Chapter 1

22 2 0
                                    

"Alam mo bang tinago ko to nang ilang buwan!? Pero ngayong nalaman mo na ganyan lang magiging reaksyon mo?!" Tanong ko habang wagas ang agos ng luha mula sa'king mga mata. "Pero... Di ko alam kung ano ang rason kung bakit kita mahal. Well, there's only one thing I know. Nahulog na naman ako sa taong di ako mamahalin. Ang t*nga ng puso ko eh!! Para mahulog sa'yo na alam kong wala akong pag-asa. I'm really sorry that I fell for you. But what more can I do? Nahulog na'ko eh and I fell without no one catching me. Sorry talaga!!" Dagdag ko pagkatapos ay tumakbo palayo sa kaniya habang lumuluha.

Tumakbo ako papuntang classroom para kunin ang aking backpack. Pagkatapos ay lumabas. Naratnan ko siya pero tiningnan ko lamang siya at umalis. Ngunit habang ginagawa ko ang mga 'to wagas na wagas ang pag-agos ng luha mula saking mata.

6 months earlier...

Zac's POV

"Nak!!! Gumising kana!! 5:30 na oh!!" Sigaw ni Mama habang kumakatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Hays si Mama! Eh ang aga-aga pa nga eh!" Sagot ko habang sabay kamot sa ulo habang nakahiga.

"Well it's gonna be your first day at a new school. You wouldn't want to be late, right?!" Sigaw niya ulit nang may boses na nanggagalaiti.

Ay oo nga pala!! It's my first day at school in Monsieur Dela Vega. I really wouldn't want to be late, though kinakabahan ako dahil may mga bagong mukha akong makikita. Dahil kakalipat lng namin ng tirahan. Ewan ko ba kay Mama at Papa kung bakit. Basta sabi daw nila dito sila pinanganak at lumaki kaya dapat dito nalang ako mag-school, hay nako. Pero mas okay narin yon kaysa sa makita ko pa ang taong sinaktan ako. Hays...

A few moments later...

"Ma tapos na'ko sa breakfast ko. Alis na'ko." Sabay beso sa kanyang kaliwang makinis na pisngi. Ang ganda nga talaga ni Mama. Hahahaha! Heto na naman ang kahanginan ko.

Naglakad lang ako papuntang school, 'di naman kasi ganun kalayo ang school eh and I think, wow I 'think' talaga ha?! I do think that I memorize the place already naman eh total 2 months na kami dito.

Nang makarating ako sa gate ng Monsieur Dela Vega. Nahalata ko kaagad ang sobrang laking gate. Gosh! Ano ba ang mga pinapapasok nila dito? Monster trucks? Hahahaha!! Lol!! Pagpasok ko naman ay maraming estudyanteng nagtatawanan, I think these students are freshmen. Halata kasi dahil mukhang mga isip bata pa. Ay bastos! 'Isip bata' talaga? Basta may pagkabata pa naman ang hitsura nila. Pumunta ako sa room ng section ko at umupo sa isang sulok. Nakikita kong nagtatawanan, nagkakasiyahan, at naguusap-usap lahat ng mga kaklase ko. Well habang ako naman ay pinakikinggan nalang ang earphones ko. Nagulat ako ng may babaeng pumunta sa harap ng aking upuan.

"Hi! Transferee ka?" Tanong ng babae habang may napakalawak na ngiti.

"Uhm... Oo." Sagot ko at binigyan rin siya ng matamis na ngiti.

"I'm Andrea Brinevetes pala. And, can we be friends?" Sabi niya at nag-offer ng handshake.

"S-Sure." Nahihiya kong sagot at inaccept ang handshake.

Nagkuwentohan kami ng di rin naman gaanong katagal dahil dumating agad ang aming adviser. Pero nalaman niya nang 'bisexual' ako o kaya naman may tendency na mahulog ako sa isang lalaki. Hindi rin naman niya ito ikinagulat sapagkat di ganoon karami pero meron ng mga katulad ko ang nandito sa section na to.

Dumating ang teacher with a very good smell. Parang isa siyang bulaklak na gusto mong kainin sa sobrang tamis ng kaniyang perfume. "Good morning class!! I am Miss Genieva Von'Schuite. 'Wag niyong itanong kung may lahi ba akong French dahil oo na ang isasagot ko ngayon palang. I'm 1/8 French that my Father is a 1/4 French." Bati niya. Mukhang bata pa naman si ma'am Genieva, she looks like she's in her mid thirties ata. And she has a very beautiful face no wonder maraming nanligaw kay ma'am. Wow! As in marami mukhang ang iba nakapila pa nga sa labas eh. Hahahaha! Pero di pa niya sinagot kahit isa. Ewan ko kung bakit at wag na nating itanong.

"Class, in this school year may bago kayong classmate. He's a transferee from St. Luke's." Pag-announce niya sa klase at tinignan ako. Senyas na kailangan kong pumunta sa harap upang mag-present sa'king sarili. Pumunta ako sa harap.

"Good morning po sa inyong lahat! Ako si Zac Ashnie Nathan Estreje but you can call me Zane..." And then I presented myself normally.

The day just got off gaya ng isang normal na class lang naman. Lunch break na ngayon kaya pumunta kami ni Andrea papuntang canteen para bumili ng lunch namin.

Nang makarating kami. Bumili lang ako ng Burger at isang bottle ng B'lue. I'm not that famished kasi eh. Si Andrea naman bumili talaga ng isang platong kanin at dalawang fried chicken. Wow dalawa talaga! Hanep! Kahit na sing-sexy niya si Pia Wurtzbach eh matakaw pala to sa kainan. Hahahaha!

Lumipas ang ilang minuto at natapos na ang lunch naming dalawa. Habang papunta kami sa classroom, one of our classmate suddenly appeared like OUT OF NOWHERE! Joke! Muntikan lang kasi kami magkabanggaan dahil pagliko niya ay agad niya kaming sinalubong. Magbangga nga naman oh.

"Oh? Andrea, ikaw pala. Pasensya muntikan ko na kayong mabangaan ha?" Paghingi niya ng pasensya habang kinamot yung ulo niya simbolo ng pagkahiya.

"Okay lang 'yon John. Nga pala! Zane this is John Nicolaij Vergara, isa sa mga classmates natin." Sabi ni Andrea na parang ipenepresent si John bilang isang commercial product.

"Ano ba naman 'yan Andrea. Hindi ako isang product okay? And... Hello nga pala Zane!" Sabay alay ng kaniyang kamay. Hayst. Masyadong mga magalang tao rito. Hahahaha! Okay na 'to.

"H-Hi." I said na para bang nahihiya akong magsalita. I took his offer na handshake.

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay agad na kaming pumunta sa classroom dahil ilang minuto nalang magsta-start na ang class. Masaya kaming nagkuwentohan papuntang classroom.

Natapos ang araw na 'to tulad ng isang normal na araw lang naman. Sa ngayon, may tatlo na akong kaibigan sa classroom. Salamat naman meron. Ang hirap mabuhay ng walang kaibigan eh. Hahahaha!

A/N: Hiiiii!!!!😀
This would be my first BoyxBoy na story(in reality wala naman akong stories isang book full of poems lang). Sorry kung may mga typos, and please DON'T copy this. Cause PLAGIARISM IS A SO CALLED CRIME.

Anyways, did you like the first chapter? Siguro di masyado dahil first chapter palang naman. At oo nga pala yung lines na bago ang "6 months earlier..." yun na ang prologue. So, what would you expect in the future? Sino ba ang mystery guy ni Zane? Magkakatuluyan ba sila? Please do answer these in the comments section. I would really like to see your answers and reactions. And do vote as well.

Thank you all for reading this!!😀

Memories TwistedWhere stories live. Discover now