa kalawakan, parang ala-ala ang nakikita ko,

 Hinawakan bigla ng dalawa ang ulo ko, ako ay napapikit bigla, ang utak ko ay parang nasa kalawakan, parang ala-ala ang nakikita ko,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

gera, labanan, patayan, at kung anu-ano pang labanan ang mga nakita ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
AngkanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon