Yumi's POV
Kasalukuyan akong kumakain dito sa isang restaurant nang may lumapit sa table ko.
" WOW ! So kumakain ka na mag isa ngayon ?" he said.
"yes. What's wrong with it ?"
" Actually, wala naman kaya lang ang ibig kong sabihin eh, di mo man lang ako hinintay at umuna ka ng kumain. hmp ! tumaba ka sana ! "
" HAHA ! Dami mong arte ! umupo ka na nga at umorder. May chika ako, dali ! " at umupo na siya sa harap ko.
Well kung nagtataka kayo kung sino siya, Siya lang naman yung bestfriend kong bakla . I dunno kung matatawa kayo sa totoong pangalan niya pero ako, sobrang natatawa ! HAHAHA ! kase sobrang pang masculin at sobrang luma ! Pfft ! HAHA ! Pagkatapos niyang umorder, kumain na kami.
"so anong ichichika mo ? Don't tell me tungkol na naman to kay ano ? Hay nako, alam mo ikaw mag move on ka na nga. Di ka pa ba nagsasawa kakachika mo jan tungkol kay--- uhuff ! uhuff ! "
There ! HAHA ! pinalamon ko sa kanya ang isang slice ng cake. Ang ingay ingay eh ! di pa nga ako nakakapagsimula, para ng machine gun yung bunganga niya kakaputak ! Naku kung di ko lang bestfriend to baka isang buong kutsara isubo ko sa kanya.
" Leche ka ! Napakababoy mo talaga kahit kelan ! naku kung di lang talaga kita bestfriend--- "
"Titigil ka o isasaksak ko tong kutsara sa bunganga mo ? Di pa nga ako nakakapagsalita para ka ng manok jan putak ng putak. " Nakakairita rin kase tong baklang to minsan. tss
"Fine ! Go na . Speak na " OA niyang sabi.
" okay, so yeah ! tama ka nga. tungkol to sa kanya. hmmm. Ano kase, nakita ko siya kahapon. Bestfriend anong gagawin ko ? Bumalik na siya. Natatakot ako. Bestfriend tulungan mo ako " parang nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
" Teka nga. teka nga ! Bakit ka ba natatakot ? Eh ano ngayon kung bumalik na siya ? Bakit ? mahal mo pa rin ba siya ? "
"hindi."
Oo! Mahal na mahal ko pa sya! Gusto kong sabihin yun pero useless din. Wala ng patutunguhan tong nararamdaman ko para sa kanya.
" oh tapos ? anong inaarte mo jan ? Akala ko ba okay ka na ? "
" oo nga.Pero kase nung makita ko siya bumalik lahat yung naramdaman ko dati. Takot,galit, lungkot, at lahat na ! Ayoko ng ganito."
" hay ! Alam mo, wag mo ng isipin yun. Wala kang ibang gagawin kundi deadmahin siya, magpakasaya sa buhay, maghanap ng papable at kalimutan siya .. Okay ? "
Yup. This gay is right. Dapat di ako magpa apekto sa gagong yun.
" hay. sana nga ganun lang kadali yun. Pero oo. simulan na natin ngayon. look ! " sabay turo ko isang lalakeng kumakain mag isa dun sa kabilang table namin.
Ewan ko. Habang nag eemote ako dito eh napadako nalang bigla ang tingin ko sa lalakeng yun.
" He's Damn Hawt ! " tulo laway na sabi ni Huge.
"HAHA ! yeah ! "
" Lapitan mo dali ! "
" WHAT ? NO ! AYOKO nga ! "
"Ano ka ba ! go na ! dali ! karakaraka ! " Sabay tulak niya saken. Bigla namang parang may bumbilya na lumabas sa ibabaw ng ulo ko at naka isip ako ng bright idea ! HAHAHA !
Lumakad ako papalapit dun sa table ng lalake.
"uhmm. HI ! " tinitigam ko yung buong mukha niya. Oh gosh ! Sobrang gwapo niya. Chinito eyes, matangos na ilong, pink kissable lips. HAY ! HEAVEN !
" hi. " emotionless niyang sabi. okay binabawi ko na yung sinasabi ko kanina.
" My friend wants to meet you."
" I don't have time for this miss. Can't you see I'm eating ? -.- " Suplado !
" Fine ! Akala mo naman kung sinong gwapo ! tse ! Ampangit mo !" sabay talikod ko sa kanya at balik dun sa table namin.
Napahiya ako dun ah! Psh. Di tuloy natuloy yung balak ko kag Huge. Ako pa yung nagmukhang malandi kase ako yung lumapit sa kanya. Leche siya!
" oh, what's with that face ? basted ka agad ? awwwww. tsk tsk " salubong niya saken pagdating ko sa table namin.
" gaga ! hindi. Napakasuplado niya. Akala niya kung sino siyang gwapo. Sa malayo lang siya gwapo pero pag linapitan mo, YUCK ! maraming tigidig mukha niya. EEEW ! " pero syempre joke lang yun.
" weh ? talaga ? hindi naman ah "
" go and see for yourself" panghahamon ko sa kanya.
" well, look behind you" at tumingin siya sa may likod ko na parang manghang mangha sa nakikita niya.
Ako naman parang di ko magalaw yung leeg ko sa kaba. SHIT ! Did he hear it all ? Kahit kinakabahan, lakas loob kong nilingon ang tao sa likod ko and yeah. Nakatayo siya sa likod ko at emotionless pa rin ang mukha. srsly ? Tao ba tong kaharap ko ? He was about to utter a word but I cut him off.
" a-ah. Ano. hehe. Bye ! " Sabay hawak ko kay Huge at kumaripas ng takbo !~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AN: This story has been published on my 2nd account but I am transferring it here on my main account to work on my 2 on going stories at the same time. Less hassle kase pag sa iisang account ko lang t-trabahuin lahat. I will be deleting this story on my 2nd account to avoid confusion sa readers. That's all. Hope you enjoy this story, Ciao! ^_^
by the way, pretty Yumi is the cover of this chapter :)
BINABASA MO ANG
Better than revenge
RomansaA story of a girl who fell deeply in love with a guy but he cheated on her. And now, she doesn't want anything but revenge. Will she get the revenge she's been looking for? or will she fall in her own trap?