3rd Person's POV
Gumising si Zane na may text message mula kay John.
Zane, pumunta ka sa school ng maaga ngayon. May pag-uusapan tayo.
Napaisip si Zane. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Bulong niya sa kaniyang isipan.
Sige kuya! In what time?
Reply niya rito. Nag-inat muna ito bago bumangon mula sa higaan. Bago niya buksan ang pinto naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya. Isang text message mula kay John.
Any time lang basta not after 6:45 am. Alam ko kasing di ka maagang pumupunta sa school eh. Hehehe! XD
Nanggalaiti si Zane dahil sa reply ni John.
Oh sige po! Though you mocked me -_-
Sagot niya rito. Nang nabuksan niya ang pinto nagulat itong walang kahit anong ingay siyang naririnig mula sa ibaba kaya tinignan niya ang room nina Mama niya ngunit nadatnan niya lamang ang tahimik na silid. Bumaba ito, ngunit katulad ng silid ay walang katao-tao dito at tahimik. Nang pumunta siya sa kitchen nakita niyang may nakalagay na sticky note.
Good morning nak! Sorry kung wala kami ngayon ni Papa mo. Maaga kasi kaming kailangan sa work, sabi daw kasi may aasikasohin kaya kailangan kami. Ginawan nalang kita ng breakfast mo ha, kahit alam ko na kaya mong gumawa ginawan parin kita. Siyempre anak kita eh, and it's my responsibility to take care of you darling dear. Nasa loob ng refrigerator ang breakfast mo.
Ps. Ginawan rin kita ng mango juice.
Love,
Mama<3"Hay nako, si Mama talaga." Sambit niya. Naligo muna siya. Kumanta-kanta pa ito ng kahit anong kantang mapag-isipan niya, at nang makatapos nag-ayos na siya at bumalik sa kitchen. Nang binuksan nito ang ref nakita niyang pancakes ang ginawa ng kaniyang Ina. Yes! Pancakes! Yum! Isip niya. Agad niya itong kinuha pati ang juice. Kukunin niya sana ang strawberry syrup ngunit nang binuksan niya ang drawer nakita niya rin ang ibang flavors na chocolate at maple syrup. Pero kahit na ganoon napili niya parin ang strawberry. Binuhos niya ito na para bang uubosin niya na ang isang bote. Nang makatapos sa pancake ay ininom niya na ang juice at umalis na sa bahay. Habang naglalakad naka-receive siya ng tawag mula kay John.
"Oh, Kuya? Ano na?" Wika ni Zane sa kabilang linya.
"Sa'n ka na ba, ha? Bilisan mo na kasi." Sabi naman ni John.
"Heto nga oh! Naglalakad na! Tumawag ka pa kasi kaya napahinto ako." Paliwanag ni Zane.
"Oh sige sige! Bilisan mo na ha!" At tinapos na ni John ang tawag.
Ilang segundo pagkatapos ng tawag ay may nakita si Zane na batang nalilimos. Nilapitan niya ito.
"Oh. Ito oh, kakailanganin mo yan." Wika ni Zane habang inaabot ang Sampung piso sa bata.
"Salamat po." Sinagot si Zane ng mala-anghel na ngiti ng bata.
"Walang anuman." Isinauli naman ni Zane ang isang napakamasayahing ngiti niya.
Nang malapit na sa gate, nadatnan niya na naghihintay si John sa gate.
"Kuya? Ano ba yun?" Naiiritang wika ni Zane.
"Wala. Gusto ko lang na pumunta ka ng maaga. Alam ko nga kasing di ka pupunta ng maaga! Haha!" Tawa ni John.
"Ugh! Gusto ko pa namang matulog! Sige na nga punta na tayo sa classroom!" Sabi ni Zane habang lumalakad palayo mula kay John.
"Wait lang naman!" Paghihingi ng patience ni John.
Zac's POV
"Ugh! Gusto ko pa namang matulog! Sige na nga punta na tayo sa classroom!" Sabi ko habang lumalakad na palayo mula kay kuya.
"Wait lang naman!" Sigaw niya. Huminto naman ako para hintayin ito.
"Tara na!" Wika niya.
Naglakad kami papuntang classroom. Hayst fourth floor pa yung classroom, at wala pa'ko masiyadong energy. Si kuya kasi eh! Tinawag-tawag pa akong pumunta ng maaga. Nang makarating kami sa classroom, wala akong makitang kahit isang kaklase namin.
"Ikaw lang mag-isa dito kuya?" Tanong ko.
"Hindi nandito na si Maritte. Nakalimutan mo bang nasa kaniya ang susi ng classroom?" Sagot niya. Ay! Oo nga pala! Hehe! One month na'ko dito pero nakalimutan ko pa. Classic Zane.
"Ay oo nga pala! Hehe!" Nahihiya kong sagot. Umupo nalang ako sa upoan ko at hinintay ang ibang kaklase. Na-bore ako kaya't nakiusap ako kay kuya. Mukhang malungkot ata siya ah.
"Kuya? Bakit ka malungkot?" Pagtatanong ko.
"Wala, may iniisip lang ako." Sagot niya.
"Okay? Baka sad ka dahil sobrang cute ko? Huhuhu! Joke lang! Hahaha!" Patawa kong sabi.
"Hahaha! Baliw!" Wika niya habang ginugulo na naman ang aking buhok.
Nang makarating na si Maritte, sinalubong ko ito. Siyempre kaibigan ko rin ito eh. Hehe!
"Maritte!" Sigaw ko habang kumakaway-kaway ng mataas.
"Oh? Zane? Ang aga mo ata?" Naguguluhang tanong niya.
"Si kuya kasi eh!" Sagot ko at tinignan ng masama si kuya.
"Ay! Hahahaha! John, wag mo namang sirain ang tulog ni Zane! Hahahaha!" Tawang-tawa si Maritte.
"Anong oras na ba? Ba't mukhang wala pa ang mga classmates natin?" Tanong ko.
"6:45 palang Zane. Hahaha! Ang aga mo nga masyado eh!"
"Hay nako! Punta nalang ako sa canteen! Makakain nga muna." Sabi ko sabay labas ng room.
Parang nabad-trip ako dahil kay kuya. Argh!!! Gusto ko pa namang matulog. Huhuhu. Bababa nalang nga ako para bumili sa canteen. Mukhang wala talagang tao, room palang namin ang bukas oh.
YOU ARE READING
Memories Twisted
Teen FictionPast may repeat but sometimes it repeats with a twist. Read the story of a boy having a past happened with a twist in the future.