QIV2
Nakita ni Chewie ang sarili na nakatayo sa gitna ng mismong silid ng mga magulang niya, hindi niya alam kong paano siya napunta ro'n, napakadilim sa silid tanging liwanag na nang gagaling sa labas ng bintana ang ilaw ro'n.
Naisipan niyang bumalik sa silid niya, ngunit sa pagharap niya sa pintuan, kamuntik na siyang mauntog sa mukha na nakaharap sa kanya, gulat ang una niyang naramdaman kaya agad siyang napaatras, nanglalaki ang mga mata niya ng makitang kaharap ang ama, malalim ang mga mata nito at mga labi, napakaputla.
May kong anong marka sa leeg nito kaya nangingitim, bahagya siyang natakot.
"Papa?"
Hindi nakatingin ang ama niya sa kanya, bumubuka ang bibig nito na animoy may binubulong, naningkit ang mga mata niya, pilit niyang pinapakinggan ngunit wala siyang marinig, napasulyap naman siya malaking kabinet ng kosa itong bumukas, nakita niya ang ina ro'n na nakaupo, katulad ng ama niya, maputla at malalim ang mga mata, may marka sa leeg nito, bumubulong ngunit hindi niya naririnig.
"Ano bang gusto ninyong sabihin?"
Muli siyang humarap sa ama, hanggang sa samu't saring boses na ang naririnig niya at sabay-sabay ng bumubulong, naririndi siya at hindi niya alam kong saan ito nang gagaling.
Sa isang iglap biglang natahimik, nawala ng parang bula ang mga magulang niya.
Kakaibang lamig ang naramdaman niya sa loob ng silid, hanggang sa maramdaman niyang may tao sa kanyang likuran, nararamdaman niya ang pagtama ng malamig nitong hininga sa batok niya na siyang nagpapataas ng balahibo niya.
"AHHH!"
Isang pares ng magagaspang na mga kamay ang bigla na lang humawak sa magkabila niyang balikat at nagpagulat sa kanya.
***
Sa pagdilat ng mga mata ni Chewie, hingal na hingal siya at pawis na pawis dahil sa kakaibang panaginip na 'yon, alam niyang hindi ito isang masamang panaginip ngunit napakalakas ng kabog ng dibdib niya.
Nilingon niya ang kapatid na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya, unti-unti na ring sumisilip ang araw sa kalangitan, kaya bumangon na siya para paglutuan ng agahan ang mga kapatid.
SUMUNOD NA NAGISING sa kanya si Cody na agad na dumiretso sa dining area kong na saan siya, nagluto siya ng fried rice, bacon, hotdog, nakahanda rin ang juice, fresh milk, tubig, tinapay at keso. Sumunod din si Cole na inupo pa niya sa tabi ng kapatid na si Cody.
"Ubos na pala 'yong grocery supplies natin, kailangan nating bumili, sino gustong sumama?"
Tinignan niya si Cody kong sasagot ito ngunit hindi at tinignan lang din siya pabalik bago ito sumubo ng pagkain, "ikaw Cole?"
"Dito lang ako sa bahay, mag-drawing."
"Okay basta maligo ka at mag-tooth brush pagkatapos kumain."
Tumango-tango naman si Cole.
Tumayo si Chewie para kunin sa labas ang bagong deliver na dyaryo, nang makarating siya sa labas at saka naman siya lumabas, para kunin sa mailbox ang dyaryong iniwan do'n, pabalik na sana siya sa loob ng bahay ng isang pamilyar na mukha ang nagmamasid sa kanya, nang mapansin niya ito ay agad niyang binigyan atensyon, ngayon nakatingin naman ang binata sa bahay nila.
Isang lalaki na halos kaseng edad lang niya na puros itim, kilalang-kilala niya ang lalaking 'to, simula pa pagkabata dahil kapit-bahay nila ito at dating kasintahan noong kolehiyala pa lamang siya, napansin niya ang paglaki ng katawan nito at lalong pagtangkad.
Wala naman siyang galit o inis sa binata, bagkus siya ang may kasalanan kong bakit sila naghiwalay, kaya nakaramdam ng bahagyang hiya kahit na matagal na itong nakalipas.
"Good morning Ethan," bati niya sa binata na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa bahay nila.
Papasok na sana siya sa loob ng magsalita ito na siyang nagpatigil sa kanya.
"Mukhang marami kayong bisita sa bahay ninyo."
Naningkit ang mga mata niya sa binata, "anong sabi mo?"
Nagtama ang mga mata nila ng tignan na siya nito, huminga ito ng malalim, "kong ako sayo ipa-blessed ninyo ang bahay ninyo."
Na inis si Chewie sa sinabi ng binata, "bakit mukha bang bahay ng mga demonyo ang bahay namin?"
Napangisi si Ethan, "wala akong sinabing ga'nun, payong kapit-bahay lang."
"Ewan ko sayo," inis na sambit ng dalaga.
"Condolence pala."
Natigilan siya sa sinabi nito, "salamat." Saka siya bumalik sa loob.
Sa paglalakad niya sa sala at pabalik na sana sa dining area ng may maramdaman siyang natapakan na matigas sa sahig, yumuko siya at kinuha ito, isang dulo ng cable, hinatak niya ito hanggang mahawakan niya ang kabuuan ng cable at do'n niya napagtanto na cable pala ito ng telepono nila, wala rin 'to nakasaksak sa outlet.
Nagtaka siya kong bakit hindi nakakabit ang linya ng telepono, pagbalik niya sa dining area, tinawag niya ang atensyon ng kapatid.
"Wala ka namang magawa Cody."
Nagulat ang kapatid, "bakit ano na naman sa'kin?" Magkasalubong ang kilay nitong nakatitig sa kanya.
"Ang lakas ng trip mo, bakit mo tinanggal 'yong linya ng telepono natin, paano na lang kong may importanteng tawag na kailangan nating sagutin, hindi kasi tinanggal mo 'yong linya!"
"Ano bang pinagsasabi mo ate, isang buwan ng putol ang linya ng telepono dito sa bahay, pinaputol siya ni papa nong isang linggo nong makauwi si papa galing sa travel niya, tapos pinatanggal naman ni mama 'yong mga cctv ni mama dito sa bahay pati ang mga alarm, dalawang linggo bago sila mamamatay, kaya wag mo akong pagalitan ng hindi mo alam, ano naman gagawin ko sa mga bagay na 'yon."
Dahil sa inis nawalan ng gana ang binata at lumisan ito.
Samantalang si Chewie ay nanatiling nakaupo sa puwesto niya, napapaisip at nagtataka, sigurado siya sa sarili niya na telepono ang narinig niya kagabi.
]^d
BINABASA MO ANG
Quiet is Violent
Paranormal(Completed) Simula ng misteryosong pagkamatay ng mga magulang nila Chewie, may mga pangyayari sa kanila na hindi nila maipaliwanag, mga kababalaghan lalo na sa loob ng kanilang bahay, hanggang sa matuklasan nila na mas higit pa do'n ang dahilan ng l...