Shira's POV
Nung papasok na kami sa classroom may nakita akong babae na tumakbo patungo sa classroom tapos hinarang yung pinto bago pa may pumasok na estyudante. "Punta kayo ngayon sa arena," Biglang sabi niya tapos sinara yung pinto.
"Sino yun?!" Tanong ko kay Xhyra. "Yan si Ma'am Artylia, yung PC teacher natin." Sagot niya. Lahat kami ay nagtungo sa arena. Nakita kong may ibang estyudanteng nandoon.
"Para sa iyong activity ngayon sa power class ay isang teamwork. There will be 6 teams. Meaning each class will be divided into two." Paliwanag ni Ma'am Art. "Sa section Astral si Sir. Black ang magdidivide sa inyo. Ma'am Fawn ikaw sa section Nova at ako sa section Terra," Sabi ni Ma'am tapos lumapit sa amin.
Nang matapos nang nadivide kami pumunta kami sa aming team. Kateam ko ngayon si Ray habang si Xhyra nasa isang side. Kami ni Ray sa Team Gold habang si Xhyra ay Team Cobalt. Lahat kami ay pumunta sa aming team. May binigay na handkerchief sa amin na ayon sa kulay ng aming team para malaman kung saan kaming team. Tinalo ko ito sa kaliwa kong kamay.
"Simple lang ang gagawin ninyo, yung team na makakuha ng pinakamaraming aurelion shards sa loob ng 20 minutes ay yung panalo. At pwede ring mahuli yung mga teammates ninyo." Huling sabi ni Ma'am Art bago siya pumunta sa mga upuan ng arena kasama yung ibang mga guro para manood. Yung lupa ay biglang manginig na parang may lindol, nagulat ako nung may mga halaman na mabilis na tumubo mula sa lupa. Iniwasan ko yung mga punong tumutubo sa aking posisyon. Nung natapos na yung paglaki ng mga puno at paglindol ng lupa ay napansin kong yung teammates ko lang na kasama ay si Ray at apat pang iba.
"Kumilos na tayo kung ayaw nating matalo" Sabi ni Raylee, tumango kami at sumunod sa kanya. "Dito nalang tayo magkikita, may iiwanan akong sphere ditong kulay ginto" Tumango ako tapos pumunta ako sa ibang direksiyon.
•••
Ilang shards na ang nakuha ko, kaso may isang problema ako. Di ko naalala kung saan yung meeting point namin. Kukunin ko na sana yung ilang mga shards na nasa tapat ng isang puno nung biglang nahila yung buol ko kaya nasa lupa na yung mukha ko. Agad akong bumangon at nakita yung humila sa akin na hindi pala tao kundi halimaw.
"Leonta ben sol" Pagchant ko sa spell at nabulag yung halimaw sa liwanag na humalimuyak mula sa palad ng kamay ko. Nung nawala na yung liwanag agad akong tumayo tapos sinimulang tumakbo.
"Ba't di nila binangit na may halimaw!?" Pag reklamo ko habang tumatakbo, mayamaya may nabanga ako. "Aray... Ano ba!? Pw---- ay Shira, anyare sayo?" Agad akong tumayo tapos hinila siya nung may narinig akong pagyanig ng mga puno sa likuran namin. Tatanungin sana ni Xhyra kung bakit ko siya hinila nung nakita niya yung halimaw na humahabol.
Huminto kami nung nakita namin yung pader. "Shet" Sabi ko. Hinawakan ni Xhyra yung lupa tapos pinagawa itong tumaas hanggang sa makikita namin yung ilang mga canopy ng mga puno. Nung napansin naming umaalog yung lupa na pinataas ni Xhyra tumingin kami sa baba.
Sinusubukan ng halimaw na pabagsakin ang ginawa ni Xhyra na parang column.
"May tiwala ka ba saakin?" Tanong ko kay Xhyra. "Kaunti" Sagot niya. "Pwede na yan" Sabi ko tapos hinawakan ko yung kamay niya tapos tumalon ng walang manlang paalam sa kanya.
Habang nahuhulog kami chinat ko yung teleportation spell. "Kleron fritz... hur plonte... fir luz" Sabi ko tapos may lumitaw na portal. Napasara yung mga mata ko dahil sa liwanag at sa takot rin kung saan kami mapupunta.
Nung naramdaman ko na yung sakit ng impact ng lupa dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko yung unang nakita ko ay dalawang pamilyar na sapatos. "Shira okay kalang?" Tama yung nahula ko boses ni Stella yun. "Okay lang" Sabi ko habang sinubukan kong tumayo.
" Si Xhyra!" Agad akong tumingin sa paligid at nakita si Xhyra na nakatayo kasama si Aiden. "Next time pls warn me" Galit na sabi ni Xhyra. "Pasensiya na"
"Anong nangyari?" Tanong ni Aiden. Ipapaliwanag ko sana nung biglang natamaan siya ng malaking bato kaha napatingin kaming dalawa ni Stella kay Xhyra. "Pangakong hindi ako kundi siya" Turo niya sa kanyang likuran. Agad na binuhat ni Stella si Aiden na walang malay at sabay kaming tumakbo mula sa halimaw na humahabol. May ginawang ice wall si Stella para bumagal yung halimaw.
Huminto kami para magpahinga muna sa pag tatakbo. Nung nagising na si Aiden nagreklamo siya tungkol sa malaking bato. "Una sa lahat ba't parang tayo lang ang hinahabol niya, tsaka hindi tayo pwedeng tumakbo mula doon habang buhay" Pagsabi ni Xhyra.
"Gumawa nalang tayo ng patibong, ako at si Xhyra ang magiging bait ng patibong" At doon sinimulan namin na gawin ang patibong.
"Handa ka na?" Tanong ko tapos tumango siya. Sabay kaming naglakad tapos nung may narinig kaming malalakas na dapak huminto kami at hinintay na lumapit ito. Nung nakita na kami ng halimaw agad kaming tumakbo papunta sa patibong.
Nung nahuli na nina Stella at Alden yung halimaw agad na sabay naming tinamaan ito ng aming mahika. Nagulat ako nung naging alikabok yung halimaw. Nung natapos na yung activity inanounce ni Ma'am Art yung mga nanalo.
"Yung una ay section Astral, pangalawa ay Nova, huli yung Terra" Pagsabi niya. Agad na sabay kami ni Xhyra kay Ma'am Art para sabihin yung nangyari.
"Ma'am parte ba ng activity na may halimaw?" Tanong ko. "Hindi, bakit?" Tanong niya. Nung sinabi namin yung nangyari agad na pinadala kami ni Ma'am sa infirmary kasama sina Ella at Aiden para magamot.
'Wag mong hayaan silang kunin ka'
"Ano ang sinabi mo?" Tanong ko kay Xhyra. "Wala akong sinabi" Sagot niya. Ang weird naman, ano paba ang mag-expect ko nasa mundo ng mahika nanaman ako.
•••
Sorry kung nadissapoint ko kayo sa aking pag uupdate. Para akong nawawala sa nakalipas na mga araw.
YOU ARE READING
Miracle Academy: The Chosen Guardians (ON-HOLD)
FantasySorry to inform you dear readers that this story will be ON HOLD Premise: Gods and goddesses choose certain champions to defend their magic filled world called Yllunsia. As another cycle begins another generation of champions will be chosen to comp...