Marcos POV
Dahil sa di ko mahanap ang cell phone ko. Pupuntahan ko nalang si ceff sa unit nya. Sinuot ko ang hoody ko at nag ala spider man pababa sa may teresa sa kwarto ko. Inakyat ko ang malaking bakod. Basic na sakin to. Simula palang nung elementary ako ito na gawain ko pag alam kong bawal akong lumabas.
Pagkalabas ko ay pumara agad ako ng tricycle. Wala e no choice. Matatagalan ako akong maghihintay pa ako ng taxi.
Pagkadating ko sa sakayan ng jeep sumakay agad ako sa jeep na mukhang kakapasada lang. Huminto ang jeep sa tapat ng isang laundry shop at may sumakay na pasahero.
"Makikisuyo po ng payad." Kulbit sakin ng isang babae. Pero di ko sya pinansin at tumalikod ako sa kanya. "Kuya makikisuyo po ng bayad." Pag uulit nya pa pero di ko sya pinansin. "Kuya! Makikisuyo nga ho ng bayad-" natigilan sya sa pag sasalita sa pagharap ko.
"AKIN NA!" pagalit ko yung tinanggap. Kita ko sa mukha nya ang gulat. Bakit ay dumi ba mukha ko?
"I-ikaw yung k-kagabi diba?" Ano daw?
"Anong pinag sasabi mo?" Biglang nagbago ekspresyon ng mukha nya.
"Wala!" Tsk! Wierdo!
Sampong minuto pa lumipas. Napansin kong maya't maya syang napapatingen sya sakin. Huh! Mag laway ka sa kagwapuhan ko. Pumara na ako nang makarating na ako sa pupuntahan ko pero nauna pa syang bumaba sakin. Di ko nalang sya pinansin at nag lakad nalang na parang di ko sya nakikita.
Kate's POV
Bakit ba ko sinusundan ng walang modong to? Nakakainis na sya ha!