QIV5

306 16 0
                                    


QIV5

Naglalakad si Chewie sa pasilyo ng biglang mag-ring ang cellphone niyang hawak, katatapos lang niyang magligpit at mag-aayos ng mga gamit, gusto niya sanang personal na magpaalam sa kanyang boss bago siya tuluyang umalis.

Pinagmasdan muna niya ang nakarehistrong pangalan sa screen ng kanyang cellphone niya, si Cody, na siyang pinagtataka niya, hindi niya pinatagal at sinagot din niya ang tawag.

"Hello, anong problema at napatawag ka?"

"Na saan ka ngayon?"

Napaisip naman si Chewie sa bungad ng kanyang kapatid sa kanya, "nasa opisina ako, bakit ka ba tumatawag? Baka mamaya ginagamit mo yang cellphone mo sa loob ng klase mo," paalala niya kay Cody.

"Break time namin ngayon."

Tumango-tango si Chewie, "good, anong kinain ni Cole kaninang recess?"

"Chicken sandwich, juice at saka nagpabili siya ng gummi bear kanina."

"Good."

"Umuwi ka agad, ayaw namin ni Cole na pinaghihintay kami at saka gusto namin kumain sa chinese food."

Hindi naman maiwasang hindi mapangiti sa paalala sa kanyang ng kapatid, "oo pipilitin ko makarating agad, total hindi naman ako makapaluto ng hapunan mamaya, kakain na lang tayo sa labas."

"Sige, bye."

Si Cody na ang nagputol sa pagitan ng tawag nila.

Huminga ng malalim si Chewie at nilagay sa bulsa ang cellphone niya, sakto na pagharap niya sa pintuan ng elevator nang magbukas ito, isang lalaking nakayuko at matangkad ang nag-iisang nakasakay do'n, hindi na lang niya pinansin at sumakay na siya.

Pinindot niya ang number 20 na button, nakayuko lang si Chewie at naghihintay na umakyat sa 20th floor ang elevator, katabi niya ang lalaking nakayuko ng mapansin niyang maputla ang mga kamay nito at nangingitim ang mga kuko, nang laki ang mga mata niya ng mapansing may pulgadang nakaangat ang paa ng lalaki tinatapakan niya.

Agad na nilayo ni Chewie ang tingin sa paa, naramdaman niya agad ang kakaibang lamig sa loob ng elevator, kaba na napakapamilyar sa kanya simula ng maranasan niya ang mga kakaibang bagay sa loob ng bahay nila.

Tumingala sa itaas na bahagi ng elevator para malaman kong malapit na siya, nasa 19th floor, gusto na niyang umalis sa loob, hindi na rin siya makahinga ng maayos, ayaw niyang lumingon sa magkabilang gilid niya o sa likuran, hindi man niya alamin pakiramdam niya ang dami na niyang kasama sa loob at nakamasid sa kanya.

Sa oras na tumunog ang pagbukas ng elevator, agad siyang lumabas, halos takbuhin na niya para makalayo sa elevator, hindi na siya tumingin sa dinadaanan at parang wala sa sarili, hanggang sa may mabunggo siya.

Itutulak niya sana ito ng unahan siyang hawakan sa magkabilang balikat, magpupumiglas siya sa may hawak ng bigla itong magsalita.

"Ms. Abrera."

Tiningala niya ang pamilyar na tao sa kanyang harapan, hingal na hingal siya, nag-aalala itong nakatingin sa kanya saka siya binitawan.

Muli siyang lumingon sa elevator kong saan siya nang galing ngunit wala naman siyang makitang kakaiba, sinulyapan niya ang lalaking nasa harapan na may katangkaran at naka-corporate attire, na si Mr. Louis ang kanyang boss.

Quiet is Violent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon