QIV1
Sa makulimlim na kalangitan at malamig na panahon na 'yon, isang kumpulan ng mga taong nakasuot ng puros itim sa sementeryo, lahat sila ay nagluluksa at nakaharap sa dalawang kabaong, sila Mr. at Mrs. Abrera.
Nangunguna ro'n ang panganay nilang anak na si Chewie, habang karga nito ang limang taong gulang na si Cole na patuloy pa rin sa pag-iyak at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng mga magulang nila, katabi naman ni Chewie ang sumunod sa kanya niya na si Cody na tahimik lang, wala blangko ang emosyon niya pero sa loob-loob niya nagluluksa siya sa pagkawala ng magulang nila.
"... Ipagdasal natin ang kanilang mga kaluluwa ay mamuhay ng mapayapa sa kalangitan kasama ang panginoon," huling kataga ng pare bago sila inabutan ng puting bulaklak.
Unti-unti ng binababa ang kabaong sa lupa, unang hinagis ni Chewie ang bulaklak na hawak niya, sumunod si Cody, ayaw naman bitawan ni Cole ang kanya.
"MAMAAA!" Hagulgol ng batang si Cole, hanggang sa kosa na niyang nabitawan ang bulaklak at napayakap ng mahigpit sa leeg ng kanyang ate.
Awang-awa si Chewie sa nakakabatang kapatid, ang dating matapang niyang ekspresyon ay lumambot at hindi na niya mapigilan maging emosyunal pero kailangan niyang magpakatatag para sa mga kapatid niya.
NANG MAUBOS ANG tao sa sementeryong sumama sa libing ng mga Abrera, saka lang umuwi ang tatlong magkakapatid sa kanilang tahanan, pinarada ni Chewie ang kotse sa garahe ng bahay nila, unang bumaba si Cody at inalalayan niya si Cole na tahimik pa rin hanggang ngayon, napagod sa kakaiyak.
Saka naman bumaba si Chewie at siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanila, una niyang pinapasok ang dalawang kapatid. Binuksan ang ilaw sa sala, na upo si Cody at kalong-kalong naman niya ang kapatid na si Cole.
Ramdam nila ang malungkot na bumabalot sa bahay nila, dahil 'yon din ang nararamdaman nila sa mga oras na 'yon.
"May gusto ba kayong kainin?" Tanong niya sa mga kapatid ngunit walang sumagot kahit isa, kaya hindi na siya namilit, "magbihis agad kayo ng damit ninyo, aakyat lang ako sa taas."
Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng dalawa at umakyat nga siya, sa pangalawang palapag, unang makikita ang silid ng mga magulang nila, na hanggang ngayon may naka-tape pa ring 'police line' sa isang dilaw na plastic at pahaba sa pintuan.
Hindi niya akalain na hahantong sa ganito ang lahat, isang linggo ang nakakalipas ng tumawag ang kapatid niyang si Cody na umiiyak habang nasa trabaho siya, akala niya magsusumbong ito na natalo sa isang tennis competition katulad ng madalas nitong itawag sa kanya, pero mas kinagulat niya na magsabi ito na patay na ang mga magulang nila.
Agad siyang umuwi sa hometown nila, gulong-gulo ang isip, lalo pang nagpagulo na namatay ang mga magulang nila sa sakal, nakitang patay ang ama niya sa mismong kama nito, habang ang ina naman niya ay nakita sa loob ng kabinet at puro pasa ang katawan, nasa paaralan ang magkapatid na Abrera ng mangyari ang krimen.
Isa pang bagay, wala itong ma-trace na fingerprint sa katawan ng mga bangkay, wala ring makita na nilooban ang bahay, kahit din ang mga kapit-bahay ay wala silang masabi kong may bumisita ba nong araw na 'yon sa mag-asawang Abrera.
Archaeologist ang ama nila Chewie, samantalang isang freelance writer naman ang ina. Napakasayang pamilya ng mga Abrera, walang kaaway at simple ang pamumuhay, kaya isang malaking katanungan ang pagkamatay nila, lalo na sa mga anak nito.
Nagsisisi si Chewie sa nangyari na kong alam lang niyang mangyayari ito hindi na sana siya lumayo sa pamilya dahil lang sa pangarap niya, isang interior designer si Chewie sa isang sikat na kompanya kong saan din siya naging intern, tatlong taon siyang nagtatrabaho ro'n, hanggang sa bumugod at magkaroon ng sariling bahay, may maliit siyang studio type apartment na malapit lang sa pinagtatrabahuhan niya, masaya siya sa ginagawa niya na halos nakalaimutan na niyang may pamilya siya.
Samantalang si Cody, ay isang tennis player ng paaralan nila, isang graduating student sa senior high school, pangalawa sa magkakapatid, may inis sa kanyang kapatid na si Chewie sa pagbugod nito sa kanila. Si Cole naman ay bunso sa magkakapatid, tahimik, minsan lang kong magsalita at mahilig itong gumuhit, mas malapit sa ina nilang si Mrs. Abrera.
NONG GABING 'YON pagkatapos ng hapunan nila, isa-isa na silang pumasok sa kanilang mga silid na ni isa sa kanila ay walang nagsasalita, hindi naman namalayan ni Chewie na nakasunod si Cole sa kanya ng mapansin niya ito ay agad niyang nilingon.
"Bakit, anong problema?" Tanong niya sa bata yakap-yakap ang mga gamit nito sa pang guhit at mga papel.
"Pwede ba simula ngayon tabi na tayong matulog," sabi ng bata.
Hindi maiwasan ni Chewie na mapangiti at maawa sa bata, kinuha niya ito at kinarga, "oo simula ngayon tabi na tayong matulog," binuksan naman ni Chewie ang pintuan ng dati niyang silid na wala pa ring nagbago at nanatiling malinis at maayos.
"Nag-tooth brush ka na ba?"
"Opo."
"Very good, big boy ka na hindi muna kailangan sabihan."
Ngumiti ang bata sa kanya, nang makapasok sila nilapag niya ito sa kama.
RINGGG!!!
Bahagyang nagulat si Chewie sa biglang pagtunog ng telepono nila sa sala, "teka lang ah, dito ka lang tapos iligpit muna yang mga gamit mo, pagbalik ko matutulog na tayo."
"Opo."
SA PAGBABA NI Chewie sa sala, agad niyang hinablot ang telepono at tinapat sa kanyang kanang tenga, "hello?"
Ngunit wala siyang kahit na anong naririnig sa kabilang linya, "hello?" Saka niya binaba ang telepono, na isip niya na may nang trip lang o kaya na wrong call.
May narinig siyang yapak papaakyat sa hagdan, kaya nilingon niya ito at sinundan, "Cole!" Tawag niya sa kapatid, may nahagip pa siyang tela at paang papaakyat kaya nagmadali siyang sumunod, ngunit pag-akyat niya sa pangalawang palapag, wala naman ang kapatid.
Katabi ng silid ng mga magulang ang silid ng kapatid na si Cody, maingay sa silid nito at bahagyang nakabukas ang pintuan, kaya tinulak niya ito hanggang sa marinig niya ang ingay na nang gagaling sa desktop nito, naglalaro pala ang kapatid ng isang online games.
"Cody!"
Lumingon ang kapatid sa kanya at muling binalik ang mata sa desktop para patayin ang nilalaro, saka muling nilingon si Chewie.
"Anong kailangan mo, istorbo ka alam mo ba 'yon?"
"Gabi na Cody, matulog ka na, baka mamaya ireklamo tayo ng kapit-bahay na ang ingay ng nilalaro mo," saway niya sa kapatid.
"Wag mo nga akong pake laman, nong umalis ka nga hindi ka namin pinakilaman," sumbat nito sa kanya.
Natigilan siya no'n, nakita na lang niya ang kapatid na lumapit sa pintuan at pinagsarhan siya nito.
"CO---," hindi na niya tinuloy ang sasabihin, "bwisit," nahilamos niya ang palad niya sa mukha saka siya pumasok sa silid kong saan nakita niyang nakahiga na at nakakumot ang kapatid na si Cole.
Lumapit naman siya sa kama at tinago ang kalahati ng katawan sa iisang kumot na gamit ng kapatid, "bumaba ka ba kanina?"
Umiling ang bata, "hindi po ate, dito lang ako, hinihintay ka."
Nagtaka ang dalaga sa sinabi ni Cole at ang nakita niya sa baba, pero pinagsawalang bahala na lang niya ito at inisip na baka guni-guni lang.
"Sige tulog na tayo ah, good night baby Cole."
"Good night ate."
BINABASA MO ANG
Quiet is Violent
Paranormal(Completed) Simula ng misteryosong pagkamatay ng mga magulang nila Chewie, may mga pangyayari sa kanila na hindi nila maipaliwanag, mga kababalaghan lalo na sa loob ng kanilang bahay, hanggang sa matuklasan nila na mas higit pa do'n ang dahilan ng l...