Kate's POV
"Besh nandyan na ba sa Sarah? Out na natin e. Wala padin yung mga kapalitan natin." 5:05 pm na. Late nanaman si Sarah ng 5 minutes.
"Di ka pa nasanay dun. Parating nayun. Dito ka muna magbibihis lang--"
"Ms. 2 buckets of beer nga." Papasok na sana ako sa locker room.
"Mga beks sorry late nanaman ako. O ako na dun. Magbihis na kayo. Parating nadin naman si Jordan e. Salamat."
"Sorry Ms." Tinignan nung pamilyar na lalaki yung name tag ni Sarah. "Ahmm.. Ms. Sarah si Ms. Beautiful ang tinutukoy ko." He's referring to my bestfriend.
"Sorry din po Mr. Out na po kasi siya. 'Pasensya na po." May pagkasarcastic ang pagkakasabi ni Sarah pasensya. Protictive talaga sya pagdating sa mga gantong customer lalo na saamin ni Talya.
"Pre ano ka ba. Di ka pa nainom may tama ka na agad. Haha sige Ms. Sarah padala nalang sa table namin yung order nitong kaibigan ko." Napalaki ang mata ko. S-sila yung kanina. Yung walang modo nayun. Nasakanya yung bag ko. Kailangan ko yung makuha ngayon din.
"O besh kanina ka pa dyan? Bat di ka pa bihis?"
"Mauna kana may kukunin lang ako dun lalaking yun."
"Woah!! Dont tell me na sya yung nakabunggo sayo kanina?" Wala na ngang iba. "Gusto mo samahan na kita?"
"No need, I can manage. Mag bihis kana."
"But-- okay sige. Sabi mo e. Ililibre mo pa nga pala ako noh? Haha" tsk! Bigla nanamang naalala yun.
"Ate Sarah nasan na yung order nung nasa table nayon? Ako na mag dadala." Tinuro ko yung upuan nung walang modong lalaki.
"Diba out na ninyo ni Nathalie. Mag oover time ka? Sipag mo naman."
"Di po ate may kukunin lang talaga ako dun sa lalaking yun." Inabot sakin ni ate yung order nila at huminga muna ako ng malalim bago ko sila hinarap.
"Ahm.. this is your order sir." Inilagay ko na dun sa table nila ang dala ko. Tsk. Nakakasuka tong walang modo na to. Lantaran ba namang makipaghalikan sa girlfriend nya. Pero kailangan ko talaga yung bag ko. Nasa tabi lang nya kaya. "Aheem." Pagtikhim ko ng mapansin naman nila presinsya ko.
"Anong kailangan mo pa ms. Sara-- woah! Hi miss?" Yung kaibigan nya yung pumansin sakin. Kinulbit nya yung kaibigan nyang nakikipag lampungan padin. Kaya nginitian ko lang sya. "Pre." Nakadalwang kulbit na sya pero di parin sya natinag.
"Bakit ba pre?! Mag hanap ka nang mapagkakalibangan mo wag mo kong guluhin." Napaka walang modo talaga nito. Kunti nalang talaga makakatikim na to sakin. Kahit na nag pupuyos na ako sa galit nakangiti parin ako ng malawak sa kanila.
"Ahmm.. mawalang galang na Mr. Pwede ko na bang kunin yung bag ko? 'Na kinuha mo kanina?" Di ko inaalis yung ngiti ko baka sakaling madadaan pa to sa magandang usapan. Napatingin sya sakin at tinignan ako head to toe. Aba't!!
"Baby sino yang babaeng yan?" Maarting sabi nung girlfriend nya. Nginitian ko nalang din sya. Mabait kasi ako e. Napatingin ako dun sa kaibigan nyang lalaki. Titig na titig sya sakin na para bang isa akong abstract picture na amaze na amaze sya kung paano ako ginawa. Mukhang tutulo pa ang laway. Pero nginitian ko nalang sya.
"Miss ito na yung bag mo. Pasensya ka na ha. Ako nga pala si Ceff Manzano. You can call me ceff. 20 years old. 3rd year co--" inabot ko yung bag ko. With a full of smile sa mukha ko. Nakakatawa sya. Nakatitig lang sya sakin.
"Salamat Ceff." Paalis na sana ako ng magsalita yung walang modo nyang kaibigan.
"Magkano isang buong gabi mo?" Nag pantig yung tinga ko. Pero kunwari nalang akong walang narinig. Pero napaka WALANG MODO TALAGA NYA AT SINIGAW NYA PA ULIT YUN. "MAG KANO KA MISS? MADAMI AKONG PERA DITO. BABAYARAN AT PASASAYAHIN PA KITA." huminga ako nang malalim at humarap. Kalmado ko syang sinagot.
"Sorry po sir hindi po ako JRO dito. Waitress po ako. Sige po." Bigla syang tumayo sa inuupuan nya at lumapit sakin.
"Baby san ka pupunta?" Tanong sakanya nung girlfriend nyang parang naka'bra at panty nalang.
"Break na tayo. May bago na akong girlfriend kaya umalis kana doto." Napanganga ako sa sinabi nya at biglang tumayo yung girlfriend nya at sinampal sya sa mukha sabay alis. Nagulat naman ako na para bang wala lang yung sampal na yun sa kanya. At ang mas nakakagulat e. Nasa harapan ko na sya at hahawakan sana nya ako sa kamay. Buti nalang nakaiwas ako.
"Babe pwede bang akin ka nalang ngayong gabi?" What the h*ck?! Haha ano tingin nya sakin kaladkaring babae?! Hahawakan nya sana ako sa balikat pero umiwas ulit ako.
"Pwede ba sir. mukhang lasing napo kayo-" this time di na ako nakaiwas nang hawakan nya ako sa beywang ko.
"Your mine now--" ang bilis ng pangyayare at nakita ko nalang napaupo sya sa sahig at hawak hawak ang panga nya. "Sino ka bang tarantado ka?!!" Mabilis syang tumayo at susuntok ulit ng bigla syang awatin nung Ceff at biglang lumabas si Talya sa pinto.
"Ethan?! Tama na. Bakit mo ba ginawa yun?" Gulat na gulat si Talya sa nangyayare habang ako. Nakatulala lang sa gitna nolang apat.
"Bakit mo binabastos si Kate ha?! Walang hiya ka!" Dinuro nya yung walang modong lalaki. "Buti nalang nalaman ko kaagad na dito kayo nag tatrabaho. Kung hindi edi sana nabastos na si Kate kanina pa!!" Nakakatakot yung galit sa mukha ni Ethan. Wait paabo nya nalamang dito kami nag tatrabaho? At bakit nya kami hinahanap?
"Pre pasensya na. Nakainom na kasi tong kaibigan ko kanina pa. Aalis nalang kami. Pasensya na." Pinilit nyang itinulak paalis sa bar ang kaibigan nya. "Sorry sa ginawa ng kaibigan ko Kate."
"Pasalamat ka! Babalikan kitang ugok ka!" Dinuro nya ulit si Ethan habang paalis at mukhang aamba pa ng suntok buti nalang naawat agad ni Ceff. "F*ck you ka" sabay bad finger.
Nang makaalis yung dalawa napaupo si Ethan sa couch sa likuran nya. "Besh ano nangyare bakit biglang nagkagulo." Nag aalalang tanong ni talya.
"Buti nalang talaga dumating agad ako. Kung hindi... hinalikan na sana sya ni Marco! Alam mo bang lahat ng babaeng nakakasama nun naikama na nya?! At ayaw ko na mangyare yun sayo." Tumayo sya at lumapit sakin. "Okay ka lang? Di ka naman nya siguro binastos or kung ano man diba?" Kitang kita sa mukha nya ang concern. But then,
"Bakit ka ba nandito? Okay lang ako. O ano satisfied? Pwede ka nang umalis. Iwan mo na kami." Pagkasabi ko nun tinalikuran ko na sya.
"Sabi nga pala ni tito, umuwi ka na daw. Miss na miss kana ng Mommy mo." Sa sinabi nyang yun biglang pumatak ang luha sa mga mata ko. Pinahid ko ang mga luhang di ko alam kung bakit pumatak nalang bigla at lumabas na sa bar na yun.
"Besh wait." Sigaw ni Talya. "Salamat sa pagsagip sa bestfriend ko kuya. Dabest ka talaga." Narinig ko sabi ni sa kakambal nya ng tumigil ako sa labas ng bar. Tsk!