CHAPTER 5

0 0 0
                                    

YUMI's POV

I think I'm having palpitations.  Ang bilis ng tibok ng puso ko. Di ako makapagsalita. Ganito pala ang feeling pag sobrang lapit niyo lang sa isa't-isa. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Marami akong tanong pero ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko.

I felt Huge's hand on mine. Parang sinasabi niyang "relax" and medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.

"Just act normal bish. Wag kang papahalata." Huge whispered.

I managed to smile kahit na parang sasabog na ako sa kaba.

"Uy. Hi " and tried my best to smile. It was fake tho. Parang ngayon lang bumalik lahat ng senses ko and ang sarap niyang sapukin. Magbago? Tingin ko wala na siyang pag-asang magbago.

"Kumusta ka na?" He asked.

Puta! Kamusta?! Heto, wasak parin nang dahil sayong peste ka! Matapos mo akong lokohin at saktan, ang lakas ng loob mong kamustahin ako?! Pakyu!

"Okay lang naman. Ikaw?" I managed to ask. Kahit na ayaw ko naman talaga siyang kamustahin. Baka kase isipin niyang bitter parin ako. At totoo kase naman at ayokong makahalata siya. Ang happy niya lang!

"Okay lang din" sabi niya. Oh ano dre? Awkward ba? Tss.

"Ah. Okay." Walang gana kong sabi at di naman na siya nagsalita ulit. Na awkward talaga ata. Good thing na rin kase ang bilis parin kase talaga ng tibok ng puso ko. This feeling is indescribable! Alam niyo yun, parang ang sarap niyang gulpihin pero at the same time ang sarap din niyang yakapin. Namiss ko kase talaga siya sobra pero sa tuwing naaalala ko yung kagaguhang ginawa nila bumabalik din lahat ng galit na naramdaman ko. Ang hirap parin kaseng kalimutan. TRUST yung nasira eh! It's really hard to trust someone who broke your heart again. Sobraaaang hirap! Yung hindi mo alam kung pano magtiwala ulit. Ang daming what ifs ang pumapasok sa isipan ko. What if magtiwala ka ulit at masira na naman? What if nagbago na nga talaga siya at ako ang magsisi sa huli kase hindi ko siya binigyan ng chance? What if mag take ako ng risk? Will it be worth it? And my biggest question is how can I rebuild my trust? And my follow up questions pa. How can I trust the person who destroyed me again? Will he really change? Should I give him a chance? But what if masaktan ako ulit? Ganito pala ang feeling kapag sinira ng isang tao ang tiwala mo sa kanya. Nakakatakot magtake ng risk. Nakakatakot magbigay ng chance. Nakakatakot magmahal muli.

"Uy bish let's go " Huge's voice brought me back to present. Dun ko lang narealize na tapos na pala ang movie.
Walang hiya! Ang dami-dami kaseng pumapasok sa isip ko! Hindi ko tuloy napanood ng maayos. Kasalanan na naman to ni Kenzo! Bakit pa kase kami nagkatabi? Grabeng coincidence naman yun!

"Ah. Tara babels." Tumayo na ako at lumabas na kami ng sinehan.

Si Kenzo? Hindi ko alam. Wala na siya sa tabi ko nung matapos yung movie. Ganyan naman lagi eh! Lagi na lang siyang umaalis ng hindi nagpapaalam. CHAROT!!!  HAHAHA! Joke lang.

"Uy bish bongga yung acting mo kanina ah. In fairness, it doesn't look like you're still affected." Sabi ni Huge.

"Ay naku bish! Kung alam mo lang! Parang sasabog na ang puso ko kanina. Mixed emotions. Nakakainis siya!"

"Eh pano nga kung magbago na talaga siya? Will you give him a chance?" Seryoso niyang tanong.

"Kanina ko pa iniisip yan and to be honest, I really don't know bish. Sobrang hirap magtiwala ulit. Sobrang hirap magtake ng risk. I think hindi pa ako ready. He devastated me bish, alam mo yun. Haaaay bish! Ewan talaga!" And I heave out a deep sigh.

To be continued

Better than revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon