Marco's POV
"Ughh! Ang sakit ng ulo ko." Para bang may sumapak sakin. Ano bang nangyare kagabi? Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Gising kana pala mahal na prinsipe. Ito na ang mainit na sopas at gamot sa sakit ng ulo mo." Sarcastic na pagkakasabi sakin ni ate Melanie. Ang kapatid ko sa ama. Maganda sya at sexy. Sya lang ang nag iisang umiintindi sakin sa bahay nato. Sya lang ang parating karamay ko sa tuwing nalulungkot ako.
"Salamat ate Mel. Sino naghatid sakin kagabi?" Wala na akong maalala.
"Will si Ceff lang naman. Alam mo nakakaawa nayang kaibigan mo. Buti at natatagalan ka nya sa ugali mo no?" Ito nanaman sya.
"Oo na ate. Ilang beses mo na yang nasabi." Binato nya sakin yung bimpong basa na ipinunas nya sa lamesa. "Ano ba ate! Lumabas kana nga dito!!!" Bago ko pa mahagis sakanya pabalik ang basahan e nakatakbo na sya palabas at ibinagsak ang pinto pasara kaya halos magiba na. Nung may mag bubukas ulit ng pinto hinanda ko na ang basahan para ihagis yun pabalik sakanya pero si Daddy ang pumasok at natamaan nung basahan.
"D-daddy!! S-ssorry po. Di ko po sinasadya. Si ate kasi. Ughh!!" Di ko malaman ang ekspresyon ng mukha ni daddy. Gulat na galit o kung ano pa man. Basta ang sure ko. Bad mode na sya. Mag sasalita na sana siya ng biglang nag sisigaw si ate habang papasok sa kwarto ko at hingal na hingal.
"Dadddy!!! Daddy!! Si Mommy Maris di makahinga!!!" Natataranta na sya. Huh! Mukha syang ewan sa itsura nya.
"Let's talk later MARCO POLO." Ito nanaman tayo. Basi palang sa mga tingin at pagtawag sa pangalan ko ng buo masasabi kong galit nga siya. Hahaha anong bago dun. At sinara ang pinto ng kwarto ng pabalibag. Tsk! Nasan na ba yung cell phone ko?! Halos baliktarin ko na buong kwarto ko di ko padi mahanap ang cellphone ko. San ko ba yun huling nilagay?! Isip. Isip! Oo nga pala sa bag. Napahinga ako ng maluwag. Wait nasan na yung bag?!
"Shit!!"
Kate's POV
Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog ng may tumunog sa loob ng bag ko. Ano ba naman yan. 2:39 palang ng madaling araw may nang iistorbo na agad?! Tsk! Kinuha ko yung bag at pinatay yung cellphone na natunog then nilagay ko sa loob ng drawer ko. Saka ako bumalik sa pag tulog. Hayyy.. sa wakas.
~~~Sa di kalayuan, isang batang paslit ang patawid sa kalsadang tinatahak ko. Nang biglang may humaharorot na sasakyan ang biglang dumaan. Kitang kita ng mga mata ko na muntik ng masagasaan ang bata at tanging pag sigaw nalang ang nagawa ko. "Yung bata!!!" Maya maya napapikit ako at biglang nanghina ang tuhod.
"Sa susunod bata wag kang tatawid sa kalsada ng walang kasama ha? Tignan mo muntik kanang mabangga nung kotsing yun." Napaluhod ako ng makitang ligtas yung bata at yakap yakap sya ni Marco.
"Anak!! Bakit ka naman kasi tumakbo yan tuloy. Ano kaba! Pinag alala mo si nanay e." Binuhat nung nanay ng bata ang anak nya. "Salamat Iho."
"Walang ano man po." Tumayo ako at dahan dahang nag tatakbo palapit kay Marco at niyakap ko sya at-- att ~~~
"Besh! Beshy!! Hoy beshy!!! Bumangon kana dyan--" bigla kong narinig ang boses ni Talya kaya,
"Salamat Bestfriend at ginising moko!! Salamat at nagising ako sa bangungot nayon. Beshy ayaw ko ng matulog!! Beshy--" nagulat si talya ng bigla akong bumangon at bigla ko syang niyakap ng mahigpit na mahigpit.
"Besh-- beesi d-di ak-ako ma-makh-hinnga." Niyogyog ko sya. Saka ko sya binitawan. Ubo lang sya ng ubo matapos kung gamin yun. "Bakit- ahhhh... may balak ka bang patayin ako? Bat ka ba nananakal?!"
"No Im not! Thankfull pa nga ako ant ginising moko. Nakakadiri yung panaginip ko. Yuck nakakasuka!" Ito na yung pinaka nakakatakot na bangungot ko ever!! Grrrh!
"Ano ba kasi yun ha?" Kinuwento ko sa kanya yung napanaginipan ko pati nung isang araw. Kanina ko lang naalala. Y-yung panginip ko na m-mmahal ko daw si Marco??!!! AHHHHHHHHHHH!!! Parang ayaw ko ng matulog EVER!!
"WAHAHHAHAHAHAHAHAH Nako besh! Hahahahah mukhang nakita mo na ang love of your life. Hahhahaah ikaw ha! Pinag papantasyahan mo yung tao." What the??!! NEVER!!!
"N. E. V. E. R. NEVER!!! Pati nakakadiri nuh? Baka may AIDS na yun sa dami na ng naikama nun. No way! Yuck!"
"Hahahahahha malay mo beshy.... ayieee!!!"
"Tumigil kanga! Tsk! Makaligo na nga!"
"Ano bang oras na?"
"7:30 am then 8:00 am sharp may same class tayo kay Sir Titular. And you only have 10 minutes to prepare then --" blahblahblah tumakbo nako papasok ng CR at naligo. L*ts*ng bangungot yan. Grrrh!!!
"Okay. Class dismissed." Hayyy natapos din ang tatlong oras na klase ni Sir. Actually kagigising ko lang din. Nag story telling nanaman kasi ata si sir. Thats why.
"Sabi ni sir may gagawing activity next meeting at by pair." Yun lang pala e.
"Oh alam mo na ha. Ikaw nang bahala dyan. Mag aambag nalang ako." Well basic-
"Well sabihin mo yan dun sa ka-pair mo. Si sir kasi nagbanggit ng partner. Well napaka basic lang naman. Hahaha! Good luck." Then tinuro nya si Ethan na kausap ngayon ni sir sa harap.
"Sir please pwede naman na atang mag solo nalang ako. Alam mo naman sir na ayaw akong kapartner ni Kate --"
"Hoy Ethan. Ikaw kapartner ko diba?" Pag iinterupt ko sa pag uusap nila ni sir. Um-oo sya sa tanong ko. "Ikaw ng bahala ha. Matalino ka naman. Kaya mo nayan. Sabihin mo nalang sakin kung ano ang part ko sa activity na gagawin." Pagkasabi ko nun inayos ko na ang gamit ko at sabay na kaming umalis ni Talya sa room samantalang nakatingin lang sakin si Ethan.
"Ang hard mo talaga sa kapatid ko! Patawarin mo na kasi siya. Ginawa naman na nya lahat-" binilisan ko lakad ko. Kaya napatigil sya sa pagsasalita. Alam na nyang ayaw ko napag uusapan namin yan. "Okay sorry." At hinabol nya ako.
"Besh tumawag si Inay sakin. Gusto ka daw nyang makausap." Si nanay Maring. Ang nanay nanayan ko. Nakakamis na sila ni tatay Pedo.
"Hello po nay. Kamusta kana po? Miss na po kita. Okay lang po ba kayo ni tatay pedo--" may narinig akong humihikbi sa kabilang linya. "Nay okay lang po ba kayo?"
"Sweetheart.. its me.. mommy miss you so much. Kailan ka uuwi dito. Miss ka na namin ng dada mo." Ito nanaman ang luha sa mga mata ko. Pumapatak ng di ko namamalayan.
"M-mommy... I-i m-miss you too." Sabay patay sa tawag. Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko!! Binalik ko kay Talya ang phone nya at pinunasan ang luha sa maga mata ko.
"Una na ako sayo. Pupuntahan ko pa si tito barn. Umuna ka ng umuwi mamaya ha. Gagabihin ata ako."
"Sige. Ingat ka sa pupuntahan mo. Ingat ka sa pag uwi. Wag kang mag papagabi ng todo ha."
"Oo naman. Ano ka ba! Dinaig mo pa si nanay makapag paalala ha." Biro ko sa kanya. Sumakay na ako sa jeep papunta sa shop ni tito barn. Nang makarating ako dun sarado. Ano kaya nangyare?
Saan na ako nito pupunta ngayon?