Sophia's Point of view
"Hey Sophia ! Stop crying, you can never go at the other side of those walls." I said, reminding myself while wiping my tears. When would I experience life outside these walls? Bakit kailangan kong magdusa ng ganito kung wala naman akong masamang ginawa? I just couldn't get the point, bakit kailangan kong masaktan sa sariling kagagawan ng mga magulang ko? Yes, my parents, sila mismo ang nagpapahirap saakin.
"Are they really my parents?" ang tanong na hindi ko dapat tinatanong sa sarili ko. I have no right to think that way, but, I just can't help it. Paano nila nagagawa sa sarili nilang anak ang ganito? I don't deserve to have this kind of life. How could they stomach seeing their own child suffering? I've never had friends, I haven't experienced playing dolls with kids before and could not even remember 'playing' with my parents. Kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung mag isip ako ng ganong mga bagay tungkol sa kanila, pero bakit ganon, hindi ko parin sila kayang kasuklaman?
"Hoy Sophia! lumabas ka na dyan at kakain na! Bilisan mo kung ayaw mong kaladkarin pa kita pababa!" A maid shouted angrily. They are not the typical maids na napapanood ko sa T.V, mga kasambahay na nagpapakumbaba sa mga amo nila. They will receive a punishment if they choose to do so. Mga magulang ko lang ang sinusunod nila, hindi rin sila basta basta dahil kaya nilang protektahan ang mga sarili nila, they won't be here for nothing.
"Your parents are waiting sumunod kana!" pahabol pa nito. Nagpunas muna ako ng mga luha bago magpasyang lumabas, mahirap na baka ang aking ina ang pumunta dito at bigla nalang akong hagisan ng kutsilyo.Malapit na ako sa hapagkainan at tanaw kong kumakain na sila. Kailan ba ako masasanay, kahit kailan hindi nila ako inantay bago magsimula katulad ng mga pamilyang napapanood at nababasa ko. May ibinato sa akin ang ina ko kaya bahagya kong itinabingi pakaliwa ang leeg ko bago pa man ako matamaan nito, a bread knife. I stared at her innocently, ano na naman ang nagawa ko. "Alam na alam mo na ayaw ko ng pinag-aantay, Sophia." Sabi nito sa malamig na paraan. Inantay pa pala nila ako sa lagay na 'yon. I composed myself bago umupo sa tabi nito. "I'm sorry."
Naipaglagay na ako ng pagkain kaya magsisimula narin sana akong kumain ng bigla ulit siyang magsalita "Who gave you the permission to eat at gigilitan ko ang leeg?" What am I doing here kung hindi lang din naman nila ako pakakainin. Tumayo ako at aalis na sana ng hinigit nya ako paharap sa kanya kasabay ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking pisngi "At sino ang nagsabi saiyong umalis ka?" sabi nito kasabay ng pagpapaupo nya saakin ng pwersahan, tinignan ko lang siya ng diretso sa mata before diverting my attention to my father na patuloy lang na kumakain.
"Now, eat!... I said EAT!!" kinapitan nito ang panga ko ng makitang wala akong balak na kumain at marahas na sinubuan. Tinabig ko ang mga kamay nya at saka tumayo, "Enough! Nasasaktan na ako!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses. Isa na namang sampal ang ginawad nito saakin, ngunit hindi ko man lang ito ininda. Siguro'y nasanay na sa halos araw araw na pananakit nito.
"Pinagtataasan mo na ako ng boses?" I am hurt, masakit na makitang ganito ang trato saiyo ng sarili mong mga magulang. Kailan ko mararamdaman ang pagmamahal nila para sa kanilang anak?
"I want freedom" Mahinang tugon ko dito sapat lang para marinig nilang dalawa. "WHAT?!! FREEDOM?" sabi nito sa hindi makapaniwalang tono sabay halakhak ng malakas "HAHAHAHAHA---FREEDOM?" matapos niya itong sabihin ay malakas na sipa ang tumama sa aking tagiliran mula sa kanya kaya napaupo ako sa pagkagulat. "W-why?" hindi makapaniwalang sabi ko dito.
"B-BAKIT HINDI NIYO MAIBIGAY ANG KALAYAAN NA HINIHINGI KO?! I WANT TO BE FREE!" Kasabay ng paglakas ng aking boses ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigil, ngunit hindi man lang mababakasan ng awa ang kanilang mga mukha.
"I will kill you first bago ka pa man makaalis." "N-no, why are you doing this to me?." tumayo ako mula sa pagkakabagsak ko kanina at tinitigan siya sa mata.
"Mamamatay ka muna bago ka makatakas sa poder ko, tandaan mo yan Sophia!"
"B-bakit? anong kasalanan ko para gawin nyo sakin to! TELL ME, WHY??!!!" nilapitan ko pa siya at kinapitan sa magkabilang balikat. "pabayaan nyo nalang akong mamatay kung di ko rin naman mararanasang maging malaya. " pahina ng pahinang tugon ko dito.
"O tapos kana ba? pwede mo narin ba akong bitawan?" hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya habang patuloy na lumuluha. Paano nila nagagawa saakin ito?
BINABASA MO ANG
THE MURDERER: Mistaken Identity
ActionThis story is about a girl who's been trapped at the mansion of Aerofleux for 22 years with nowhere to go. Her life was a nightmare inside the mansion as she experienced horrific pain on the hands of her own parents--but never once tried to commit s...