Chapter 1: Miracle Academy

1.1K 27 2
                                    




Bakit ba kapag pinikit ko ang aking mga mata, ang kadiliman lang ang nasa aking kapaligiran? Pero bakit parang komportable ako kapag madilim?

"Shira," rinig ko ang aking pangalan.
"Sino yan?" Tanong ko sa kadiliman. "Luna's crista," sagot niya. "A-ano?" Tanong ko pero pareho muli ang kanyang sagot. " Luna's crista!" ," sinsabi niya paulit-ulit.

~~~

Ako'y nabangon dahil sa lamig na aking naramdaman. Nakita ko si Stella na may hawak na snowball. "Bakit?" Tanong ko sakanya. "May masama ka nanamang panaginip, di kita makayang gisingin kaya sinubukan ko ang snowballs," sabi niya tapos ngumiti.

"Halika na, maghanda na tayo. 8:40 na ngayon," sabi ni Ell tapos umalis saaking kwarto.

Pagkatapos kaming naghanda narinig namin ang boses ni Principal Jenn.
"Halina kayo Shira at Stella!"

Lumabas kami mula sa dorm kasama ang aming mga maleta. "Oh look mukhang aalis na pala ang dalawang hampaslupa," narinig kong sabi ni Chara. Di ko nalang sila pinansin tapos pumasok sa kotse kasama si Stella.

"You there!" Turo ni Principal Jenn kay Chara. "P-po?" Tanong niya. "Ikaw, tulungan mo ang librarian sa paglilinis at pag-aarange ng mga libro," sabi ni Principal Jenn bago pumasok tapos nagsmirk ako.

Ilang oras kaming nasabiyahe nang huminto kami sa harap ng isang malaking puno na may entrance sa gitna niya papunta sa malalim na parte ng forest. Lumabas si Miss Jenn mula sa kotse tapos humarap sa puno tapos nagbulong nanaman ng isang spell na hindi ko marinig.

Mayamay may biglang bumukas na portal sa puno. Na-amaze ako sa kanyang ginawa.
Pumasok muli sa kotse si Miss Jenn tapos pinaandar niya. Nang nakapasok kami sa portal ang una kong nakita ay mga puno nanaman.

Mayamaya pumasok kami sa isang malaki at magandang lugar, nakita ko ring may mga tao na naglalakad sa lugar na may hawak na bag o mga books din. Lumabas kami sa kotse tapos nakita namin na may kinakausap si Miss Jenn. Mayamaya lumapit saamin si Miss Jenn.

"Sige halina kayo, bibigyan ko muna kayo ng isang tour dito sa Academy. Sundin ninyo ako, meron nang mga katulong na maguuwi ng iyong mga maleta sa magiging kwarto ninyo," sabi ni Miss Jenn tapos sumunod rin kami.

"Iyon ang library," turo ni Miss Jenn sa isang malaking building. "Dito ninyo mahahanap ang mga libro tungkol sa mahika, kasaysayan at iba pa," sabi niya tapos lumipat kami sa isa namang building na hugis bilog. "Ito nanaman ang stadium, dito ninyo gagawin ang examination ninyo. Kung tatawagin nila ang iyong pangalan alam na ninyo kung saan kayo dapat pupunta," sabi ni Miss Jenn habang tumango kami.

Pagkatapos ng tour sa campus pumunta muna si Miss Jenn sa Principals office habang kami sa dorm ng mga babae. Nang pumasok kami nagtanong muna kami sa isa sa mga katulong sa dorm. "Umm... Excuse me," sabi ko sa babae. "Alam po ba ninyo kung saan ang aming mga kwarto?" Tanong ko.

"Anong mga pangalan ninyo?" Tanong niya tapos sinagot ko. "Ako si Shira Gail Fortell at ito naman si Stella Lewray," habang nakaturo ang aking kamay kay Ella. "Ikaw ay nasa room 117 habang si Stella nasa room 118. Nasa third floor ng building," wika niya. "Salamat po miss. . ."
"Genevive, pero pwede ninyo akong tawaging Ate Gen," ani niya.

"Sige, salamat Ate Gen," sabi ko bago pumunta kami ni Stella sa mga hagdan na papunta sa taas. Nang narating namin ang third floor agad naming hinanap ang aming rooms. "Sige Stella, magkita tayo mamaya," sabi ko sakanya bago pumasok sa room 117.

Nang pumasok ako nakita kong may dalawang babae na nag-aaway. "Akin ang cupcake na ito!" Sigaw ng babaeng may pula ma buhok at asul na mga mata.
"Pero ako naman ang nagbake nito!" Wika ng isa na may gintong buhok at brown eyes.

"Uhh... excuse me?" Sabi ko tapos tumingin ang dalawa saakin. "Hello! Ikaw ba ang bago naming roomie?" Tanong ng babaeng may dilaw na buhok. "Oo, ako si Shira, sino ba kayo?" Tanong ko sa dalawa.

"Ako si Mia, at ang babae namang iyon ay si Raylee," sabay turo sa babaeng kinakain ang cupcake. "Ray! Kinain mo naman!" Sigaw ni Mia kay Raylee. "Anyway gusto mo ba ng cupcakes nagbake ako kanina, at ang kama mo ay nasa taas," sabi niya habang turo ang ladder papunta sa second floor ng room. "Sige, nagugutom kasi ako," sabi ko tapos ngumiti kay Mia.

"So ano ang magic mo?" Tanong ko kay Mia. "Ang aking mahika ay metal," sagot niya. "Ikaw?" Tanong niya saakin.
"Ako ay Twilight magic," sabi ko tapos nakita ko naman na gulat siya. "Bakit may problema ba?" Tanong ko. "Hindi mo alam?" Tanong niya. "Na ano?" Tanong ko.

"Ang Twilight magic ay isang rare type of magic, narinig ko sa mga rumors na iyang type of magic ay makapangyarihan at destructive," sabi niya. "Saan ka pala nagmula?" Tanong niya saakin.
"Ako ay nagmula sa Maynila," sagot ko tapos nakatulala siya.

"Ano ang Maynila, wala akong narinig na ganyang lugar dito sa Cythoria." Sabi niya. Oo nga pala nandito ako sa Magic world hindi sa earth. "Ang Maynila ay nasa mundo ng mga tao," sabi ko kay Mia tapos tumango siya.

"Punta muna ako sa aking kama para magunpack," sabi ko kay Mia bago umakyat sa sandok. Nakita ko na nasa kama ang dalawa kong maleta sa kama. Una kong binuksan ang maletang kulay pula. Kinuha ko ang spell book na nahanap ni Stella tapos nagbasa muna ng ilang mga pahina nito.

Chapter one - types of magic

Common
• Fire                  • Air
• Water              
• Earth
• Nature
• Ice
• Metal

Rare
• Arcane               • Destructive magic
• Illusion              • Shadow
• Barrier making
• Creation
Lightning

Rarest of All
• Twilight
• Angelic
• Forbbiden magic
Light
• Demonic

Hmm... mukhang ang rarest magic sa lahat ay ang demonic magic. I wonder kaya kung bakit rarest rin ang Twilight. Ilang minuto ang nakalipas tapos narinig ko ang aking pangalan.

"Shira at Stella pinatawag kayong dalawa sa staduim," narinig ko telephatically. Bumaba ako mula sa ladder tapos nagpaalam kina Mia at Ray. Sabay kami ni Stella na lumakad sa hallways. "Sino ang mga roomates mo?" Tanong ko kay Ella.
"Pangalan nila ay Kaixin at Xhyra," sagot niya. "Si Kaixin ay mukhang ang fun and energetic type habang si Xhyra mukhang ang humble and shy type," sabi ni Ella.

"Ikaw?" Tanong ni Ella. "Sila ay sina Mia at Raylee," sagot ko. "Si Mia mukhang ang mabait at sweet habang si Raylee parang ang lazy pero cool type," sabi ko.

Huminto kami sa harap ng malaking pinto ng stadium. "Sabay nating buksan" sabi ni Ella tapos sabay nga naming tinulak ang pinto. Ang una naming nakita ay ang malaking grasay field at ang mga taong nandito para manood. "Shit! Ayaw ko ang mga taong manood saakin" bulong ko kay Ella.

"Wagkang mag-alala, nandito ako," sabi ni Ella tapos ngumiti ako. "Ngayon ang una munang maglalaban ay si Stella Lewray," sabi ng isang babae na nasa balcony kasama ang ilan ring mga tao. Baka sila ang mga judges.


TO BE CONTINUED

Miracle Academy: The Chosen Guardians (ON-HOLD) Where stories live. Discover now