Zac's POV
Pagkalabas ko sa classroom sadyang katahimikan ang bumungad sa'kin. Mukhang walang kahit isang classroom ang bukas. Ang aga pa kasi eh. Tinawag pa'ko ni kuya para pumunta ng maaga yun pala wala naman. Mwesiyt!! Gusto ko pang magpatagal sa bahay eh! Nako! Kahit dito sa Second floor wala parin? Mukhang kami pa lang ang bukas na classroom. Ni kahit isang estudyante wala akong nakikita. Kahit dito sa Ground floor. Sa canteen kaya? May tao na kaya dun? Naglakad-lakad ako papuntang canteen. Huhu! Wala ring tao, walang kahit isang tindahan ang bukas. Nagtungo nalang ako papuntang classroom. Nasalubong ko si Henrie. Isa sa mga classmates ko, at... Well... Crush ko. Haha! Lol! Lalakad kami sabay ni crush papuntang classroom? Whoa? Hehe! Hindi ko sinabi kay kuya John na crush ko 'to baka kasi mapagtripan niya pa ako.
"Oh, good morning Zane!" Bati niya sa'kin dala ang nakakaakit na ngiti.
"Good talaga ang morning ko. Hehe!" Wika ko.
"Lika na! Akyat na tayo papuntang classroom." Aniya.
"Sige! Total mukhang wala namang bukas na canteen." Wika ko't pumunta sa kaniyang tabi.
Habang naglalakad, as usual wala akong masabi "speechless" kung baga. Pero nang makarating sa second floor ay may naitanong ako sa kaniya.
"Uhm... Henrie? Ba't ata hindi maaga yung dating mo ngayon?" Tanong ko habang nakatingin sa malayo.
"Maaga pa ah. Nauna ka lang kaya sa'kin kaya tingin mo nahuli ang aking rating. Hahaha!" Tawa niya. Shemays!! Ang gwapo niya kapag tumatawa. Hehe!
"Ay oo nga pala. Hehe! Sorry!" Nahihiya kong wika sabay peace sign.
"Bakit nga pala ang aga mo ngayon?" Tanong niya naman sa'kin.
"Si kuya John kasi eh!" Sabay ang bakas ng pagkagalit sa'king mukha.
"Eh? Ano naman ang kasalanan niya?" Tanong niya ulit.
"Papuntahin ba naman ako sa school ng maaga! Eh gusto ko pang magpatagal sa bahay! Sabi niya kasi may kailangan kaming pag-usapan." Wika ko.
"Okay... Pero bakit mo naman sinunod?"
"Siyempre sabi niya may pag-uusapan kami."
"Hayaan mo na nga yang si John. Ganiyan lang talaga siya sa mga taong mahal niya. Lalo na't kaibigan ka niya. Makulit ka, tsaka makulit siya. Perfect couple! Haha!" Pang-aasar niya.
"Ano?! Wengya ka Henrie! Di ko siya type noh!" Sabay tulak sa kaniya.
"Sus! Pakipot ka pa eh! Hahaha!" Pang-aasa pa niya.
"Hay nako! Ewan ko sa'yo!" Nanggagalaiti kong wika.
"Oi... Sorry na oh. Inaasar lang naman kita eh." Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot.
"Nako... Okay lang hehe! Wag mo kasi akong asarin Henrie. Di ko gusto ang pag-asar sa'kin na may gusto ako sa isang tao."
"Sige... Bilisan na nga natin mukhang ilang minuto na tayo dito sa second floor eh. Nag-momoment tayo, haha!" Pang-aasar niya ulit.
"Okay lang naman! Basta ikaw! Lol! Hahaha!" Pagpapahalata ko sa kaniya.
"Hahaha!" Sabay naming tawa.
Nagmadali kaming pumunta sa itaas. Baka kasi nandiyan na ang teacher. Pero wala pa, pagdating namin sa room nagulat kaming may nanukso sa'ming dalawa.
"Ayieeeee!! May nagkaka-developan! Haha!" Pang-asar ni Starlight. Ang matchmaker ng room namin.
"Nako! Tigil-tigilan mo nga ako Starlight!" Sabay turo sa kaniya na para bang nag-wawarning.
"Okay lang! Bagay naman tayo Zane eh!" Pagsang-ayon ni Henrie kay Starlight. Agad niya naman ako inakbayan na para bang may kami.
Di ko na namasdang namula ang aking mga pisngi. Kinuha ko ang brasong naka-akbay sa'kin.
"Nako Henrie! Wag ako okay?! Di ako ready sa mga relasyong yan!" Galit kong wika.
"Sorry naman Darling Zane. Sorry na." Niyakap niya pa'ko.
"Aba'y... May nalalaman ka pang yakap ha! Alis!! Ginagalit mo'ko eh!" Wika ko pa habang nagpupumiglas sa kaniya.
"Sige na nga... Basta ako na ang nakalaan diyan sa puso mo ha. Liligawan pa kita..." Sabay halik niya sa'king pisngi.
Agad naman akong pumunta sa'king upoan ngunit pumupula parin pala ang aking mga pisngi. Nang matapos ang klase agad akong nilapitan ni kuya.
"Ayieeeee! Si Henrie pala ah! Haha!" Pang-aasar niya rin sa akin.
"Pati ba naman ikaw kuya?! Halika na lang nga sa canteen mag-lunch na tayo!" Wika ko. Pati ba naman si kuya?! Waaaaah!!!! Naiinis na'ko ha! Kahit crush ko siya, gaganiyanin niya'ko?! Wengya.
A/N: Yow Guyzz!!! Lame Updates right? Sarreh lang guyz. Newbie lang ako sa paggawa ng stories eh. Hehe 😅
So, what do you think about this update? Pakipot pa si Zane eh! Hahaha! Sa tingin niyo? Magkakatuluyan ba sila? O may iba pa bang nagmamahal kay Zane? And who do you think is the person that likes Zane pero di niya lang sinasabi? Wahaha! Have fun reading...
-louizichan
YOU ARE READING
Memories Twisted
Teen FictionPast may repeat but sometimes it repeats with a twist. Read the story of a boy having a past happened with a twist in the future.