CHAPTER 8

306 8 1
                                    

“Class dismissed. See you next meeting.”

Hindi ko alam kung sadyang napakabilis lang ng oras o kung masyado lang talaga akong maraming iniisip kanina kaya hindi ko napansing patapos na pala ang klase namin. Nagsilabas na ang mga kaklase ko kaya lumabas na rin ako ng room. Paglabas ko naman, may mga miyembro ng KRRRReampuffs na lumapit sa akin. Namumukhaan ko sila dahil nagpatawag ng meeting sa kanila ang K4R noong isang araw para lang makilala ko ang lahat ng miyembro ng KRRRReampuffs. Hindi ko pa saulo ang mga pangalan nila dahil masyado silang marami pero kilala ko naman na sila sa mukha.

Nang nakalapit na sila sa akin, bumati naman sila kaagad at sinabing gusto lang daw nilang kamustahin ang naging pakikitungo sa akin ng isang bagong pledge nila sa unang mission niya. Sinabi pa nilang si Rev daw ang nagbigay ng unang mission niyang iyon. Sabi ko naman sa kanila, mukha namang mabait iyong pledge. Tinanong naman nila ako kung nakita ko na daw ba ang updates sa gossip blog ng Campus Gossip Organization. Sinabi ko sa kanilang hindi ko pa nakikita ang mga bagong nakalagay sa gossip blog. Hindi naman kasi ako laging tumitingin doon. Sabi nila sa akin, nagalit pa nga daw ang lahat ng miyembro ng KRRRReampuffs sa nilabas na bagong issue ng Campus Gossip Organization. Nilagay daw kasi nila sa gossip blog na hindi daw kami mukhang couple ni Kennan dahil magkasama lang daw kami pag magkakasama rin ang K4R at hindi pa daw nila kami nakitang magkasamang kami lang dalawa. Tumawa na lang ako sabay tanggi sa issue nang sinabi nila sa akin iyon. Hindi ko naman kasi kailangang seryosohin ang mga ganito dahil sabi nga ng K4R sa akin, ang mga issue ay mga issue lamang. I-deny ang dapat i-deny, at panindigan ang dapat panindigan.

Naisip ko ring sa totoo lang, hindi naman ako ang nagkulang eh. Ginawa ko naman iyong “tungkulin” kong magpanggap na “girlfriend” ni Kennan. Siya lang ‘tong hindi marunong magpanggap na “boyfriend” ko. Pero di bale na. Ginagawa lang naman namin ‘to para pagtakpan ang nangyari noong nasa Spirits and Sugar Club kami. Walang kahit na anong malisya dito para sa amin. Sinabi ng mga miyembro ng KRRRReampuffs sa aking tutulong daw sila sa pag-aayos ng panibagong issue na ito at susubukan daw nilang kausapin ang Campus Gossip Organization para linawin ang tungkol doon.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin, nagpaalam na rin sila sa akin kaya naglakad na rin ako paalis ng building. Habang naglalakad naman, nakasalubong ko si Rob. Tinanong niya kung may klase ako at sinabi ko namang katatapos lang nito. Tinanong ko rin siya at sinabi naman niyang ayaw daw muna niyang pumasok sa huli niyang klase kaya siya palakad-lakad sa campus. Iyong apat naman daw, nagpapaka-“grade-conscious” kaya umattend sila ng kanya-kanya nilang klase. Niyaya niya ako sa cafeteria dahil wala daw siyang magawa. Sumama naman na ako dahil wala na rin naman akong klase at wala na rin akong gagawin. Kagaya ng dati, doon pa rin kami umupo sa lamesahan sa sulok na nakalaan para lang sa K4R. Hindi naman ako nagugutom kaya hindi na muna ako bumili ng pagkain o inumin. Si Rob naman, pagkatapos niyang bumili, bumalik din siya sa puwesto namin. Kung tatanungin ko kaya si Rob ng mga bagay na tungkol sa K4R, sasagutin niya kaya ang mga tanong ko?

“Rob, pasensya na kung matatanong ko ‘to. Paano ba nabuo ang K4R? Curious lang kasi talaga ako at wala rin akong gaanong alam tungkol sa inyo.”

“Hindi ka pa pala nakukuwentuhan ng KRRRReampuffs. Haha. Sa totoo lang, ‘yung kanya-kanya naming mga problema ang nagdala sa amin sa grupong ito at walang kinalaman sa pagkakabuo ng K4R ang pagkakapare-pareho ng apat na R. Sa totoo lang, hindi naman kasi talaga kami pare-pareho eh. Si Rev at Russ lang talaga ang totoong sa R nagsisimula ang pangalan. Derric ang totoong pangalan ni Rics. Ako naman, Maru Jacob. Ginamit namin ang palayaw naming dalawa para maging pare-pareho kaming R.”

Destiny's Twelve o'clockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon