CHAPTER 5

347 13 0
                                    

Hindi ko pa rin maubos maisip ang sinabi ni Kennan. Hanggang kailan ba nito paninindigan ang kasinungalingang pagtawag sa akin ng “girlfriend”?! Dahil sa sinabi niya, humingi ng tawad ang KRRRReampuffs at nagsi-alis na rin sila. Ganito pala talaga sila. Pati mga fans ng grupo nila, kayang-kaya nilang takutin. Ito namang KRRRReampuffs, tinatakot na nga pero nananatili pa rin sa fans club nila. Palibhasa mga die-hard fans kasi sila ng K4R. Tumingin naman ako sa K4R dahil sa nangyari. Kakausapin ko na sana sila pero dumating na ang professor ko kaya pumasok na ako sa loob ng room at nagsi-alis na rin ang K4R.

Wala naman kaming gaanong ginawa. Nagbigay lang ng introduksyon ang professor sa subject namin at pinag-usapan namin ng kaunti ang tungkol sa mga nakalagay sa syllabus. Pagkatapos naming gawin iyon, pinalabas na rin kami. Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na rin ng room. Paglabas ko naman, hindi ko inaasahang makikita ko na naman si Rics. Nakatayo lang siya sa sulok habang pumipindot sa cellphone niya. Ano na naman kayang ginagawa niya dito? Di bale na nga. Sa totoo lang, wala naman na talaga akong balak magpakita sa kanila kaya yumuko na lang ulit ako habang naglalakad.

“Emrys!”

Sayang! Nakita pa niya ako. Paalis na sana ako eh. Napatigil ako sa paglalakad at dahan-dahan akong humarap sa kanya na parang nag-aalangan pa. Ayaw ko naman kasing sabihin niyang hindi ako namamansin. Tinanong ko siya kung may hinihintay ba siya. Sabi naman niya, hinihintay niya akong lumabas.Tinanong din niya kung may susunod ba akong subject pagkatapos nito at sabi ko naman, wala na. Maaga daw silang pinalabas ng instructor nila kaya naman nauna na siya dito. Maya-maya lang daw, dadating na rin iyong “apat na ugok” dito. Tinanong ko siya kung ibig sabihin niyon, pupunta rin iyong apat dito.

“Oo. Si Rev, Russ, Rob, at ‘yung boyfriend mo.”

Sasagot pa sana ako dahil medyo kinilabutan ako sa sinabi niyang “boyfriend mo” pero dahil dumating na rin iyong apat, hindi ko na itinuloy. Habang naglalakad naman, nakasunod pa rin sa akin iyong lima. Narinig kong nagpaalam si Rics dahil may klase pa daw siya. Sumunod naman sa kanya si Rev na wala man lang sinabi ni isang salita. Galit ba iyon sa akin? Paglingon ko, nakaalis na iyong dalawa pero nakasunod pa rin sa aking parang mga anino iyong tatlong natira. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nila akong lapitan bukod sa dahilan na nagpapanggap si Kennan na boyfriend ko.

Nang umupo naman ako sa isang lamesahan sa cafeteria, bigla na lang hinawakan ni Kennan ang kamay ko at hinila niya ako patayo. Habang naglalakad naman kami, pinagtitinginan kami ng mga tao sa cafeteria. Sinabi niyang doon daw ako uupo sa puwesto nila na ikinagulat ko naman dahil sa pagkakaalam ko, wala pa silang pinayagang ni isang hindi nila kagrupo na makiupo sa puwesto nila. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang dahil hinihila ako ni Kennan. Nang nakaupo na kami, tinanong kami ni Rob kung anong gusto naming kainin o inumin. Sinabi ni Kennan at Russ ang sa kanila. Sinabi ko namang ako na lang ang bibili ng sa akin dahil hindi talaga ako sanay na ibang tao ang bumibili ng pagkain ko, at isa pa, nahihiya rin ako kay Rob. Sino ba naman ako para magpabili sa kanya ng pagkain o inumin ko, diba? Sabi naman ni Rob, kailangan kong masanay sa ganito kaya naman tinanong niya ulit kung anong ipapabili ko. Dahil hindi pa naman ako gutom, pineapple juice na lang ang pinabili ko.

Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na rin si Rob dala ang mga pagkain at inumin namin. Nilapag na niya sa lamesahan ang mga ito at kinuha na rin naman namin ang kanya-kanya naming pagkain at inumin. Tahimik lang ang bawat isa sa amin. Pagkatapos kumain ng tatlo, kung anu-ano na ang mga pinag-uusapan nila. Nang nagkaroon naman ako ng oportunidad para kausapin sila, nagsalita ako kaagad. Tinanong ko kung bakit nila ginagawa ito. Tinanong naman nila sa akin kung alin ang sinasabi kong ginagawa nila. Sabi ko naman, iyong pagsunod nila sa akin, iyong pagpapaalis nila doon sa KRRRReampuffs kanina, at ngayon naman, itong pagpapaupo nila sa akin dito sa puwesto nila sa cafeteria.

“Ah. Girlfriend ka kasi ni Kenn.”

“ANO?! Ni hindi nga totoo itong...”

Agad tinakpan ni Russ ang bibig ko gamit ang kamay niya. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa iyon. Sabi niya, baka daw marinig ng ibang tao sa cafeteria iyong sinasabi ko kaya hinaan ko daw ang boses ko. Siya at si Rob ang sumagot sa mga sumunod kong tanong. Si Kennan kasi, ayun, gumagawa na naman ng origami gamit ang perang papel niya na parang walang pakialam sa usapan. Sabi ni Russ, magagawan ng paraan ang tungkol doon sa sinasabi ko pero hindi pa daw ngayon dahil masyado pang mainit iyong issue lalo na iyong picture namin sa gossip blog ng Campus Gossip Organization.

Tinanong ko naman sa kanila kung ano nga ba kasing kinalaman ng pagpapanggap namin na may relasyon kami sa ganitong pag-trato nila sa akin. Sabi naman ni Rob, inaasahan na ng mga taong pag “girlfriend” ako ni Kennan, dapat maayos din ang pagtrato nila sa akin. At isa pa daw, si Kenn daw ang may kasalanan dito at hindi ako. Sabi ko naman kay Russ at Rob, hindi ko pa rin maintindihan at hindi pa rin nasasagot ang tanong ko. Ipinaalala naman nila sa akin ang mga nangyari sa club room noon at napag-usapan din daw nilang dahil si Kennan ang may kasalanan ng pagkadamay ko, nag-isip sila ng paraan para makabawi sa akin. Tinanong ko naman sila kung ano iyong paraang sinasabi nila. Sagot naman nila, napag-usapan nilang sisiguraduhin nilang walang mananakit sa akin hangga’t hindi pa naaayos ni Kennan ang issue namin at hangga’t ako daw ang “girlfriend” niya. Sabi ko sa kanila, hindi naman na yata kailangan ang ganun dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko. Sabi naman nila, dalawa lang naman daw ang hinihingi nilang kapalit. Una, magpanggap daw muna akong parang totoong girlfriend ni Kennan. Sa ganung paraan daw kasi, mas madali kaming makakaiwas sa mga susunod pang issue at hindi rin kami paghihinalaang may pekeng relasyon lalo na’t hindi rin alam ng KRRRReampuffs na nagpapanggap lang kami. Pangalawa, inulit lang nila ang sinabi nilang itanggi ko na muna ang ibang mga issue maliban na lang sa relasyon namin ni Kennan. Napagkasunduan na rin daw nilang ganun din ang gagawin nila.

Kinumbinsi nila akong pumayag na lang sa napag-usapan nila kasi baka daw saktan lang ako ng KRRRReampuffs kung hahayaan lang nila akong mag-isa. Hindi ko naman inasahang sasabihin pa nila ang kahihiyang ginawa ko kahapong pagtawag sa kanila ng isang hindi magandang pangalan. Dahil daw tinawag ko silang “KRRRRapballs” bago ako umalis sa club room, doon nila kinuha ang pangalan ng operation na ito. Tinanong ko sila kung ano ang sinasabi nilang “operation.” Sabi naman nila, “Operation: KRRRRapball Guardians” ang tawag dito sa gagawin nila. Natawa ako pero mas nilunod ako ng hiya dahil parang nagpaalala lang sa akin ito ng huling isinigaw ko sa club room bago pa man ako makaalis dito. Mas matinding kahihiyan pa ito ngayon dahil ginamit pa nila itong pangalan sa sinasabi nilang paraan nila.

Destiny's Twelve o'clockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon