CHAPTER 16 :
AZIKIEL POV : Sh!t !! sigaw ko at mabilis na tumambling para pilipitin ang leeg ng lalaki ..
Nabitawan nito ang kutsilyong hawak at sinipa ko naman ang isa sa mukha, kaya naalis ang hawak nito kay nerd ..
Hinila ko agad si nerd at sumakay na sa motor ko ..
Mabilis ang pagpapatakbo ko , kaya iniisip ko na baka sumuka si nerd pagnakababa na kami ng motor .. pero mali ang akala ko ..
Bumaba ito ng motor ko na parang Wala lang sa kanya ,.
Kumunot ang noo ko ..
"Ok ka lang ba ? Tanong niya
Sakanya pa nanggaling yun ? Dapat nga ako mag tanong sa kanya non ..
"Hoy !ikaw! Bakit ka nandon ha ?! Alam mo bang delikado ang dadaan sa hindi mataong lugar nang isang katulad mo ! Baka mapagtripan ka lang kapag nakita ka ng mga basag ulo na nandun !! galit na sigaw ko sa kanya pero tiningnan lang ako nito ..
"O , ano ? Pwede ka nang umalis ..
naiinis na iniwan ko na ito at dumiretso sa dulo ng kagubatan .. bakit kasi dito ko pa naisipang pumunta ..Napamura ako ng mapansin ang sign ng kalaban ..
Teritoryo pala nila to at dito ko pa naisipang pumunta !!
Bumalik ako sa kinatatayuan ni nerd ..
Kumunot naman ang noo nito ..
Sumakay na ako sa motor ko .. "ano pang hinihintay mo sakay na .. utos ko
Pero isa na namang nagtatakang tingin ang isinagot nito sakin ..
Nakita ko na ang mga kalaban na tumatakbo palapit samin..
"Sh!T kung ayaw mong sumakay !! Aalis na ako !! Inis na sabi ko kay nerd ..
Napatingin naman siya sa mga nag tatakbohang mga lalaki ..
"Stay ! Sabi niya sakin
"Huh? Nasisiraan ka na ba ?! Sigaw ko
"Kung gusto mong mamatay ikaw lang ang mag stay dito ! At wag mo na akong idamay !! "Ipapandar ko na sana ang motor ko ng may tumapon ng patalim sa tire nito kaya halos iuntog ko na ang ulo ko sa manebila at paulit-ulit na napapamura..
Mabilis akong bumaba ng motor at hinarap ang mga kalaban madiin kong ipinikit ang mata ko at sinamaan ng tingin si nerd na kalmado lang na nakaharap sa mga kalaban ..
Binilang ko sila at nasa labing walo sila ..
I curse again and again .. wala akong laban sa kanila , bukod sa wala na akong armas , mas double ang katawan nila sakin .. tiningnan ko naman ang kasama ko at based ko sa kanyang pagkatao , hindi to marunong lumaban , bukod sa ang laki ng nerd glass sa mata wala na siyang ibang ginawa kundi ang yumuko .. pero himala ata at hindi siya nakayuko ngayon ..
Susugudin ko na sana ang mga kalaban ng bigla nalang silang nagtakbuhan ..
Napatawa naman ako .. "duwag naman pala sila eh .. susugod palang ako nag takbohan na ! Hahah.. ganun na ba ako ka cool na matakot agad sila ha ? Ibinalaing ko ang tingin kay nerd .. pero nakita ko ito na humihikab at naka sandal sa motor ko ..
"Hoy ! Pasalamat ka sakin at iniligtas na naman kita sa pangalawang beses .. kinuha ko yung cellphone ko para makaalis na dito at baka nagtawag lang yung mga unggoy na yun ng mga kasama nila at napamura ulit ako ng makitang lowbat ito ..
"Hoy ! Nerd ! Pahiram ng cellphone mo .. sabi ko
Kinapa nito ang bulsa niya at tamad na tumingin sakin .. " wala eh, naiwan ko .. nagkibit balikat pa to na akala mo walang kwenta ang hinihiram ko ..
Napasapak naman ako sa hangin .. "kung minamalas ka nga naman o !! Sigaw ko
At naglakad na .. bahala na siya sa buhay niya ..
BINABASA MO ANG
The Pretending Nerd Loves The Fearless Girl.. (COMPLETED)
ActionAno bang hindi mo naiintindihan sa salitang "HINDI KITA GUSTO ?" tanong ko sa lalaking Nerd na parati nalang akong sinusundan at sinasabayan .. Umiling lang ito at yumuko .. "PWEDE BA ?! SUMAGOT KA ! sigaw ko sa kanya . Pinagtitinginan na kami ng m...