Nagising ako na umiiyak pero hindi ko maalala kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Umiiyak sa panaginip na hindi ko maalala.
"Bakit mugto nanaman yang mga mga mo?" Tanong sakin ng ka boardmate kong si Nathalie short for Talya.
"Di ko din alam... pero ang sikip sa dibdib. Parang- parang may kulang. Parang may mawawala? Parang nakakalungkot?" Di ko mawari ang nararamdaman ko. Parang ang bigat bigat sa loob.
"Hay nako. Iniisip mo nanaman yang schoolarship na mawawala sayo dahil sa kagagawan ni Ethan no? Besh ako na humihinge ng tawad sa ginawa ng kapatid ko sayo ha." Si Ethan at Nathalie ay identical twin. Di ko lang alam kong bakit ang init ng dugo sakin ni Ethan na halos pati schoolarship ko gusto nyang agawin.
"Okay lang yun Talya. Kung gusto talaga nya yung shoolar ship kanya nayon. Pero sana sa maayos na paraan naman, hindi yung sisirain nya pa yung reputasyon ko sa school." Yun nalang kasi ang tanging kong susi para makagraduate. Di naman ako mayaman na kagaya ng iba dyan.
"Pero hayaan mo. Kakausapin ko sya tungkol dyan. Sorry talaga ha. O sya sige una nako sayo maaga kasi ngayon ang klase namin. Magkita nalang tayo mamaya sa library besh."
"Sige." Tanging sagot ko.
Pagkaalis ni Talya naligo na agad ako para pumunta sa shop ni Tito Barn. Nag sasideline ako pag wala pang klase. Para may pang gastos naman ako sa pang araw araw kong mga kailangan.
"Kate, napa aga ka ata ngayon?" Tanong sakin ni Tito barn.
"Mamayang tanghali pa po kasi ang klase ko."
"O tamang tama. Kadadating lang nung mga damit na papalabhan ni Ms. Claire. Ikaw nang bahala dyan ha."
"Sige ho Tito."
Isa isa kong inaayos ang mga damit na pinapalabhan sakin ni tito. Nang maya maya ay bumukas ang pinto. Isang pamilyar na mukha ang pumasok dun. Pero di ko alam kong san ko sya nakita? Kaya binaliwala ko nalang at tinuloy ang ginagawa ko.
Nang matapos ko na lahat ng gawain ko nag paalam na ako kay Tito Barn. May pasok pa kasi ako ng 12:30 pm tamang tama at natapos ko ng maaga ang labahan. 11:13 na. Maglalakad pa ako papasok. Kinuha ko na ang gamit ko sa loob ng office ni Tito Barn at umalis na.
Pag katawid ko palang sa may highway. May dalwang lalaki ang nag uunahang tumakbo. At dahil lutang ang isip ko. Nabunggo ako ng isa sa kanila at halos ilang metro ang layo nang tinalsikan ko.
"Mga walang yah!! Kitang may tao e! Tsk!" Sapo ko ang pwetan ko habang dahan dahang tumayo. At napangiwi ako ng biglang tumayo yung lalaking nakabunggo sakin at kinuha ang bag nya sabay nagmadaling nagtatakbo ulit.
"Tumabi ka dyan Ms." Abat!!! Grrrrrrh!!! "Tara na Ceff wag kang ngumanga dyan. Late na tayo." Sabi nya pa sa kasama nya na nakatingin sa amin or should I SA AKIN.
"WALANG MODO!!! BASTOS!!!" Di man lang ako nilingon. Tsk! Bastos. Inayos ko nalang ang sarili ko at kinuha ang bag. Hay...
Pagkadating ko sa classroom 12:20 na. So may time pa akong magbasa para sa quiz namin. Pero, teka parang may mali? Hindi ito yung bag ko!!
"Shocks!" Pagtingen ko sa orasan 12:28 na. Wala na akong time para bumalik pa dun sa shop. "Oh my goodness!" What to do?! What to do?! Wala pa akong naaral sa mga notes ko then wala pa yung bag ko?! Bakit ba ang MALAS MALAS KO?!
Marco's POV
Pag kadating namin sa room, pinagtitinginan agad kami. Ikaw ba naman makakita ng gwapo? Sinong hindi mapapalingon. Badtrip nga lang at late kame.
"Langyang babae yun oh. Pahara hara kasi ehh!" Nasan na ba si Ceff ?
"Hoyy Ceff! Ano pa ginagawa mo diyan? Pumasok ka na dito at late na tayo." sabay upo sa aking upuan.
"Pre, ang ganda niya ano ?" sabi ni ceff sa tabi ko.
"Huh?! " anung pinag sasabi neto? Wag mong sabihing !!!
"Hoyy Ceff wag mong sabihing type mo yung babae kanina?! " tanong ko sa kanya.
"Halata ba pre? " sagot naman niya na may malaking ngiti sa labi.
"Hayst magkakagusto na nga lang sa t*t*nga pa." pabulong kong sabi .
"May sinasabi ka ba pre ? " tanong ni nya.
"Ha?! May sinasabi ba ako? Wala naman ahh? Tara na nga lang mag review. " sabi ko sa kanya .
" Wow!!! Pare himala mag rereview ka. Ano nakain mo? "
" Wala. Badtrip lang. Pre paabot naman ng bag ko. "
" Eto pre oh !! " inabot niya sa akin ang bag ko.
Pag bukas ko ng bag. Bakit gamit pambabae ito?
Teka hindi ito ang bag ko. Asan na kaya yun? Isip. Mag isip ka. Ano ba utak gumana ka!!!! Hala baka andun sa babaeng nakabanggaan ko kanina. Lintek saan ko naman iyon hahanapin eh hindi ko naman iyon kilala?