Chapter 3

5 1 0
                                    

Zac's POV

Masyadong maaga ang uwi namin ngayon kaya nagdesisyon kaming pumunta muna sa Jollibee. While we're on our way, napansin kong parang may malalim na iniisip si John. Kaya sinira ko ang katihimikan nito.

"Uy John?! Ba't antahimik mo? Ah... Si Andrea ano?" Pang-aasar ko sa kaniya. "Ay... Grabe ang kakaisip niya kay Andrea oh. Pumupula ka kanina pa ah? Ayiiee." Dagdag ko.

"Ano?! Para kang g*go, di ko masyado iniisip yun!" Sigaw niya. Sa sobrang lakas ng sigaw, nakuha namin ang pansin ng lahat. Lahat sila'y nakatingin samin.

"Okay... Okay... Wag masyadong irritated Mr. Shrubbypants." Paghingi ko ng pasensiya.

"Shrubbypants?" Tanong niya ng nakataas ang kanang kilay.

"Wala. Trip ko lang. You look like a shrub dahil thick na yung buhok mo oh. Hahahaha!" Natatawa kong sabi.

"Oh... Nandito na tayo oh..." Sabi niya sabay bukas ng pintuan ng Jollibee. Wahaw! Gentleman talaga. Hahahaha! Sobrang cute ko kasi kaya di niya maresist.

"Wow! Thank you." Sabay pasok.

Pumili agad ako ng upoan. Yes!! Bakante yung paborito kong pwesto. Nagmadali ako na baka maagawan pa'ko. Opkurs I have to, paborito nga dba.

John's POV

Sobrang bilis niya papunta sa upoan. Yun bang hinabol ng aso. Hahahaha! Lumapit naman ako at inilgay ang bag ko sa katapat niyang upoan.

"Sige ako nalang mag-oorder. Ano bang sa'yo?" Tanong ko.

"Ah... Weyt... Libre na naman ba 'to?" Nahihiyang tanong niya at pinag-cocolide ang bawat dulo ng index finger.

"Pwede naman... Pero... Sa isang condition..." Sabi ko.

"A-Anong condition?" Sabay taas ng isang kilay.

"Pakopyahin mo'ko sa assignments." Sagot ko tapos may masama bang ngiting binigay.

"Sus! Yun lang! O sige sige..." Sabi niya. Natawa pa siya, sobrang talino kasi eh. Yan tuloy easy lng ang assignments sa kaniya. "Fries, burger, coke, at sundae... Pwede?" Dagdag niya.

"Okay... Wait here." Pakindat kong sinabi.

"Sa'n pa ba ako pupunta? Hahahaha!" Nababaliw niyang tawa tapos may pahampak sa hangin effect pa.

Lumayo na ako sa kaniya upang maglinya. Waw! Ang haba sobrang haba~ Teka... Si Andrea ba yun? Oo siya nga! Lapitan nga natin... Pero... Huwag nalang... Mahaba pa kasi ang linya sayang lang kapag pupunta lang ako sa kaniya. Kahit na 'crush' ko siya. Eh ang tiyan ang dadaig eh. Hahahaha! Pudislayp rin kasi ako tulad ni Zane. Ilang minuto nalang oh, ako na.

"What's your order si-" Naputol na sabi ng cashier. Mukhang pamilyar siya. Ah... Estudyante ito mula sa Monsieur Dela Vega. Sh*t, baka tumili 'to. Namumula siya ng tinignan niya ako oh.

"Uhm... Isang spaghetti, isang fries, dalawang burger, dalawang coke at dalawa ring sundae, miss." Sambit ko. Tagal kasi niya magsalita eh.

"Uh... O-Okay sir..." Bilis niyang nilagay ang order at naghintay rin naman ako.

Ilang minuto ang nakalipas...

Pumunta na ako sa puwesto namin. Mukhang na-bore na si Zane dahil sobrang tagal ko. Sinalubong niya ako ng mga masususngit na kilay.

"Tagal ha! Ano bang nangyare? Dahil ba nakita mo si Andrea?" Sabi niya na may nanunuyong tono.

"H-Huh? U-Uh... Hindi noh!" Galit kong sabi sabay punta sa aking upuan.

"Joke lang wag kang ano, Mr. Shrubbypants." Nakakairitang sabi nito.

"Ughhhhhh!" I groaned. Naiinis na'ko sa ginagawa niya.

Masyadong tahimik ang kainan naming dalawa. Nakatingin ako sa paligid upang tignan kong nandiyan pa ba si Andrea.

"So... Bakit ang lalim ba ng iniisip mo kanin?" Nakakagulat nitong tanong.

"Uhm... Ewan ko nga rin eh. Yun bang may iniisip ako pero nakalimutan ko agad." Sagot ko. "Kasalanan mo kasi. Ginulat mo'ko! Yun tuloy, I forgot what I was thinking." Patama kong sabi.

"Eh... Antahimik kasi natin kanina eh. Hihihi. Sorry." Pagpatawad niya sabay pakita ng peace sign.

"Hayaan mo nalang 'yon. Di naman ata yun importante eh." Kinuha ko agad ang burger ko at kinagatan.

Ilang minuto rin matapos ang kain niya. Rami inorder eh, yan tuloy. Naglakad nalang kami pauwi dahil malapit lang naman ang bawat bahay namin dito.

Nagulat ako nang siniko ni Zane ang balikat ko.

"Uy! Oh!" Sabi niya at tinuro ang isang direksiyon gamit ang kaniyang labi. Nakita ko si Andrea. Kumaway lang ako sa ere na para bang balewala siya sakin.

"Wow, anu yun? Wala kang paki sa kaniya?" Tanong nito.

"Cruss ko lang naman siya and nothing more." Habang nakatingin sa langit kong pagsabi.

"Edi wow! Hahahaha!" Tawa nito.

Hinatid ko muna siya bago ako umuwi. Ewan ko ba kung bakit ko 'to laging ginagawa, dahil siguro malapit na 'tong baliw na'to sakin.

"Oh. Bahay na namin 'to. Mag-ingat ka ha?" Pag-alala nito.

"Ako paba?" Sabi ko sabay pogi sign.

"Mews. Baliw! Lumayas ka na nga rito. Hahahaha!" Natatawa niyang sabi.

"Sige na po!"

"Teka lang John! Kailangan mong makuha 'to sa akin, isang regalo." Sabi nito sabay yakap sakin.

"Salamat..." Sabi niya sa'king taenga. "Sa paglibre mo sakin." Dagdag niya.

"Hay nako! Wala 'yon!" Pagmalake ko sa kaniya.

"Next time ako naman... Pwede?" Sabi niya naman pero di parin umaalis sa pagkahigpit-higpit niyang yakap.

"Oo... Pwede pwede... Teka ngalang nasasakal na'ko."

"Ay... Sorry... Hehehe." Sabi nito.

"Sige... Bye..." Wika nito sabay kaway sa ere. Senyas ng pagpapaalam.

"Bye." Kumaway rin ako ng mataas at may pagkalakas.

Umalis na nga ako't nag-ingat. Kahit kasi maraming tao kailangan ko paring mag-ingat. Dumating naman ako sa bahay safe and sound.

"Hi Baby! Did you have a great time at school?" Bati ni Mommy tsaka nagkiss sa'king cheeks.

"Yes, mom. Parang may mangyayaring masama sakin. Hahahaha!"

"Hay nako, anak. I'm your Mom that's my work. To take care of my first son and the rest of the family." Sabi niya ulit.

"Okay, mom. Okay... So? What's for dinner?" Sabay pagbasa ko sa'king labi gamit ang dila at pinagra-rub ang dalawang kamay.

"Pwes, ano pa bang paborito niyong lutuin ko. Edi ang home made fried chicken ko." Sabay hair flip niya.

"Yes!! Masarap 'to!!" Then I hopped na para bang isang bunny. Isip bata mode na naman. Well, nasa bahay naman ako... So why not? Haha! The day ended with lots and lots of smile. Nakareceive ako ng text message mula kay Zane.

Zane

Psssssssstttttttt! Wala lang. Kinukulit lang kita. Hahahaha!

Sabi nito. Hay nako, makulit talaga siya. Siya ang nagpapa-smile sa'kin kung nalulungkot ako. Isa nga siyang tunay na kaibigan kahit na ilang buwan palang ang aming friendship. Swerte ako sa kaniya.

Memories TwistedWhere stories live. Discover now