Blue

38 3 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

You can never expect the unexpected events.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
My job is to guide human beings.

And I'm doing this from my entire life.

I was born to have this purpose, and doing it with no failures.

This is my purpose of why i am living.

I have no complains about what i do,  because from starters, why do i need to complain to a job that i am useful, that i am helping others, that this is my reason of why i exist.

I don't want anything else, except to do my job perfectly.

I actually don't understand humans. Why do they want to almost have everything? They're greedy, selfish, prideful, gluten, but not all humans, there are still humans that has a pure heart, but when the years pass, they became fewer and fewer to ever existed in this world.

Because only the pure hearted humans can see us.

"Kuya! Kuya! Bakit ganyan po ang suot nyo???"

Huh?

I turned around to see a little girl, around 4 to 5 years old, standing and staring right to my direction. So she's actually asking me??

I suddenly pointed to myself to confirm that i am who she is talking to.

"Syempre naman kuya, sino pa ba ang pwede kong makausap eh tayong dalawa lang ang nandito ngayon sa park?"

Tumingin nga ako sa paligid at tama nga sya, kaming dalawa nga lang ang nandito ngayon. But i still can't believe she can see me.

Well, she is a kid, kaya normal lang na isang bata ay merong pure heart, pero bihira lang ito mangyari na kausapin ako ng ganito.  Dapat talaga lumipad na lang ako papunta sa isa pang destinas- -

"Kuya!!"

Nabigla ako dahil bigla na lang ito sumigaw,  "hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, dapat nga po kayo muna ang sumagot bago ako eh" at para itong natatampo dahil ang mga pisngi nya ay lumaki na parang ang sarap kurutin. Ito yata ang sinasabi nilang 'pout' para sa kanilang mga tao tawagin.

Children are just the cutest things.

Umupo ako sa harap nya para magkasing height kami at magkausap din kami ng maayos, "sorry, marami lang kasi ako iniisip. Dapat nga hindi ka pwedeng makausap ng isang stranger hindi ba? Hindi ba yon ang tinuro ng mga magulang mo?"

"Yan ka na naman po kuya eh, nagtatanong ka na naman po na hindi sinasagot ang tanong ko kanina" well may point nga sya, "at isa pa kuya, hindi ka naman po mukhang masamang tao, ang sabi sa akin ni Mama, hindi ko dapat kausapin kapag may taong lumapit at kausapin ako, dapat raw po tumakbo palayo sa kanya at pumunta ako sa maraming tao. Eh ako po ang lumapit sa inyo kaya pwede kitang kausapin" at ngumiti ito sa akin  nang kalaki laki. An innocent smile that every child have.

I smile her back, "tama naman ang Mama mo doon" nakakatuwa ang mga bata kapag sila ang nagkukwento.

"Eh kuya, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko,  bakit ganyan po ang suot nyo?"

Nabigla ako sa tanong nya, hindi ko kasi alam kung ano isasagot ko, sasabihin ko ba ang totoo? Tumingin muna ako sa mga mata nya at halatang naiinip na ito sa kakahintay ng sagot k- -

"Isa po ba kayong anghel kuya??!!!" Bigla na naman ito nagsalita at ang mga mata nya, napalit ito ng excitement.

Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ko pwedeng aminin kung ano talaga ako kahit ano man mangyari, nasa isa sa mga utos iyon.

Blue EyesWhere stories live. Discover now