Sa pitong bilyong tao sa buong mundo. Sa dami ng lalaki na nakilala ko. Sa napakaraming tao na nasa paligid ko. Bakit kaya kay Carlos pa ko na in love? He's been my bestfriend for fifteen years. And I've been his bestfriend as well. Ako 'yong nandyan kapag nagkakasakit siya. Ako 'yong taong nagpapasaya sa kanya everytime na malungkot siya. Ako 'yong taong nagmamahal sa kanya kahit na may mahal siyang iba.
Cliché right? I always heard things about a girl or a boy falling in love with their bestfriend and I am one of them. May ilang sinuswerte, mamahalin sila pabalik, o kaya naman ay malalaman nilang mutual pala 'yong nararamdaman nila sa isa't-isa. Pero may ilan ding minamalas, gaya ko, hindi ko masabi dahil natatakot ako. Natatakot na baka mawala siya, na baka kapag umamin ako magalit siya sa'kin, na baka umamin man ako wala rin namang magbabago dahil hindi naman niya ko mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya. I'm his bestfriend but will never be his lover-- his love, his only love.
Mas naging mahirap pa ang pag-amin ko no'ng dumating si Mica. My bestfriend loves her for over six years, hindi ko nga alam kung anong meron kay Mica. She's cute, a pretty woman pero ordinaryong babae lang din naman siya gaya ko. No'ng mga panahong nanliligaw si Carlos sa kanya ako ang katu-katulong ng isa lalo na sa paggawa ng letters para sa babae. Ako 'yong pipili ng magandang papel na pagsusulatan. Ako din minsan 'yong nagsusulat since maganda naman daw ang sulat ko. Ako rin nga 'yong namimili ng bulaklak na ibibigay niya.
Sobrang hirap. Sobrang sakit. Pero anong gagawin ko? I'm his bestfriend at iyon naman ang dapat na ginagawa ng isang gaya ko sa kaibigan niya 'di ba? Ang suportahan siya. Kahit ang kapalit no'n ay ang kalungkutan ko. Kahit na masaktan pa ako.
"Shishi... " rinig ko mula sa kabilang linya ng telepono ang nanghihinang tinig ni Carlos. Mukhang may nangyari na naman.
"Nag-away ba ulit kayo? " tanong ko agad. Alam ko naman na ang mga dahilan ng pagtawag niya. Minsan kapag nagpapasama siyang bumili ng ibibigay kay Mica o kaya ay para sa Mama at kapatid niya. Minsan naman kapag bored siya at busy 'yong isa ako ang bubulabugin niya. Pero madalas kaya siya tumatawag ay dahil may problema sila ni Mica. And yes he and Mica became in a relationship, two years na nga sila e. At sa two years na 'yon ako ang laging sumasalo sa lahat ng galit at hinanakit niya sa babae.
"Nagselos na naman e, nag-away tuloy kami, " malungkot na sabi niya pa. "Samahan mo ko? Inom tayo sa bar nila Letty, " dugtong niya at matapos no'n ay binaba na niya ang tawag. Hindi pa man ako nakakasagot ay pinutol na agad niya ang linya. Siguro dahil alam naman niyang hindi ko kayang tumanggi sa kanya. Hinding-hindi ko kaya.
Lagi na lang, sa tuwing magkakaaway silang dalawa ako ang pinupuntahan niya. Minsan nga gusto ko na lang itanong sa kanya kung bakit hindi na lang ako? Bakit hindi na lang ako ang mahalin niya? Bakit hindi na lang ako ang niligawan niya? Bakit hindi na lang ako e nandito naman ako palagi para sa kanya, nandito lang ako at never ko siyang iiwan. At syempre hindi ko rin siya sasaktan.
Hindi pa man ako tapos sa ginagawa kong trabaho ay umalis na rin ako. Nagpaalam ako sa pinapasukan kong restaurant, sinabing may emergency sa bahay kahit pa ang totoo e pupuntahan ko lang si Carlos.
"Ano na namang nangyari? " agad na tanong ko nang maka-order na kami ng alak.
"E kasi may lumapit sa'kin na babae sa mall nagtatanong kung saan daw 'yong cr, " paliwanag niya at saglit na huminto para makatagay ng alak. "Tapos ayon nagselos agad! Sinabi ko nga na nagtanong lang 'yong babae pero ayaw niya maniwala! Nagalit na agad siya, iniwan niya ko do'n sa mall. Tinakbuhan ako! Tapos tinatawagan ko ayaw namang sumagot! Kanina pa ko nagte-text sa kanya pero wala man lang reply! " Patuloy lang siya sa pagkukwento habang umiinom at gaya ng dati hindi pa rin siya natatakot na ipakitang mahina siya. Umiiyak siya sa akin ngayon, natatakot daw siya na baka bigla siyang hiwalayan ng isa, hindi niya daw kakayanin iyon. Nasasaktan ako habang pinapanood siya sa sitwasyon niya ngayon.
Niyayakap ko na lamang siya at minsa'y makikisabay sa paglagok ng alak.
"Ilang beses na kayong nag-away pero never ka naman niyang iniwan 'di ba? Kaya 'wag ka ng magdrama diyan! Para ka talagang bakla e, " biro ko pa sa kanya na mahina niya lamang tinawanan. Matapos no'n ay muli siyang lumagok ng alak at mahinang napaiyak.
Grabe talaga 'yong pagmamahal niya kay Mica. Kailan kaya dadating 'yong araw na hindi na si Mica 'yong babaeng iiyakan niya? 'Yong babaeng magbibigay takot sa kanya oras na mawala ito? 'Yong babaeng-- 'yong ako naman? Ako naman ang babaeng iiyakan niya?
But that's impossible right? I'm just Sheena, a simple girl, a friend-- bestfriend. Hanggang do'n lang ako sa kanya. Hanggang magkaibigan lang kaming dalawa.
"Ikaw na lang kaya, " biglang sambit niya na ipinagtaka ko.
"Ano 'yon? " Naguguluhan ako sa sinabi niya but at the same time kinakabahan na rin ako. Hindi ako tanga. Alam ko, narinig ko. Pero baka namali lang ako ng rinig?
"Sabi ko ikaw na lang kaya ang maging girlfriend ko? "
Napatigil ang paghinga ko ng ilang segundo. Mga limang segundo lang ay tumambol ng napakalakas ang aking dibdib. May parang fireworks na sumabog sa kalooban ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko-- ang sasabihin ko.
Ano bang dapat sabihin o isagot sa sinabi niya? Ano bang dapat kong gawin matapos ng sinabi niya?
Napatulala lang ako sa kanya at gano'n din siya sa'kin. Parang isang panaginip ang nangyayari ngayon dahil unti-unti ay lumapit ang mukha niya sa akin. At ilang saglit pa ay tuluyan ng naglapat ang mga labi naming dalawa. Ngunit hindi ko pa man nananamnam ang kanya ay agad na siyang lumayo at ang mga sunod niyang sinabi ang nagpadurog sa durog ko ng puso.
"I'm s-sorry I c-can't, l-love her... " Tila nasampal ako sa sinabi niya. Bumigat ang paghinga ko. Hindi na napigilan pa ng mga luha ko at sunod-sunod na silang naglabasan. At kasabay ng paglabas nila ay ang pag-alis ni Carlos.
Iniwan niya ko. Pero sinama niya ang puso ko. Kaya 'eto, mag-isa na lang ako. Umiiyak, nasasaktan, para ngang gusto ko na lang mawala sa mundo. Pero hindi pwede. Hindi ko siya kayang iwan. Hindi ko kaya.
Nang gabi ding 'yon ay iniyak ko lahat ng sakit. Uminom ako hanggang sa hindi ko na kinaya pa. Mabuti na lang at dumating si Letty, ayon sabay kaming umuwi sa kanila.
Lasing ako pero dama ko pa rin ang sakit. Lumalangoy ako sa alak pero nando'n pa rin ang kirot sa puso ko. Akala ko mapapamanhid ng alak ang sumasakit na damdamin? Bakit parang hindi?
"C-Carlos s-sana a-ako na l-lang..."
---
BINABASA MO ANG
Friend of Mine (Completed)
Historia CortaMay mga taong hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa'yo at wala ka ng magagawa pa doon kahit pa higit sa pagiging kaibigan ang nararamdaman mo para sa taong 'yon.