Murder 3

76 6 0
                                    

Sophia's Point of view

N-no, h-hindi maaari. Hindi ko kayang kumitil ng buhay lalo na't wala silang ginagawang masama saakin, at lalong hindi sila pwedeng mamatay ng dahil lang sa nakagawa sila ng kasalanan. There is no person that has never sinned, k-kaya paano nila nasisikmura ang pumatay ng walang pag aalinlangan?

"Sophia!" I looked back at him. "I c-cant..." Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nakalapit na ito sakin at bigla akong sinikmuraan. *ackkk* Napaupo ako't namilipit sa sakit. Nakita ko rin ang dugong pumatak sa sahig mula sa aking bibig.

"Ano ang mahirap sa pinapagawa ko?" Halos pasigaw na sabi nito kaya napatingala ako para tignan siya na dapat ay hindi ko ginawa, dahil isang sapok ang natanggap ko dito kaya nasubsob ako sa sahig. I can taste my own blood now.

"They've made a huge mistake and they committed serious crimes!!! Kaya ano ang kitatakot mo?!!" Dumagundong ang boses nito kasabay ng sunod sunod na putok ng baril mula sakanya na nagpabasag sa ibang mga gamit dito.

"WALA SILANG KASALANAN SAAKIN DAD!" sabi ko dito ng lumuluha at nagpatuloy ng makita kong mas sumama ang tingin nya, wala na akong pakialam. Isa lang din naman ang patutunguhan nito, ang saktan ako. "Why do I have to kill them? tao lang din ta--" *pak* "Sino ka sa tingin mo para pagsalitaan ako ng ganyan?" Pagkatapos niya itong sabihin ay sinabunutan ako nito pataas para mapatayo, kaya napahawak ako sa isang kamay nito na sumasabunot sa buhok ko.

"You're just my daughter kaya wala kang karapatang manumbat!" kasabay nito ang paghampas niya sa mukha ko ng kanyang hawak na baril kaya muli akong nasubsob sa sahig. "Aaaahhh!!" hindi ko mapigilang sigaw dahil sa sakit.

"A-am I r-really your d-daughter? ANAK NIYO BA TALAGA AKO?" humahagulgol kong sabi dito, para akong bata na umiiyak dahil nawawala ang kanyang mga magulang.

"Oo, kaya nasa amin na kung paano ang gagawing pagpapalaki sayo!!" sabi nito na may nanglilisik na mga mata habang sinasakal ako *ackkk* hindi ako makahinga kaya nagpumiglas ako sakanya ngunit malakas siya at ayaw niyang magpaawat. "Kaya ngayon, sumunod ka at sundin ang iuutos ko!!" at walang awa ako nitong itinulak.

"HA! HA! HA! HA! HA!" paghahabol ko ng hininga, he walked away from me and reloaded the gun before getting another one. Inihagis nito ang isang baril palapit sa akin at ng nasa tapat ko na ang baril ay nagtataka ko siyang tiningnan habang naghahabol parin ng hininga. Kaya ba talagang gawin ng mga magulang ang ganitong bagay, ang saktan at halos patayin ang sarili nilang anak sa pagpapahirap?

"Uulitin ko Sophia..." may diin nitong sabi, "Sino ang una mong papatayin?"

"I c-can't kill them." Sabi ko at napayuko. "Hindi pa ba sapat ang ginawa ko sayo ha?! Sophia!!" nanatili akong nakayuko habang lumuluha, at ng mapansin nitong wala akong balak na sumagot ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Dadamputin mo ang baril o ako ang magpapasabog sa bungo ng mga 'to" my eyes landed at him after hearing that, he's not joking. Kahit na nakaramdam ako ng sakit dulot ng pananakit niya kanina ay nanginginig ang kamay kong kinuha ang baril bago pa man nito maisip na patayin ang dalawang lalaki. I know how to use different guns, pero ang gamitin ito sa pagpatay ng tao ay ibang usapan na.

"I will give you two options and you have to choose." Pinagmasdan ko siya ng maigi at habang hawak-hawak ko parin ng mahigpit ang baril na binigay nito. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pananakit ng katawan matapos kong makabawi ng hininga, ano na naman ang nasa isip niya? My father is a wise man, at ayaw na ayaw niya ng nalalamangan siya. Lahat ng kumakalaban sa kanya, namamatay. Sa paanong paraan? hindi ko alam. All I know is that, thinking about him as an enemy is not a good idea. I heaved out a deep sigh.

"Makakaligtas ang isa sa kanila sa oras na pinatay mo ang isa pero..." napalunok ako ng dalawang beses sa sinabi nito. Sino ang matinong magulang na mag-uutos sa kanilang anak na pumatay? mga magulang ko lang ata, ang sakit sa pakiramdam na maranasan ang ganito. Ano ang dapat kong gawin para mahalin nila ako? Do I really have to do this immoral thing para lang matuwa sila saakin?

"Kung hindi mo gagawin ay ako ang papatay sa kanilang dalawa 'kasama' ka!." ansakit marinig mula sa bibig niya na kahit ako ay kaya niyang patayin. "Mamili ka Sophia!! You will kill them or you'll DIE!!!!"
Matapos nitong magsalita ay sari-saring pagmamakaawa ang narinig ko mula sa dalawang lalaking nakatali. Pinilit kong tumayo at mas hinigpitan ko ang kapit sa baril saka itinutok sa isang lalaki habang patuloy paring umaagos ang aking mga luha. I have to do this, marami pa akong dapat malaman kaya hindi ako pwedeng mamatay, kailangan kong malaman kung bakit ayaw nila akong hayaang makalabas at kung bakit ganito ang trato nila saakin. Nakita ko ang ngiting mala demonyo ng aking ama sa kanyang nakita.

"Ganyan nga Sophia! ganyan nga! kill him!! HAHAHAHAHA!!"

Pumikit ako ng masiguro kong tatamaan ng bala ang lalaki sa dibdib 'pag binaril ko na siya.

"wag! 'wag!''

"'wag niyo kong patayin! maawa ka sakin!"

"Nagmamakaawa po ako! May pamilya pa po ako"

"Kailangan ako ng mag-ina ko!"

"maawa po kayo"

Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Sana'y hindi nalang ako ipinanganak kung ganito lang din ang mararanasan ko. Kung pwede lang sanang mamili ng magiging pamilya ay pipiliin ko na mapunta sa pamilyang magmamahal saakin ng lubos higit kanino man. Pangarap na ni minsan ay hindi ko naranasan sa 'kanila' na tunay kong pamilya.

"I'm sorry" sabi ko before firing the gun at narinig ang isang malakas na putok nito. "B-buhay ako! buhay ako!!" nagmulat ako ng mata ng marinig ko ang isang boses ng lalaki at nakita ito kasama ng isang lalaking wala ng buhay. "p-patawad" naibulalas ko nalang. I killed him, I took his life. Pumatay ako ng isang taong walang kasalanan sakin.

"H-hindi ako namata--" *bang* *bang* *bang* Ngunit mas nagulantang ang mundo ko sa sunod na nangyari dahil tatlong sunud-sunod na putok ng baril ang tumama sa lalaking nakaligtas kanina. Napatingin ako sa pinanggalingan nito at nakita ang walang emosyong mukha ng aking ina bago mapaupo sa kinatatayuan ko.

"N-NO!! B-bakit? B-bakit mo siya pinatay?"

"Hindi para sa pamilyang ito ang salitang awa Sophia kaya wala kang karapatang maawa sa mga basurang 'yan!"

"ANO ANG DAPAT KONG GAWIN PARA HINDI NA MARANASAN ANG GANITO?!! I HATE THIS LIFE! I DESPISE YOU!!!"

"Simple lang Sophia, mamatay ka." sabi ng aking ama bago nila ako iwan ng nakatulala. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari. Hindi ako mamamatay, hindi pa ako pwedeng mamatay. At isang plano ang naisip ko dulot ng mga sakit na naranasan ko sa buong araw bago ako mawalan ng malay.

THE MURDERER: Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon