Murder 6

43 3 3
                                    

Sophia's Point of view.

Ngumiti ito ng nakakaloko saakin ng maka recover mula sa pagkakasuntok ng kanyang kapatid bago nagsalita "Woah! easy brother! She seduced me!" He said innocently while pointing at me. Ang kapal naman ng mukha niya, never did I try to seduce this pervert. Sa sinabi ng kanyang kapatid ay kitang kita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang emosyon dahil nagdilim ang tingin nito sa akin. Don't tell me, napaniwala siya ng malandi niyang kapatid? I was about to open my mouth to defend myself ng lumapit siya saakin at bigla akong sinikmuraan, napahawak ako sa magkabilang balikat niya para makakuha ng balanse dahil sa tingin ko ay babagsak ako sa sobrang sakit ng pagkakasuntok nito. Itinulak niya ako at napadikit ang likod ko sa pader *acckk* hindi pa man ako nakakabawi sa ginawa niya ay mahigpit niya ng nahawakan ang aking panga.

"Are you a slut?!" Pagkasabi niya nito ay isang mabigat na palad ang dumampi sa mukha ko. *pak* Wala na saakin ang ganitong klase ng sampal. Hindi pa ba ako masasanay kung halos araw araw ako nakakatanggap ng ganitong klase ng sampal sa magaling kong ina?

"You're only mine Sophia!" Mas lalong humigpit ang kapit nito sa panga ko at nagpatuloy, his eyes are burning in anger. Ngunit hindi ako natatakot dito, matatakot pa ba ako sa kanya Kung simula pagkabata ko ay sinasaktan na ako?

*****
May 4, 19** Espesyal ang araw na ito para saakin because today is my 18th birthday. At kung hindi ako nagkakamali ay may pagdiriwang na magaganap mamayang gabi. Sa wakas, mararanasan ko na ang mga napapanood ko sa TV sa tuwing tumutungtong ang isang babae sa edad na ito (18). I've never treated with kindness in this mansion dahil noong una palang ay puro pasakit na ang nararanasan ko sa mansyon na ito. Ni minsan ay hindi ako nagtanim sakanila ng galit dahil iniisip ko na baka may maganda silang dahilan kaya nila ginagawa ang lahat ng ito.

Minsan nga naisip kong baka isa akong ampon o may malalang sakit kaya hindi nila ako pinapayagang makalabas sa lupain namin. I've been trapped here with nowhere to go simula ng magkamuang ako sa mundo, ng huli akong magsubok lumabas para makita at maranasan ang buhay sa labas ay sinaktan at hindi nila ako pinakain ng isang buong araw.

This time, I wish everything will change. I wish I could feel their love, affection and care. I excitedly went out of bed and took a bath. Baka ngayon na nila ipapakita ang pagmamahal nila para saakin. I sprint out from the room after putting my clothes on.

Nakababa na ako mula sa aking kwarto at nakita ko si Moira na diretsong nakatayo habang nakatingin saakin ng masama, nginitian ko lang ito at nagdiretso. Pero ng malalagpasan ko na siya ay bigla akong nadapa dahil sa pantatalisod nito saakin.

"Ooopss , sorry. Ang lampa mo naman kasi i." Tinitigan ako nito na parang nandidiri. "It's alright. I'm fine." I stood up and smiled at her. She's annoyed, it is written on her face. Ano naman ang nagawa kong mali? "Get out of my sight! You're getting into my nerves!" Itinulak ako nito pagkasabi non. Hindi ko nalang siya pinansin, sanay na ako sa ugali niya, at nagpatuloy papunta sa hapag kainan. Sigurado ako na naandon na ang aking mga magulang. Hindi nga ako nagkamali dahil kumakain na nga sila doon.

"Good morning, mom. Good morning, dad!" Hindi nila ako pinansin at patuloy lang na kumakain kaya nilapitan ko si mommy para halikan sa pisngi ng tutukan ako nito ng kutsilyo sa mukha.

"Kiss me and I will pierce a hole in your eyes." P-pero kaarawan ko ngayon hindi ba? "B-but mom, it's my day." Mababakas ang kalungkutan at pagkadismaya sa boses ko sa ginawa nito.

"So?" Sabi nito habang nakataas ang isang kilay. Akala ko ba espesyal ang araw na ito sa lahat ng mga babae sa mundo? Tumulo ang luha ko kaya pinunasan ko ito agad at pilit na ngumiti sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE MURDERER: Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon