Chapter 7: Late Return

674 15 4
                                    


Shira's POV

Sabado na ngayon at wala akong maisip na ibang gawin kundi nakahiga sa kama. Ang tamad ko talaga. Bumaba ako at nakitang may ginagawa sina Mia at Raylee. "Mia may kailangan ka bang tulong?" Tanong ko pero umiling siya, tinanong ko rin si Ray pero umiling rin.

Gusto ko sanang manood ng tv pero wala dito, magagames sana ako sa aking phone pero walang signal dito. "Bwisit, wala akong ibang gawin kundi maging tamad" Sabi ko sa aking sarili.

"Pwede namang lumabas ka muna para maghanap ng ibang gawin" Sabi ni Raylee. Tumayo ako mula sa upuan tapos lumabas, wala akong mahanap na interesadong gawin habang naglalakad. Gusto ko sanang magtraining pero wala ako sa mood.

"Hi Shira!" Napatalon ako nung may humawak sa aking balikat. Tumingin ako sa lalake, classmate ko siya pero wala akong clue kung anong pangalan niya. "Nagulat mo ako..... " Hindi ko talaga alam yung pangalan.

"Pangalan ko'y Kiel, anong ginagawa mo?" Tanong niya. "Wala naghahanap ako ng interesadong gawin." Sagot ko tapos sabay kaming naglakad. "Gusto mong pumunta sa Everwood?" Tumingin ako sa kanya na parang nalito. "Ay sorry, nakalimutan kong hindi ka familiar dito sa Phantasia, ang Everwood ay isang village na malapit lang dito" Pagexplain niya.

Phantasia pala ang tawag sa mundong ito. "Sige, paano tayo pupunta doon?" Tanong ko kay Kiel. Sinimulan niyang naglakad at ako ay sumunod. Pumunta kami sa faculty, tinawag ni Kiel si Sir. Merlin. Kinausap ni Kiel si Sir. Merlin para gamitin namin ang isa sa mga portals para makapunta sa Everwood.

"Halika na" Sabay kaming pumasok sa portal. Naamaze ako sa view ng village. Yung design ng mga bahay ay parang yung sa medieval times pero may changes. Sumunod ako kay Kiel nung tinawag niya yung pangalan ko.
Unang napansin ko sa village ay masigla yung mga tao dito, may mga street performers, tindera, etc. Bisi yung mga kalye.

Lumibot kami sa isang palengke. Lumapit si Kiel sa isa sa mga paninda ng prutas tapos bumili ng dalawa. Inabot niya yung isa sa akin, masaya kong natangap. "Ano tong prutas?" Yung prutas ay hugis bilog na kulay pula at may mga polkadots na lila.

"Iyan ay isang lefro , prutas na nagpapalakas ng stamina," Sagot niya. Nung natikman ko eh maasim pero mayamaya naging matamis.

Maraming pinakita si Kiel sa akin dito sa village. "Kiel parang kailangan nating umalis, didilim na kasi" Sabi ko kay Kiel. "Sandali muna may kailangan muna nating makita bago umalis, halika" Sabi niya tapos hinila ako.

Huminto kami sa isang cliff na malapit sa village, mula dito makikita namin ang buong Everwood. Napansin kong gabi na, nagaalala na ako na baka mapapagalitan kami kapag bumalik kami. "Kiel kaila-" huminto ako nung may nakita akong pumutok sa langit.

"Ba't may firework display?" Tanong ko habang ine-enjoy ang display. "Dahil ngayon ay ang celebration kung saan natapos yung Bloodmoon war" Pagpaliwanag niya. Mayamaya may naramdaman akong sakit sa kanan kong bisig, nakita kong may bee. Di ako gumalaw hangga't sa lumayo yung bee.

"Okay ka lang?" Tanong ni Kiel. Tumango ako hinawakan niya yung kanan kong bisig tapos nakita yung sting na iniwan ng bee. Inalis niya yung maliit na stinger. Nagswell yung parte na nasting ako. "Wag kang mag-alala, parang dental pain lang yung mararamdaman mo. Lagyan mo ng kaunting honey pagbalik mo sa dorm" sabi niya tapos bumalik kami sa academy.

"Sa susunod bumalik kayo bago gabi! Hindi niyo ba alam na may mga taong nag-aalala sa iyo!?" Pagsermon ni Sir. Merlin sa amin. "Kung mauulit ito may baka isusuggest ko sa principal na kailangan na may kasamang mga eyebats yung mga students" Nagapologize kami kay Sir. Merlin.

"Salamat Kiel, i had fun" Pagsabi ko sa kanya bago pumasok sa girl's dormitoryo.

"Ba't ngayon ka lang bumalik?" Tanong ni Mia nung pumasok ako sa aming room. "Ikwekwento ko nalang bukas, sa ngayon kailangan kong matulog" Tapos humikab ako.

Bago ako natulog kumuha ako ng kaunting honey tapos tinakpan yung parte na nasting ako. Humiga ako sa aking kama at natulog na parang bata.

~~~~~~

"Pls... Pls... W---ag!"

Natatakot ako, wala akong ibang maisip kundi tumakbo at magtago. Pumasok ako sa isang silid, may mga dapak akong narinig.... bumilis ang pagtibok ng puso ko.... napaatras ako nung may sinusubukang buksan yung pinto, nagtago ako sa loob ng isang kasilyas.

Mayamaya biglang nagbago yung paligid. May nakikita akong mga bubbles. Lumapit ako sa isa at may nakitang nangyayari sa loob nito. Lumibot ako sa paligid tapos may nakitang lalake na hinahawakan yung isa sa mga bubbles.

Nung tumingin siya sa akin nagulat siya. Napansin kong yung pagtingin niya ay hindi sa akin kundi sa aking likuran. Lumingon ako at may nakitang halimaw... hindi ko makayang ilarawan yung halimaw dahil natatakot ako.

The ground suddenly started to shake like there was an earthquake. Nawala yung lalake at yung halimaw. Sinimulan ng lupa na tumaas. Hinawakan ko ng mahigpit ang lupang tumataas, tumingin ako sa baba at wala akong nakita kundi kadiliman.

Nadulas yung kamay na humawak sa lupa, walang ibang nangyari sa akin kundi mahulog.... mahulog sa kadiliman.


~~~~~~

Sa aking pagising nakita ko si Ray na nakatingin sa akin. "Bakit?" Tanong ko. "You were scared... I heard you sobbing quietly" Nagulat ako nung napansin kong may mga scratch marks sa braso niya.

"Ray saan mo nak-" tumigil ako nung narealize ko kung ano ang dahilan. Sinubukan na itago ni Ray yung braso niya. "Wala ito kumpara sa training na ginagawa ko kaya wag kang magalala" Sabi niya tapos may inabot na basong tubig. "Pasensya talaga Ray" tapos ininom ko yung tubig.

"Matulog ka na," Sabi ni Ray tapos kinuha yung baso mula sa akin at umalis. Humiga ako at tumingin lang sa kisame. Ano ba talaga tong nangyayari? Tama ba na pumunta kami dito? Nararamdaman kong parang may naghihintay sa akin... pero ano? sino at bakit?

Kailangan ko talagang matulog, maguguluhan lang ako sa aking mga tanong. Marami pa rin akong kailangan na malaman tungkol sa aking sarili pero parang ayaw ko, parang takot akong malaman.

"Stop thinking negative and start thinking positive. Life is a challenge, meet it"

Yan ang biglang pumunta sa isip ko.

•••••

Ang tamad talaga ng Author. Sorry talaga sa aking late updates. Nadidistract kasi ako, sa ngayon kailangan ko munang magrefresh. Hope u enjoyed this chapter, if u do pls leave a vote or whatever.

Miracle Academy: The Chosen Guardians (ON-HOLD) Where stories live. Discover now