Chapter 7

5 1 0
                                    

John's POV

"Ayieeeee! Si Henrie pala ah! Haha!" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Pati ba naman ikaw kuya?! Halika na nga lang sa canteen mag-lunch na tayo!" Naiirita niyang wika na may padabog effect pa.

Naiirita na siya. Haha! Revenge ko to.

"Di mo man lang sinabing siya pala ang mahal mo? Haha!" Natatawa kong sabi habang hinahabol siya pababa sa first floor.

"Pwede ba mamaya nalang natin 'to pag-usapan?" Natigil siya at tinignan ako.

"Okay!" Sabay bigay ng okay sign.

Nang makarating kami sa canteen at naka-order na. Napaupo kami sa isang lamesa sa sulok upang mag-usap.

"Oi! May feelings ka ba talaga kay Henrie?" Wika ko habang sinusubo ang isang kutsarang kanin.

"Well..." Pinag-cocolide niya ang dalawang hintuturo niya. Wow! Nahihiya! Ibig sabihin totoo? "Well, crush ko siya. Wala pa'kong feelings okay? Crush ko palang siya kuya wag ka namang ano." Dagdag niya.

"Ah... Ah... Okay! Hahaha!" Pautal-utal na masayang wika ko. Naweweirdohan ba naman haha!

"Kuya, keep this as a secret ha? Please?" Paghihingi niya ng favor.

"Oo ba! Ba't naman hindi? Teka... Si... Henrie palapit sa'tin oh!" Sabay turo ko kay Henrie.

Agad niya namang tinignan kung siya nga. Nang nakita niya ito agad siyang umirap ng tingin. Ngunit, nagkasalubong ang kanilang tingin, biglang napangiti si Henrie. Mukhang may gusto nga talaga si Henrie kay Zane. Lumapit ito sa amin at umupo sa tabi ni Zane.

"Hi! Zane, pwede bang umupo sa tabi mo?" Tanong nito.

"A-Uh... Oo naman! Ba't ba hindi? Hehe!" Nahihiyang sagot ni Zane.

"Ehem ehem!" Sabi ko na para bang nabilaukan.

Tinignan lang ako ng masama ni Zane. Haha! Naasar na talaga tong baliw oh.

Tahimik lang ang kainan namin hanggang sa binasag ko ito.

"Uhm... Henrie? Totoo bang mahal mo tong baliw na 'to?" Tanong ko kay Henrie at tinuturo pa si Zane gamit ang kutsara.

"Yes! Pero... Parang ayaw niya ata sa'kin... Kaya liligawan ko nalang... Zane... Pwede ba?" Tanong niya kay Zane.

"H-Huh? A-Ano?" Pautal-utal na wika ni Zane. Yun bang parang kakaalis lang sa pagiging tulala.

"Pwede bang ligawan kita? Mahal ko?" Tanong ulit ni Henrie.

"Anong mahal mo?! Di mo pa nga ako kilala eh. Pero... Pwede ring ligawan mo'ko." Sagot ni Zane.

"Yes! Yes! Payag siyang liga-" Naputol ang pagsigaw ni Henrie dahil tinakpan ni Zane ang kaniyang bunganga at pinaupo ito.

"So yan ba ang umpisa ng panliligaw mo? Minus points na yan eh." Babala ni Zane.

"Sorry naman mahal." Simangot ni Henrie.

"Okay lang."

"Oh sige! Aalis na'ko! Haha! Maglakad-lakad muna kayong dalawa. Lovebirds! Haha!" Sabi at umalis.

Zac's POV

"Teka nga lang kuya! Iiwan mo'ko dito?!" Pagtatanong ko kay Kuya.

"Eh... Aalagaan ka naman ni Henrie diba? Henrie?" Tanong ni kuya.

"Uhm... Yes sir! Aalagaan ko po siya. Leave him to me." Sabi naman ni Henrie sabay saludo pa. Ano ba 'to?! Si crush niligawan ako?! Mwesiyt! Pero... Well... Again... Swerte na naman ako. Waw ha!

Memories TwistedWhere stories live. Discover now