QIV4

342 20 1
                                    


QIV4

Simula ng pagtatalong 'yon ng magpakapatid kahit sa hapag-kainan ay walang gustong magsalita, hanggang sa matapos ang araw nila, hindi alam ni Chewie kong anong gagawin niya sa kapatid na si Cody, hindi rin niya alam kong anong itatawag niya sa nangyari sa kanya at mga narinig.

Pagkatapos ni Chewie linisin ang pinagkainan nila at tignan ng maayos kong nakasara na ba ang lahat bago siya umakyat sa kwarto niya, na iwan naman si Cole sa silid niya at gumuguhit na naman, habang siya ay katatapos lamang mag-shower.

Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili, naka-bra siya ng mga oras na 'yon kaya kitang-kita niya ang kabuuan ng katawan nang mapansin niya ang kakaibang kulay sa kanang balikat niya.

"Ano 'to?" Tanong niya sa kanyang sarili habang sinusuri niya ito, kinapa niya at bahagya siyang nasaktan, lalo niyang pinagmasdan, napagtanto niyang pasa pala ito, "saan ko nakuha 'to?" Na siyang pinagtataka niya.

Ipinagsawalang bahala na lamang niya at nagbihis na siya ng pang tulog at lumabas ng silid.

"Matutulog na tayo Cole, iligpit muna yan." Paalala niya sa kapatid habang inaayos ang sapin ng kama.

"Opo ate," sagot naman nito sa kanya.

***

Nagising si Chewie sa ingay ng kanyang paligid at pakiramdam niya wala siya sa mismong silid niya, samu't saring mga bulong na sabay na sabay niyang naririnig, sa pagdilat ng kanyang mga mata, tama nga ang kanyang hinala, wala siya sa mismong silid ngunit nakakasilaw na liwanag ang nasa ibabaw ng liwanag niya.

May mga taong nakapalibot sa kanya habang nakahiga sa isang higaan na gawa sa kahoy, gusto sana niyang tumayo at umalis do'n ngunit nakatali ang buong katawan niya sa higaan, nagpupumiglas siya at pilit na kumawala sa pagkakatali.

"Ano bang ginagawa ninyo sa'kin? Tanggalin ninyo ako rito!" Sigaw niya sa mga taong nakapalibot sa kanya.

Hindi rin niya makita ng maayos ang mga mukha nito dahil sa liwanag na nakaharang sa mukha niya. Ngunit may mga kakaiba silang kasuotan, sa suri ni Chewie mga makalumang kasuotan na madalas niyang makita sa history books.

"Ano ba? Tulong!"

Hindi pa rin tumitigil ang mga bulong ng mga ito, hanggang sa tuluyan na niyang marinig ang ilang mga salita.

"Alay."

"Siya na ang sunod."

"Gawin muna."

"Ano?" Tanong ni Chewie, kahit na marinig niya ang mga katagang 'yon hindi pa rin niya maintindihan kong anong ibig sabihin ng mga 'yon.

"AHHHH!" Umalingawngaw ang singhal ni Chewie sa sakit ng mabilis na tinarak sa sikmura niya ang makalawang na bolo, dahan-dahan pa itong hinihiwa sa kanya na siyang nakakadagdag sa sakit na nararamdaman niya, patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas habang sumisigaw.

***

Pinarada ni Chewie ang kotse sa harapan ng St. Augustine kong saan parehong nag-aaral ang dalawa niyang kapatid.

"Baka ma-late ako ng sundo sa inyo mamaya kasi magpapaalam ako ng one month leave sa boss ko kaya pupunta ako ng opisina para ayusin din ang ilang na iwang trabaho ko, pag-hindi pa ako nakarating on time, Cody sunduin mo 'yong kapatid mo sa klase nila, sabay ninyo akong hintayin sa waiting shed." Paalala ni Chewie sa kanilang dalawa, "ikaw Cole wag kang lalabas ng room ninyo na wala si Kuya Cody ah."

Quiet is Violent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon