CHAPTER 32
Travis POV : nag flashback lahat sakin ang lahat ng nangyari.. kung saan nag umpisa ang paghiwalay naming mag kapatid ..
FLASHBACK:
KURT ! sigaw ko pero patuloy parin itong tumatakbo palayo sakin..
Kuya! ilang ulit ko siyang tinatawag pero parang wala pa rin siyang naririnig ..
I was 16 years old and kurt is 17years old ..
Kanina pa kami naghahabulang dalawa habang malakas na bumabagsak ang ulan ..
Kuya !!! sa pagkakataong ito nahawakan ko na siya sa braso..
Kuya! Ano bang problema ha ?!
It was my fault travis my fault !! sigaw nito
Bakit mo naman sisisihin ang sarili mo ? Hindi mo kasalanan kuya , walang may gusto ng nangyari ..
No !! Travis listen .. it's all my fault namatay sila dahil sakin .. kasalan kong lahat ! Kung hindi ko sila pinilit na pumunta sa restaurant na yun hindi sana sila nabaril .. kasalanan kong lahat ..
Kurt ! Kuya ! Ilang beses ko nang sinabi sayo na hindi mo kasalanan .. hindi mo kasalanang namatay si dad and mom kasalanan ng bumaril sa kanila .. yung kalaban nila sa business yun yung may kasalan hindi ikaw , sila yung bumaril at hindi ikaw .. kaya kuya plz lang umuwi ka na .. mag kakasakit ka sa ginagawa mo ! Sa tingin mo ba magugustuhan to ni na mom at dad kapag nakikita ka nilang ganito ? Ganito tayo?!
Pero imbis na makinig to sakin ... umiling iling lang to na parang buong buo na ang desisyon niya kung ano man ang iniisip niya ..
I have to revenge travis .. ipaghihigante ko sina mom at dad sa pagkamatay nila .. hindi ko hahayaang hindi mabibigyan ng hustisiya ang pagkamatay nila .. pangako babalikan kita ..
Tumakbo na ito ng mabilis at hindi ko na siya nasundan pa ..
Iyak ako ng iyak nung mga panahong yun .. i was weak that time .. hindi ko alam kong anong gagawin ko .. naligaw narin ako hindi ko alam kung saang lugar ako napadpad sa paghahanap kay kuya .. hanggang sa makita ako ng pinunong nasa itaas at pinatuloy sa bahay niya pero may kapalit lahat ng pagtulong niya sakin .. yun ay ang pamunuan ang gang na sinimulan niyang binuo pero hindi niya alam kong paano ihandle .. ako ang namuno dito sa loob ng apat na taon at hanggang ngayon nasa taas parin ito .. kahit kailan hindi ko nakita ang mukha ni pinunong nasa itaas lalo na ang pangalan nito , magaling itong mag tago ng mga informations sa kanya kaya nahihirapan akong alamin kong sino ang lalaking sa likod ng maskarang ito .. hanggang sa inutusan niya akong patayin si Azikiel .. dun ko na nakita ang kapatid ko .. nung mga panahong sinundan ko si azikiel.. gusto ko siyang lapitan .. yakapin kamustahin pero hindi ko magawa .. naiinis ako sa sarili ko kaya hindi nalang ako nag pakita sa kanya pero pinaghahawakan ko parin yung pangako niyang babalikan niya ako kahit apat na taon na ang nakalipas ..
END OF FLASHBACK ..
BINABASA MO ANG
The Pretending Nerd Loves The Fearless Girl.. (COMPLETED)
ActionAno bang hindi mo naiintindihan sa salitang "HINDI KITA GUSTO ?" tanong ko sa lalaking Nerd na parati nalang akong sinusundan at sinasabayan .. Umiling lang ito at yumuko .. "PWEDE BA ?! SUMAGOT KA ! sigaw ko sa kanya . Pinagtitinginan na kami ng m...