QIV3
Pagkatapos mag-grocery ni Chewie, agad siyang umuwi ng kanilang bahay para mapagluto niya ng tanghalian ang mga kapatid, alam naman niyang hindi niya maasahan sa gawang-bahay ang kapatid na si Cody, lalo naman si Cole na bata pa.
Nagmamaneho siya ng kotse sa kanang kalye kong saan tanaw na tanaw na niya ang bahay nila, maingat siyang nag-drive dahil 'yon ang patakaran pag-nasa loob ng subdivision, iniisip niya kong anong ginagawa ng mga kapatid niya sa mga oras na 'yon.
May lalaking bigla na lang lumabas sa gilid ng bahay nila kaya pinahinto muna niya ang kotse para pagmasdan kong bakit do'n 'yon nang galing, matangkad na lalaki at may tamang laki ng pangangatawan, hanggang sa magulat siya na madali nitong, binuksan ang pintuan ng bahay nila na siyang kinagulat niya at madali itong nakapasok saka ito sinara.
"Cody, Cole," pabulong niyang tawag sa pangalan ng mga kapatid sa takot na baka nilooban na sila na hindi nalalaman ng mga kapit-bahay at ng mga kapatid niya, takot ang namamayani sa kanya na baka kong anong mangyari sa mga kapatid.
Madali niyang pinamaneho ang kotse at pinarada sa tapat ng bahay, hindi na niya nilabas ang mga pinamili niya, bubuksan na sana niya ang pintuan ng mahirapan siya, naka-lock ito sa loob, agad niyang kinuha ang susi sa bulsa, habang pinapasok niya ang susi sa butas nanginginig ang mga kamay niya, hanggang sa tuluyan na niyang mabuksan ang bahay.
Ngunit sumalubong sa kanya ang tahimik at malamig na bahay, na siyang pinagtaka niya, "Cole! Cody! Na saan kayo!?"
Kinuha niya ang babasaging vase na nakapatong sa sala, saka siya maingat na pumasok sa kusina nila ngunit wala siyang nakitang matangkad na lalaki, napatingala siya kisame ng marinig niya ang mga kalampag at ingay sa pangalawang palapag na para bang may mga naglalarong bata.
Umakyat siya sa hagdan, nahagip pa niya na may tumatakbong batang papaakyat do'n.
"Cole sinabi ko sayong wag kang tatakbo sa hagdan baka malaglag---"
Ngunit natigilan siya ng wala siyang makitang Cole at Cody, katulad sa unang palapag napakatahimik ng bahay, binuksan niya ang pintuan ng silid ni Cody, wala rin do'n ang kapatid, pati na rin sa silid ni Cole ngunit wala ring tao, kahit din sa kanyang silid.
Muli siyang bumalik sa baba, nilapag niyang muli ang vase sa dati nitong lagayan, nagtataka siya na wala namang tao kong di siya lang, hanggang makarinig siya ng mga bulong, sabay-sabay na bulong mula sa likuran niya, nilalamig din siya, sa di malamang dahilan unti-unti na lang nagsitaasan ang balahibo niya sa katawan.
Bigla niyang naalala 'yong napaginipan niya, sa kanan niya may aninong para bang dumaan sa gilid kaya agad siyang napalingon do'n, kinakabahan na siya sa nangyayari sa mga oras na 'yon, may malamig na kamay ang biglang humawak sa kanan niyang kamay.
Kaya agad siyang napasulyap sa tabi niya at sa kamay ngunit wala naman, dahil sa takot lumabas siya ng bahay, kinontak niya ang numero ni Cody na naka-save sa cellphone niya, isang beses lang nag-ring ng may sumagot na ng tawag niya.
"Hello, Cody, na saan kayo ni Cole?" Takot na takot na siya at hindi niya malaman kong na saan ang mga kapatid.
"Nandito kami kila Kuya Ethan---"
Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ni Cody ng patayan na niya ng telepono ito, dumiretso siya sa kapit-bahay kong saan nakatira si Ethan, kinalampag niya ang pintuan nito at hindi ginamit ang door bell.
Wala pang ilang minuto ng pagbuksan siya ng binata.
"Na---"
Hindi na niya pinatapos pa ang binata at pumasok na siya ng bahay nito, nakaupo sa sahig ng sala si Cole habang nag-drawing ito, si Cody naman naglalaro ng ipad niya, habang bukas naman telebisyon, may tira pang pagkain sa maliit na lamesa.
"Umuwi na kayo, ngayon na!" Hindi niya maiwasang hindi taasan ang boses niya para sumunod ang mga ito.
Iritable namang tumayo si Cody, saka niya tinulungan ayusin ni Cole ang mga gamit nito, saka hinawakan ang kamay at sabay na lumabas ng bahay, nagpasalamat pa ito sa binata.
Sumunod naman si Chewie pero bago pa man siya makaalis nagsalita si Ethan mula sa likuran niya.
"Wag mong iiwan basta-basta ang mga kapatid mo sa bahay ninyo."
Hinarap niya ang binata habang magkasalubong ang mga kilay niya, "ano na naman ba? Ano bang ibig mong sabihin, kanina ka pa ganyan."
Matagal bago nakasagot ang binata, "hindi mo rin maiintindihan."
Napailing na lang sa inis ang dalaga saka siya bumalik sa bahay nila, nakita niya ang dalawa sa sofa na magkatabi.
"Bakit bigla na lang ninyong iniwan ang bahay?" Bungad ni Chewie sa dalawa.
"Bakit bawal na ba kami pumunta sa kapit-bahay o lumabas ng bahay?"
"Ang akin lang magpaalam kayo, paano kong mapasok 'tong bahay natin? Nag-aalala lang ako sa inyo, hindi ba ako pwedeng magmalasakit sa mga kapatid ko!"
"Ang oa mo na ate, hindi mo ba nakita nong pumasok ka? Naka-lock bago namin iwan 'yong bahay para lumipat kila Kuya Ethan."
Saka tumayo si Cody at umakyat sa taas.
'Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?' Sa isip-isip ni Chewie sa mga oras na 'yon, paano niya maipapaliwanag ang nangyari sa kanya kanina at ang nakita niya, kahit na kailan hindi siya naniniwala sa mga kababalaghang bagay pero paano niya ipapaliwanag ang lahat ng 'yon?
~*~
Nagsusuklay si Cody ng buhok niya nang matapos siyang maligo, nadulas sa kanyang kamay ang asul na suklay dahil sa nabasa ito ng buhok niya, kaya muli niya itong dinampot, pero sa pagharap niyang muli sa salamin, isang nakakagulat na imahe ang kanyang nakita.
Mula sa kisame, may isang dalagang babaeng ang nakasabit do'n duguan, tumutulo ang dugo nito na galing sa bibig, pababa sa kamay at paa nito, ang mga mata nito ay nakadilat at namumula.
Sa takot at kaba, agad siyang tumakbo sa labas ng silid kahit na hindi pa niya naayos ang sarili, sa pagbaba niya agad niyang kinuha si Cole at kinarga ng walang sabi-sabi at dumampot ng iilang gamit nito, lumabas sila ng bahay, saka niya ito ni-lock.
"Ano 'yong Kuya?" Tanong ni Cole sa kanya.
"Punta tayo kila Kuya Ethan do'n muna tayo gutom na ako eh wala naman pagkain sa bahay." Palusot niya sa kapatid.
Dumiretso siya sa kapit-bahay nilang si Ethan. Agad siyang nag-door bell sa bahay ng binata, pinagbuksan naman sila nito.
Ngumiti siya sa binata, "pwedeng makikain sandali wala kasi si ate sa bahay."
"Sige ba tuloy kayo."
e='text_Kg
BINABASA MO ANG
Quiet is Violent
Paranormal(Completed) Simula ng misteryosong pagkamatay ng mga magulang nila Chewie, may mga pangyayari sa kanila na hindi nila maipaliwanag, mga kababalaghan lalo na sa loob ng kanilang bahay, hanggang sa matuklasan nila na mas higit pa do'n ang dahilan ng l...