QIV: Prologue
Awang-awang pinagmamasdan ng binata ang isang dalaga na nakaupo sa puting kama sa loob ng puting silid at nakaupo ng puting bistida. Nawala na ang dati nitong ganda, lubog na ang mata, mapuputlang balat at nanunuyong labi.
Walang ekspresyon ang mukha nitong nakatingin sa labas ng bintana.
"Kamusta na po ang lagay niya?" Tanong niya sa dalagang nurse na kasama niya.
Huminga muna ito ng malalim, "wala pa rin pong pagbabago, simula ng dinala siya rito ganyan na siya, minsan umiiyak na lang bigla, malungkot, nagsasalita mag-isa, minsan pa nga po tumatakbo na para bang takot na takot ng walang dahilan lalo na pagnakakakita siya ng salamin."
"Sabi po ng doktor na parang wala na raw siya sa katinuan kaya mas mabuti kong ilagay na lang daw po siya sa mental institute." Dagdag pa ng nurse.
"Ga'nun ba, salamat sa pagbabantay sa kanya, sa susunod babalik po uli ako, wag po muna kayo gagawa ng aksyon ng wala ako, ayokong mapunta siya ro'n."
"Sige po, wag po kayong mag-alala, binabantayan po namin siya ng maayos dito."
Bago siya tuluyang lumabas ng silid, nagkasalubong pa ang mga mata nila ng dalaga ng lumingon ito sa kanya.
PAGKATAPOS NIYANG DALAWIN ang dalaga sa ospital, dumaan naman siya police station dahil kailangan daw siyang makausap ng mga ito. Nang makarating siya ro'n agad naman siyang sinalubong ng dalawang detective, isang babae at lalaki.
May inabot ang binatang detective sa kanya na isang tamang kalakihan na kahon, "yan 'yong nakita namin sa crime scene, mga personal na bagay ata yan kaya mas maganda na ikaw na lang ang magtago. Total tapos na rin ang imbestigasyun mas magandang mapunta na yan sayo."
Kinuha naman ng binata ang kahon, "maraming salamat."
BINABASA MO ANG
Quiet is Violent
Paranormal(Completed) Simula ng misteryosong pagkamatay ng mga magulang nila Chewie, may mga pangyayari sa kanila na hindi nila maipaliwanag, mga kababalaghan lalo na sa loob ng kanilang bahay, hanggang sa matuklasan nila na mas higit pa do'n ang dahilan ng l...