"Stella Lewray ang inyong kakalabanin ay isang earth golem," sabi ng announcer.
Pumunta si Stella sa center ng stadium at hinintay ang kanyang kalaban.Mayamaya may biglang lumabas na golem na 9ft tall. Sinubukan ng golem na suntukin si Ella pero nadodge niyo ito tapos nagmaterialize ng ilang ice spikes tapos pinatama sa golem. Napaatras ang golem sa atake niya tapos sinuntok ang lupa. Mula sakanyang malakas na suntok bumangon ang lupa at natama si Ella sa kanyang tiyan sa isa sa mga spiked rocks. Nahulog siya, the golem came close to her then stomped her using his left foot.
After the dust cleared out everyone was looking at the fight with suspense. Pero ako ay naparelieve nung itinaas ng golem ang kanyang paa at nakitang may ice barrier. Nade-materialize ang barrier tapos lumabas si Ella na may hawak na ice sword.
Pumunta si Ella sa isa sa mga spiked rocks tapos tumalon papunta sa golem. Sa isang iglap nasa lupa na si Ella na nakangiti habang ang golem ay sa lupang nadisfigured. Lahat ng mga tao sa stadium ay nagcheer para sakanya. Nang pumunta si Ella sa kinaroroonan ko agad ko siyang yinakap. "Ang galing mo naman!" Sabi ko tapos tumawa siya.
"Salamat, ngayon ikaw na ang susunod," sabi niya. Nakita ko sa wide field na nawala na ang mga natirang parte ng golem at ang mga rocks na tumaas.
"Good luck," sabi ni Ella tapos tumango ako. Pumunta rin ako sa center ng stadium tapos hinintay ang aking kalaban.
"Shira Fortell, ang inyong kakalabanin ay isang lava golem," sabi ng announcer at nagflinch ako. Bakit ba isang lava golem?!
Mayamay bumangon mula sa lupa ang lava monster or golem. Hinanda ko ang aking sarili para sa magiging atake niya. Ngscoop siya ng dirt mula sa lupa tapos ginawa niyang isang fireball. Binato niya ito saaking kinatatayoan, gamit ang aking mahika pinahinto ko ang bola tapos pinabalik sa golem. Nagsmirk ako saaking ginawa.
Sunod ay sinummon ko ang isang espada tapos nagcharge sa golem. Hinamit niya ang kanyang bisig at kamay para iblock ang aking atake at napaatras ako.
Sinubukan niya namang suntukin ako pero nagroll ako sa kanan para iwasan ang malaki niyang kamay. Nastuck ang kanyang kamay sa lupa. "Gustu mo ba ng tulong?" Tanong ko tapos gamit ang aking espada ini-slice ko ang kanan niyang kamay.
He screamed with pain and anger as I landed. Then he started chasing me.
Gamit ang aking mahika may nagappear na magic circle sa ibabaw ng golem at nafreeze ito sakanyang posisyon.Narinig ko naman ang pagcheer ng mg tao sa stadium para saakin. Without any hesitation I formed the magic circle of destruction under it then receited the enchantation to activate it.
"Fire and darkness from the depths of hell, I call forth your power of destruction upon this creature. By these words I call thee hence!" By these words light emitted from the magic circle and blinded the people who were watching.
Pagkatapos ng malaking pagsabog lahat ay tumingin sa kinatatayoan ng golem pero wala ito ang natira lang ay mga malalaking bato and a deep hole na iniwan kong marka.
Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan lahat ay nagsigawan sa laban na nangyari. Bumalik ako kay Ella at umupo muna sa lupa. "That was amazing!" Sabi ni Ella habang umupo sa aking tabi.
"Salamat, marami akong ginamit na energy para sa last move na iyon," sabi ko."Halika punta muna tayo sa clinic para sa mga sugat natin mula saating mga laban," sabi ni Ella tapos tumayo. Tinulungan niya akong tumayo tapos sabay kaming pumunta sa infurmary.
***
"Sige tapos na ako sa pagagamot sa inyong mga sugat. Ngayon kailangan niyo lang na magrelax," sabi ni Dra. Mercy
"Salamat po," sabi naming dalawa bago lumabas mula sa clinic. Habang naglalakad kami sa halls nakita namin si Miss Jenn na tumakbo saamin. "Bakit Miss Jenn?" Tanong ko. "Wala gusto ko lang sabihin sa inyo ang mabuting balita," sabi ni Miss Jenn.
"Ano iyon?" Tanong ni Ella. "Nakapasa kayong dalawa!" Sabi ni Miss Jenn.
"Yes!" Sabay naming sinabi ni Ella.
"Ito ang inyong ID card, ang unifrom ninyo ay ibibigay ng isa sa mga maids ng dorm. Pati na rin ang mga books na kakailanganin ninyo para sa class," wika ni Miss Jenn.Tinignan ko ang aming ID at nakitang gawa sa crystal ito. Napansin ko ring ang aking ID ay kulay blue kagaya ni Ella pero maslight. "Miss Jenn bakit ba the same kami ng kulay?" Tanong ko. "Dahil sa rank ninyo, makikita ninyo ang rank ninyo sa ID," sabi ni Miss Jenn.
Nakita kong nasa Rank S si Ella habang ako ay Rank T.
"Salamat po Miss Jenn," sabi ko.
"Walng anuman, ngayon babalik na ako sa school para magtrabaho. Sige magkitakits tayo!" Sabi ni Miss Jenn bago umalis."Sige punta na tayo sa dorm para maghanda, first day kasi natin bukas," sabi ko tapos sabay kaming naglakad papunta sa dorm.
"Congratulations Shira!" 'yun ang una kong narinig nang binuksan ko ang pinto. Nakita kong nakadecorate ang room ng parang isang birthday party. "Salamat Mia," sabi ko habang yinakap niya ako.
"Ikaw ba ang gumawa ng lahat nito?" Tanong ko kay Mia. "Actually no, si Ray ang nagset-up ng mga decores habang ako sa snacks," sabi ni Mia.
"Ang ganda nila, at meron bang nagdala ng aking uniform at mga aklat?" Tanong ko.
"Mm-hm meron nga, eto," sabi ni Mia habang may hawak na kahon.Binuksan ko ang kahon at nakita ko ang uniform namin. Wat da pak?! Ang short naman ng skirt nila!
"Ganito ba talaga ang short ng skirt?" Tanong ko kay Mia tapos tumango siya.
"Ang short talaga, 'di manlang maabot ang aking mga tuhod," sabi ko."Ganyan talaga ang uniform ng Academy," sabi ni Ray. "Pero maganda nga ang PC uniform," sabi ni Mia.
"Anyway pwede bang tulungan ninyo akong magcatch-up sa mga lessons ninyo?" Tanong ko tapos tumango sila.
TO BE CONTINUED
YOU ARE READING
Miracle Academy: The Chosen Guardians (ON-HOLD)
FantasySorry to inform you dear readers that this story will be ON HOLD Premise: Gods and goddesses choose certain champions to defend their magic filled world called Yllunsia. As another cycle begins another generation of champions will be chosen to comp...