Chapter 5: Ang Pinamanang Sandata

36 1 0
                                    

Tunog ng espada, tama ng mga pana, duguan na mga Chumba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tunog ng espada, tama ng mga pana, duguan na mga Chumba. Sugod sa kaliwa, sugod sa kanan, lumabas ang malakas na kalaban at ang lahat ay nabalot ng kadiliman. Madaming nakahandusay, madami ang sugatan, madami ang naghihingalo at madaming umiiyak. Ang lupa ay puro biyak, umuulan ng nagbabagang bato, sumunod ang malakas na ulan. Malalakas na kidlat ang tumatama sa iba't ibang lugar, sunog ang kapaligiran, bagsak ang mga puno. Basang basa ang lupa, basa na galing sa katawan ng masa. Puro bagsak ang mga kasama pati na din ang kalaban. Sampung tao ang magkakaharap at tila di sila kumukurap. Maini tang titigan ng dalawang panig, hanggang ang isa ay tumakbo at ang mundo ay nagsimula ng yumanig.
Umagang umaga nanlalata ako, para akong binugbog at sobrang uhaw ako. Bumangon ako dahan-dahan at mejo nahihilo. Dumirecho ako sa banyo para makapaghilamos. Umihi na din at nagpalit ng damit. Lumabas na ako ng kwarto at dumirecho sa kusina. Kumuha agad ng tubig at agad ininum para maibsan ang uhaw. Kumain ako ng almusal, ramdam ko pa din ang panlalata ng katawan ko. Nakakapagtaka din at di pa nagpapakita sa akin ang dalawang Chumba. Lumipas ang Isang oras at wala pa din sila. Nagdesisyon na ako na umalis at pumunta na ng parke. Mabilis akong nagmaneho papunta doon at swerteng wala masyadong tao sa mga oras na iyon.
Trenta minutos lang ang naging byahe ko. Pinark ko na ang sasakyan at derecho na sa gitna ng parke. Tumingin ako sa paligid upang tingnan kung may ibang tao sa lugar na iyon. Hinanap ko din ang dalawang Chumba pero wala sila. Sinubukan kong gamitin ang Eye of Rai pero di gumana at sumakit ang mata ko sabay lumuha ng dugo. Napahawak ako sa mata ko at tila pinipigilan ang pagtulo ng dugo. Sinubukan ko naman ang training sa bato, pero walang nangyayari sa bato at ramdam ko na nanghina ako. Naisip kong magChakra recovery kaya naman nagmeditate ako. Lumipas ang limang minuto na pagmemeditate at naramdaman ko na mejo gumaan ang pakiramdam ko. Kaya naman napagdesisyunan ko na magmeditate ng mga isang oras. Naririnig ko ang hangin pati na din ang tinig ng mga ibon. Isa sa nakakapagpabilis ng pagChakra recovery ko ay ang mapayapang lugar na ito. Masarap sa pakiramdam at mejo gumagaan na ang katawan ko. Ginamit ko ang Eye of Rai at gumana na ito. Tiningnan ko ang paligid, buong parke ang nalibot pero walang iba ang nandoon kundi ako lang. Ayokong mag-aksaya ng oras kaya naman nagsimula na ako magtraining. Una kong naisip ang Lightning Element ko, nag-isip ako na kung ano ang mga pwedeng gawin ko dito. Dahil sa mahilig ako manuod ng anime, sinubukan kong itry ang mga ginagawa nila, tulad ng pagbato ng mga umiilaw na bola o kung ano ano pang mahika ang nagagawa nila. Lumapit ako sa isang puno, sinubukan ko muna ulit ang ginawa ko nung una. Hihiwain ko ang mga dahon sa gitnagamit ang lightning element pero ang sunod na gagawin ko ay paaangatin koi to sa ere gamit ang Gravity element at tsaka ko pababagsakin. Pero dapat hindi ito malaglag sa lupa, ibig sabihin gagamitin ko ang Eye of Rai para bumilis ang galaw ko tsaka ko kukunin isa-isa ang mga dahon na hinati ko. Kinundisyon ko muna ang sarili ko at tsaka ko ginawa ang pagsasanay. "Lightning Style: Chain Lightning Jutsu!", nahiwa ang mga dahon sa gitna at nagsitalsikan, "Gravity Style: Levitation Jutsu", napaangat ko ang mga dahon at ikinalat ko sa ere ang mga ito, "Eye of Rai!" sigaw ko at bumagal ang paligid, tiningnan ko ang katawan ko, kamay pati ang paa. Tiningnan ko ang mga dahoon na pabagsak at sobrang bagal ng mga ito. Ngumiti ako at tsaka nagsimulang kuhanin ito isa-isa. Di na ako padaskul-daskul tulad ng una. Sinisigurado ko ang bawat galaw ko ay walang hadlang katulad nalang ng pagkakatalisod ko kay Chai noon. Nakuha ko na ang mga dahon tsaka ko pinatigil ang Eye of Rai. Tuwang tuwa ako dahil nakuha ko lahat ng dahon, ngunit pagtingin ko sa likod ko may isa akong nakaligtaan at isang dangkal nalang ay malalaglag na ito. "Eye of Rai" bumagal ang lahat, agad kong kinuha ang dahon tsaka ko pinatigil ang Eye.
Inulit ko iyon sa isa pang puno at ako ay tuwang tuwa, pero sa pangatlo ay mejo kinapos na ako ng enerhiya, pagbagsak ng mga dahon ay di ko nagamit ang Eye of Rai. Lumuha na naman ako ng dugo, ramdam ko na ubos ang akin chakra kaya naman nagmeditate na ulit ako. Bumibilis ang pagChakra Recovery ko, nung una ay umaabot isang oras, tapos trenta minutos at ngayon halos sampung minuto nalang ang nacoconsume na time ko para dun. Napuno na naman ng lakas ang katawan ko, at pakiramdam ko nababanat ang lakas ko at mejo gumagaan na ang galaw ko. Sunod ko namang ginawa ay naghanap ng malaking bato na mas malaki pa sa akin. Nakapwesto ito malapit sa gitna ng parke, "Gravity Style: Levitation Jutsu!", pinaangat ko ang malaking bato, mejo mabigat ito pero pinilit ko na pataasin ito. "Eye of Rai!" ginamit ko ang Eye, tumalon ako ng mataas, "Lightning Style: Lightning Blade Jutsu!" gumawa ako ng malaking blade sa aking braso na parang fin ng mga pating, sobrang lakas ng kidlat nito at ginamit ko ito para wasakin ang baton a pinaangat ko. "Yahhhhhhhhhhh!" nahati ko sa gitna ang bato. Pero dahil sa gusto kong madurog ito, gumamit ako ng isa pang technique, "Lightning Style: Lightning Bolt Jutsu!" pinatama ko ang napakalakas na kidlat sa batong nahati. Nagkapira-piraso ito at tila ang iba ay naabo. Nauna akong bumagsak sa lupa at agad kong ginamit agad ang Eye of Rai ulit, sa pagkakataong ito hindi ko na pupulutin ang mga piraso ng mga bato, kundi lalapitan ko ang mga ito at tsaka ko gagamitin ang Gravtiy element ko para pisain ang mga ito.

AngkanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon