Chapter 2

8 1 0
                                        

Zac's POV

Isang buwan na ako sa Monsieur Dela Vega. Ang unang buwan ko ay sadyang full of fun dahil marami kaming activities na ginawa bago matapos ang June. Sabi kasi nila ginagawa ito every first month of the school year.

Nagkaroon kami ng competition by section and grade. Yun bang parang may pageant na ginawa. Hahahaha! Ang pambato namin ay si John. Siya lang kasi ay may kataasan at abilidad upang makasali. Although cute naman ako sana ako nalang ang sumali. Hahahaha! Hangin sa ulo activated! Tapos ang nanalo naman sa pageant ay... Siyempre sino pa ba? Eh sobra ang pagkagwapo ni John eh. Siya ata ang heartthrob ng grade 9. Well, masasabi ko rin naman gwapo siya. Dahil sa kaniyang walang bahid ng pimples na mukha, kissable lips, at dreamy eyes. Wahaw! Gosh! Kaibigan ko ang heartthrob ng school! Ngews. Marami ang nagtilian sa pageant nun eh.

Flashback...

"Aaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!" Tili ng isang babaeng parang nauubusan na ng hininga.

"John Nicolaij!! Why so gwapo?!?!!" Sigaw naman ng isang babaeng parang nawawala na sa sarili.

"A-Andrea? Ba't ganito sila makareact kay John?" Tanong ko sa katabi kong si Andrea.

"Ah... Kasi si John ang ikalawa sa mga heartthrob sa school. Kaya ganiyan makareact. Akala mo ba naman may pumapatay na. Hahahaha!" Sagot ni Andrea na sobrang natatawa dahil sa mga babaeng naghihiyawan at nagtitilian.

"Huh? Siya? Heartthrob? Hahahaha! Di naman kagwapohan ah. Ba't siya naging heartthrob?! Hahahaha! O sige sige. Aalis muna ako bibili lang ng maiinom natin. I'm really thirsty!" Sabi ko tapos pinalabas ang dila na para bang zombie at umalis papuntang canteen.

End of flashback...

Hahahaha! Akalain mo ang parang gunggung kong kaibigan na nagpapaka-gunggung lang pag ako ang kasama, heartthrob pala!? Hay, swerte sa nabingwit. Di ko aakalain na ganon pala siya kasikat rito. Buti na ngalang di ako nahulog sa kaniya o baka masira pa ang image niya.

Ngayon, kaming dalawa ay nasa canteen. Maglalunch na kami dahil tapos na ang klase. Maghihiwalay sana ako sa kaniya nang naramdaman kong biglang niyang kinuha ang aking kamay.

"Oh? John, bakit?" Tanong ko nang nakataas ang isang kilay.

"Uh... Uh... Wala. Pili ka na ng bibilhin mo libre kita." Sagot niya habang nakangiti, yun bang parang may masamang balak. Hahahaha! Ewan ko ba diyan.

Agad naman akong pumili. Ngayon bumili, este binilhan niya ako ng French Fries, may burger, Ice cream na strawberry flavor, at isang mango mini cake siyempre di mawawala ang beverage na isang bottle ng Coke lang naman. Akalain mo? Linibre ako. Swerte ko!! Kaibigan ko na nga ang heartthrob, linilibre niya pa ako. Yaz!! I like my life here.

Siya naman ay bumili lang ng mga simpleng pagkain tulad ba ng binili ni Andrea kahapon. Kanin, fried chicken at isang bottle ng tubig.

Umupo kami malapit sa mga magagandang bulaklak. Nagulat ako ng nag ala gentleman siya sakin. Kaya pala naging heartthrob, ang galang pa.

Nahiya akong umpisahan ang usapan sapagkat wala pa kami masyadong paguusapan. Nagulat na lamang ako ng may itinanong siya sa akin.

"Zane? May 'crush' ka na ba sa classroom natin?" Tanong niya at ininom ang tubig.

"Uh... I think not..." Sagot ko with a bit of shyness.

"Huh? G-Ganon ba? Pero..." Naputol niyang sinabi ng tumingin siya sa ilalim.

"Pero ano? John? May 'crush' ka ba sa room?" Tanong ko naman tapos kinain ang mango mini cake. Ansarap!! Antamis!! Ughhhh... Food is layf talaga!! Naisip ko.

"Uh... Uh... Oo eh... S-Si..." Putol putol niyang sabi. Hay nako! Ano ba 'to? Heartthrob pero nahihiya pa? Hayst.

"Sino?" Tanong ko.

"Si... Si Andrea." Sagot niya sa wakas.

"Ahhh... Well, maganda rin naman siya. Tas kahit na matakaw sexy parin. Maganda ang pinili mo John!" Sabi ko in excitement at pumalakpak.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na kami. Pumunta kami sa room at nakitang papunta sa aming direksiyon si Andrea.

"Ayieeeee..." Sabi ko sa kaniya at tinapik ang balikat. He just answered with a shy smile. Hay nako talaga John!! Heartthrob ka pa naman!!

"Oh, hey guys!" Bati samin ni Andrea. Maganda nga siya lalo na't pag ngumingiti.

"Hi Andrea!!" Bati ko rin ang nakipag-apir sa kaniya.

"Punta na kayo sa classroom, bilis! Any moment by now nandiyan na si teacher." Payo niya samin.

"Baka hintayin ka pa ni John. Diba John?" Pangungulit ko kay John.

"U-Uhm... Baka wag na. Nandiyan na mamaya si teacher eh. Halika na nga!" Naiinis niyang sabi at kinuha ang aking braso.

"Bye, Andrea!" Sabi ko habang hinahatak ako palayo ni John.

Natatawa ako dahil heartthrob pero nahihiya sa crush niya. Hahahaha! Pag-ibig nga naman oh.

Nang makarating kami sa classroom. Agad kaming umupo sa assigned seats namin. Nagkataon namang magkatabi kami ni Andrea. Kaya hinintay ko nalang siya na dumating para makahingi ng ballpen. Hay, nawala na naman ang isa. Sino ba kasi kumukuha dito?! Naiinis na'ko ha! Nang dumating si Andrea agad ko siyang sinalubong na para bang may emergency.

"Andrea! Andrea! Andrea!" Mabilis kong pagsabi habang lumalapit sa kaniya.

"Oh? Ano 'yon Zane?" Tanong niya ng para bang nag-aalala na.

"Pahiram ballpen." Sagot ko.

"Huh?!" She grimaced. Nairita ata siya dahil sa joke ko. Hahahaha!

"At baka hiramin rin ni John ang puso mo?" Sabi ko habang nakatingin kay John na di naman kalayuan mula saming kinatatayuan.

"Anu 'yon Zane?!" Naiirita niyang sabi.

"Wala John. Sabi ko ang cute ko." Hahahaha! Naiirita na siya.

Ilang minuto matapos ibigay ni Andrea ang ballpen ay dumating ang teacher. Gaya ng ibang araw natapos ito ng may dalang 'fun' sa buhay. Hahahaha! It's fun when I annoy John.

Sabay kaming umuwi ni John at pumunta muna sa Jollibee bago pumunta sa aking bahay...

A/N: Hi po!!
Yeah, the next chapter dun ko ilalagay ang conversation nilang dalawa habang pauwi.

And... Nagustuhan niyo po ba? Sana naman oo. Nagpupuyat pa naman ako para lang dito. Hahahaha! Lol.

Guys once again sasabihin ko. Please leave a comment and please do vote. I would really appreciate it.

Thanks for reading!! I hope you Enjoy it!😀

Memories TwistedWhere stories live. Discover now