CHAPTER 4

0 0 0
                                    


YUMI's POV

PRESENT TIME

Nagising ako sa isang bangungot. Ano ba to?! Bakit ba pati sa panaginip ko andun siya? Bakit kelangan pang ipaalala ng panaginip ko kung pano kami nagkakilala? Pati sarili kong panaginip tinatraydor ako. How can I move on if he's always in my dreams? Ugh! I'd better take a bath.

After kong gawin ang morning rituals ko, I headed to our school. By the way, I am a 3rd year college student taking up Bachelor of Science in Hospitality Management. I guess that's another term for HRM. Pareho lang naman kase ang ginagawa namin sa HRM students ng ibang school. The subjects, activities and such, they're all the same. Walang pinagkaiba. I'm planning to proceed to Culinary right after I finish this course. I always wanted to be a chef and I'm really good at cooking. Well, I wanted to share something about my past. It's been a year now since Kenzo and I broke up. 12 months of pain,suffering and agony. Akala ko nga di na ako makakabangon ulit eh. I was devastated. I'm just glad that it happened during summer kase kung hindi, baka mabagsak ko lahat ng subjects ko. When I saw my ex kissing his ex, my world fell apart. Gusto ko silang patayin dahil sa galit at sakit na naramdaman ko kase para rin nila akong pinatay nung nakita ko sila. Kenzo was my first in everything kaya di niyo ako masisisi kung bakit hanggang ngayon eh di parin ako nakakalimot. Sa kanya umikot ang mundo ko and that was the biggest mistake that I did. I just couldn't imagine na magagawa niya yun. Dati, ayaw na ayaw ko sa kanya. Kase mahangin siya at playboy. Hindi ko alam kung pano at san nagsimula. Basta na-realize ko na lang na mahal na mahal ko pala siya. Well, I admit he's very handsome but for me, looks are not enough. Pero nakita ko ang sincerity niya. Sobra siya kung mag effort. He proved na kaya niyang magbago. Pero it was all in the start. Mga lalake talaga ma-effort lang sa umpisa pero pag hulog na hulog ka na sa kanila, bigla na lang silang magiging cold sayo at babalewalain ka na lang. BAkit ganun ang karamihan sa mga lalake? Bakit sa umpisa lang sila magaling?

"Hi biiiish!" Huge's voice brought me back to present. Bakit ko ba kase siya iniisip? Hays!

"Hi bish" at nagbeso kami. Ganito kami magplastikan. Hahaha!

"Uy bakla, nood tayong sine after class." Pagyayaya ni bakla.

"Ano namang magandang movie ngayon? Parang wala naman."
Actually, gusto kong panoorin ang My ex and Whys. Parang nakakarelate kase ako. Ang dami rin kaseng BAKIT ang iniwan niya saken. Pero on the second thought, parang ayoko na siyang panoorin. Natatakot kase ako at baka maging iba na naman ang impact saken after kong makita ang movie.

"Eh ano pa nga ba? Eh di Pangit ba ako?! Kapalit palit ba ako?! No. THEN WHY?!!oh diba? At naku bish, relate na relate ka dun for sure." Pag-aacting ni bakla at nagm-make face pa. Hahaha!

"Yung totoo bakla? Sure ka talaga na yon ang ipapanood mo saken? Sure ka talaga?" Sarcastic kong tanong. Inaasar na naman kase ako nitong bading na to.

"Eeeh! Go na bakla. Maganda naman kase talaga yung movie eh at malay mo may mapulot kang lessons at hugot lines doon at ma apply mo sa sarili mo. Baka makahanap ka ng advice doon at ng maka move on ka na sa ex mong ava!" Pagpupumilit ni Huge. "Ava" means baliw. Gay lengo ulit yun. Madami talaga kayong matutunang bagong words sa baklang to. Haha! In the end pumayag na rin ako. May point din naman kase siya. Kahit na ayoko munang manood ng kahit na anong love stories ngayon kase iba ang nagiging impact nun saken. Masyado kong sinesryoso ang mga pangyayari sa isang pelikula. Nalulungkot ako tuwing maiisip ko na bakit kelangan ko pang mag suffer ng ganito? Bakit di na lang mangyari saken ang mga nangyayari sa movies at ng ma experience ko naman ang happy ending. Bakit hindi katulad ng mga lalakeng characters si Kenzo na hindi nagsasawang mahalin ang mga taong mahal nila? Kase nga sa movies lang nag eexist ang ganong lalake. They don't exist in the real world. Wala pa akong nakikilalang lalake na hindi nagloko. Even Dad cheated on mom before but their love is greater than anything else kaya pinatawad siya ni Mommy and Dad never did the same thing again. Sana lahat ng lalake kayang magbago para sa mahal nila. Sana yung nakita kong pagbabago ni Kenzo dati ay tinuloy tuloy niya. Pero hindi. He still chose to be a jerk at hindi na ako maniniwalang kaya niya pang magbago.

After class dumiretso na kami sa mall. Pumunta kami sa mcdo and nag dine in muna kami. After naming kumain nagpa take out kami ng fries. Naglalakad lakad kami ngayon sa mall to kill the time. 6pm pa kase ang start ng My ex and whys and it's still 5:30pm.

"Bish, diba you told me na you saw Kenzo? Where did you see him? What happened? Nakita ka rin ba niya? Naiintriga ang sok. Chika mo dali!" Sabi ni Huge. Heto na naman tayo sa kakulitan ng baklang to. Pero I don't hide anything from him kaya I'll tell everything to him.

"Yeah. I saw him dito sa mall. Ewan ko ba! Pero sa mall kami lagi pinagtatagpo.Minsan gusto ko ng isumpa ang mall na to eh!" Pagsisimula ko.

"Ay! Destiny daw talaga kayo bish sabi ng mall. Haha! So ano na nga? What happened?"

"Destiny your face! Eto na nga! Di makapaghintay bish? So ayun nga, nakita ko siya dito and he's with a girl. Nakapulupot yung kamay ng girl sa arms niya. At dahil inis na inis ako sa nakita ko, umalis ako sa mall. Ang sakit lang nila sa mata. At bish ang sakit parin kase talaga. Yung akala mo okay ka na. Akala mo moved on ka na pero makita mo lang siya ulit at may kasama pang haliparot eh masakit parin pala. Bumalik lahat bish eh. Bu---" di pa ako natatapos sa sasabihin ko eh nagsalita na siya. Bastusin rin kase tong batang to. Nag-eemote ako dito eh!

"Okay! Okay! Stop na. Babagsak na naman yang luha mo. You know naman na I hate seeing you broken because of him. Ayokong makitang umiiyak ka na naman because of him. He doesn't deserve your tears and he doesn't deserve you. Okay?" May silbi rin talaga tong si Huge sa buhay ko kahit papano. Haha. Di ko namalayang nangingilid na naman pala ang luha ko. Hanggang kelan ba kase sila mauubos?

"Yeah. Yeah. Pero bish, wala ka na ba talagang chance? Tayo na lang kaya?" Pagbibiro ko sa kanya. Alam niyo, gwapo talaga tong si Huge. Sayang nga at biglang lumiko ng landas. Haha! Formal syang bakla. Di tulad sa iba na girly-girly. Kung titignan mo siya di mo talaga siya mapagkakamalang bakla. Pero pag nagsalita na, ayun lumalabas ang tunay na anyo. Lol. Lagi nga kaming napagkakamalang magsyota eh. Sweet kase kami sa isa't isa kahit hindi halata. Pagmag lalakad kami, nakaakbay sya saken or kaya pinupulpot ko yung kamay ko sa kamay niya. Pero pagmakakakita ng gwapo, ayun lumalambot. Hahaha! Wala ng pag-asa ang isang to.

"Hoy bish, mandiri ka nga! Cannibalism yon! Eew! Ikaw ha! May pagnanasa ka talaga saken. Naku! Alam kong gwapo ako bish pero pareho tayo ng gusto. Gwapo rin ang bet ko."

"Hahaha! Maka eew ka ha! Mas maganda naman ako sayo! Bumili na nga lang tayo ng tickets. Malapit ng mag start eh"
At pumunta na kami sa cinema. After bumili ng tickets, bumili kami ng popcorn and soda. Pumasok na kami sa sinehan at umupo. Ilang minuto lang eh nag start na ang movie. Tahimik lang kaming nanood.
Ang ganda rin talaga nitong si Sofia Andres eh! And shet! Si Diego myloves! Ang gwapo talaga ni Diego. Haaay. Pero sayang yung coffee na natapon ah! Nagkabanggaan kase sila at natapon yung coffee na binili ni Sofia pero nasalo naman siya ni Diego myloves at nagtitigan na silang dalawa. Psh. Walang ganyan sa totoong buhay.

"Bakit ang tao kahit na nasaktan na eh hindi parin nagsasawang magmahal?" Sabi ni liza sa tweet niya.
Oo nga naman. Bakit nga ba?
Mukhang maganda nga tong movie na to kaya nag focus ako sa panonood.

"Kase kung mahal ka. Di ka sasaktan" sagot ni Liza dun sa tanong ng fan niya. Sikat na kase syang blogger and iniinterview siya ngayon. Marami sila actually.

"Korek! Korek talaga" sabi ko after niyang sabihin ang linyang yun.

"Ay reaction paper masyado te? Haha" sabi ni huge. Hinyaan ko lang siya.

"Kahit gano ka kaganda, nakukuha ka paring ipagpalit" sabi ulit ni Liza.

"Ay korek na naman! Mga lalake kase talaga hindi makontento sa isa!" Sabi ko ulit.

"Oo na bish. Ang ingay mo." Sabi ulit ni huge.

Ito na yung scene na nasa loob ng cabinet si Liza and Enrique.
Inaasar asar ng mga tropa niya si Enrique kase ang tahimik sa loob.

"Best lumabas ka na jan! Wala dito si Mr. Stick to one !" Sigaw ni Karen.

"Pwede namang magbago diba?" Sabi ni Enrique kay Liza.

Magbago? Tss. Imposible! Don't me Enrique! Don't me!

"Seees! Magbago your face! Don't me Gio! " sabi ko ulit. Gio kase ang pangalan ni Quen sa movie.

"Bakit ? Pwede naman talagang magbago ah." Nabigla ako sa katabi ko kase nagsalita siya bigla. Napalingon kami ni Huge sa kanya at nawala na yung dila ko. Di na ako makapagsalita.

"Kenzo?!" Gulat na sabi ni Huge sa kanya.

TO BE CONTINUED

Better than revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon